The page you've requested isn't currently available in your language. You can select a different language at the bottom of the page or instantly translate any webpage into a language of your choice, using Google Chrome's built-in translation feature.

Kumuha ng tulong sa pagbasa ng text sa isang screen

Kung kailangan mo ng tulong sa pagbasa ng text sa isang screen, maaari mong i-on ang mga setting ng accessibility para sa ilang produkto ng Google sa iyong Google Account.

I-on o i-off ang screen reader

Nalalapat lang ang setting ng screen reader sa Google Docs, Sheets, Slides, Forms, at Drawings sa isang browser, gaya ng Chrome. Kapag ginagamit mo ang mga produktong ito, mababasa ng screen reader nang malakas ang text sa iyong screen.

Para gumana ang setting na ito, kailangang may screen reader ka, gaya ng NVDA, JAWS, VoiceOver o ChromeVox.

  1. Buksan ang iyong Google Account. Baka kailanganin mong mag-sign in.
  2. Sa kaliwa, i-click ang Personal na impormasyon.
  3. Sa ilalim ng "Mga pangkalahatang kagustuhan para sa web," i-click ang Accessibility.
  4. I-on o i-off ang Screen reader.

Posibleng kailanganin mong sundin ang mga karagdagang hakbang para i-set up ang iyong screen reader para sa Google Docs, Sheets, Slides, Forms, at Drawings.

I-on o i-off ang mga kulay na mataas ang contrast

Nalalapat lang ang setting ng mga kulay na mataas ang contrast sa Google Voice, sa site ng Google Developers, at sa iba pang site ng dokumentasyon ng developer sa isang browser, tulad ng Chrome. Sa site na iyon, makakatulong ang mga kulay na mataas ang contrast na gawing mas malinaw ang text sa screen.

  1. Buksan ang iyong Google Account. Baka kailanganin mong mag-sign in.
  2. Sa kaliwa, i-click ang Personal na impormasyon.
  3. Sa ilalim ng "Mga pangkalahatang kagustuhan para sa web," i-click ang Accessibility.
  4. I-on o i-off ang Mga kulay na mataas ang contrast.

Mga kaugnay na resource

true
Welcome sa Google Account!

Nalaman naming mayroon kang bagong Google Account! Alamin kung paano pahusayin ang iyong experience gamit ang checklist ng Google Account mo.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
7311222326390456381
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
70975
false
false