Mag-sign in gamit ang mga prompt ng Google

Kapag nag-sign in ka sa iyong Google Account, makakapag-tap ka ng notification sa telepono mo para kumpirmahing ikaw ito.

Magagamit mo ang mga prompt ng Google para mag-sign in:

Kahit na hindi mo na-on ang alinman sa mga setting na ito, posibleng hilingin sa iyo ng Google na mag-tap ng notification para makatulong sa pagkumpirmang ikaw ang nagsa-sign in.

Makakatanggap ka ng mga prompt ng Google sa anumang kwalipikadong teleponong naka-sign in sa iyong Google Account.

Kung kwalipikado ang iyong telepono, awtomatikong susubukan ng Google na gamitin ang Bluetooth para sa karagdagang proteksyon kapag nag-sign in ka sa mga bagong device. Ginagamit namin ang Bluetooth para makatulong sa pag-block ng mga kahina-hinalang pagsubok na mag-sign in mula sa mga device na pisikal na malayo sa iyong telepono.

Hakbang 1: Suriin ang compatibility ng telepono

Para makatanggap ng mga prompt ng Google, kailangan mo ng:

  • iPhone 5S at mas bago.
  • Ang Gmail app , YouTube app YouTube, Google app , Photos app Photos, Ad Words app, o Smart Lock app .

Hakbang 2: Mag-sign in sa Google app

Sa iyong iPhone o iPad, mag-sign in sa Gmail app , YouTube app YouTube, Google app , Photos app Photos, Ad Words app, o Smart Lock app .

Tip: Kung nakapag-sign in ka na sa isa sa mga app na ito, hindi mo kailangang mag-download ng isa pa.

Hakbang 3: I-on ang mga prompt ng Google

Pumili ng opsyon:

Mahalaga: Kung magsa-sign in ka sa ibang compatible na device, awtomatiko kang makakatanggap ng mga prompt ng Google sa device na iyon hanggang sa mag-sign out ka.

Hakbang 4: I-on ang mga push notification

Magagamit mo nang mas mabilis ang mga prompt kapag nag-tap ka sa mga push notification sa halip na buksan ang Gmail app , YouTube app YouTube, Google app , Photos app Photos, Ad Words app, o Smart Lock app .

Mag-set up ng mga notification

Sa unang beses na makatanggap ka ng prompt, itatanong nito kung io-on ang mga notification. Para i-on ang mga notification, i-tap ang I-on o sundin ang mga tagubilin sa ibaba.

  1. Sa iPhone mo, buksan ang iyong Settings.
  2. I-tap ang Mga Notification.
  3. Piliin ang Gmail app , YouTube app YouTube, Google app , Photos app Photos, Ad Words app, o Smart Lock app .
  4. I-on ang Pahintulutan ang Mga Notification.

Paano nakakatulong ang mga prompt ng Google na protektahan ang iyong account

Inirerekomenda naming gamitin na lang ang mga prompt ng Google sa halip na mga code sa pag-verify sa text message (SMS) para:

  • Maiwasan ang pag-hack ng account batay sa numero ng telepono. Posibleng subukang nakawin ng mga hacker ang mga code sa pag-verify para makatulong sa kanilang pasukin ang mga account. Nakakatulong ang mga prompt ng Google na magprotekta laban sa paraang ito ng pag-hack ng account sa pamamagitan ng mas secure na pagpapadala sa mga ito sa mga device mo lang na naka-sign in.
  • Kumuha ng higit pang impormasyon tungkol sa mga pagtatangka sa pag-sign in. Para matulungan kang makakita ng kahina-hinalang aktibidad, nagbibigay sa iyo ang mga prompt ng Google ng impormasyon tungkol sa device, lokasyon, at oras ng pagtatangka sa pag-sign in.
  • Mag-block ng kahina-hinalang aktibidad. Kung hindi mo sinubukang mag-sign in sa iyong account, i-tap ang Hindi sa notification para i-secure ang account mo.

Gumamit ng mga inirerekomendang device at feature ng seguridad

Kung kailangan mong mag-sign in sa teleponong hindi sa iyo, mag-sign in sa isang window ng pribadong browser. Para mag-sign out, isara ang lahat ng window ng pribadong browser kapag tapos ka na.

Para makatulong na mapigilan ang iba pang taong magamit ang iyong device, gumamit ng passcode sa iyong telepono.

Ayusin ang mga problema

Nakatanggap ka ng prompt pero hindi ka nag-sign in

Kung hindi mo sinubukang mag-sign in pero nakatanggap ka ng prompt, posibleng mayroong sumubok na mag-sign nang walang pahintulot mo.

Sa prompt na "Sinusubukang mag-sign in?," i-tap ang Hindi.

Kung may mapapansin kaming kakaiba sa kung paano ka mag-sign in, tulad ng iyong lokasyon, posibleng hilingin namin sa iyong magsagawa ng mga karagdagang hakbang para kumpirmahing ikaw ito. Halimbawa, posibleng kailanganin mong itugma ang numerong nasa screen ng iyong computer sa numerong nasa screen ng telepono mo

Hindi ka nakakatanggap ng prompt ng Google

Mahalaga: Para makatanggap ng mga prompt, tiyaking nakakonekta sa internet ang iyong device. Kailangang naka-on ang iyong Wi-Fi o cellular data para makatanggap ng mga prompt.

Kung susubukan mong mag-sign in at hindi ka makakatanggap ng prompt:

  1. Sa screen ng pag-sign in, i-tap ang Ipadala Ulit.
  2. Kumpirmahing naka-sign in ka sa iyong Google Account. Sundin ang mga hakbang na ito, pagkatapos ay subukang mag-sign in ulit.
    1. Sa iyong iPhone, buksan ang Gmail app , YouTube app YouTube, Google app , Photos app Photos, Ad Words app, o Smart Lock app .
    2. Sa ibaba, i-tap ang Mag-sign in.
    3. Sundin ang mga hakbang sa screen.
Hindi ka nakakatanggap ng prompt na notification
I-on ang mga notification para sa Gmail app , YouTube app YouTube, Google app , Photos app Photos, Ad Words app, o Smart Lock app .

Nakakatanggap ka ng mensaheng "Nag-expire na ang Kahilingan"

Kung magpapakita ang iyong telepono ng nag-expire na o nag-time out na prompt, nagkaroon ng hindi matagumpay na pagtatangkang mag-sign in sa Google Account mo.

Kung sinubukan mong mag-sign in sa iyong account:

  1. Sa screen ng pag-sign in, i-tap ang Ipadala Ulit.
  2. Sundin ang mga tagubilin sa screen para makapag-sign in sa iyong Google Account.

Kung hindi mo sinubukang mag-sign in sa iyong Google Account:

Nasa malayo ang iyong telepono o hindi mo ito magamit

Posibleng kailanganin mong mag-sign in sa ibang paraan, tulad na lang kapag:

  • Wala sa iyo ang telepono mo.
  • Hindi na-charge ang iyong telepono.
  • Offline ang iyong telepono.

Kung nagsa-sign in ka gamit ang mga prompt ng Google sa halip na isang password, kailangan mong gamitin na lang ang iyong password. 

  1. Mag-sign in sa iyong Google Account.
  2. I-tap ang Gumamit ng password o iba pang opsyon.
  3. Pumili ng isa sa mga opsyon:
  4. Sundin ang mga hakbang sa screen.

Kung gumagamit ka ng mga prompt ng Google para sa 2-Step na Pag-verify, subukang mag-sign in sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang na ito:

  1. Mag-sign in sa iyong Google Account.
  2. I-tap ang Sumubok ng ibang paraan.
  3. Pumili ng isa sa mga opsyon at sundin ang mga hakbang sa screen.

Tip: Posibleng naiiba nang bahagya ang text sa hakbang 2. Posibleng sabihin ng text na, “Hindi ko ito magagawa,” o iba pang mensahe.

Nawala o nanakaw ang iyong telepono

Mag-sign out sa device na hindi mo na ginagamit.

Para ma-recover ang iyong account:

  1. Mag-sign in sa iyong Google Account.
  2. I-tap ang Wala sa akin ang telepono ko.
  3. Pumili ng isa sa mga opsyon at sundin ang mga hakbang sa screen.
Ihinto ang pagtanggap ng mga prompt
Tip: Kung gumagamit ka ng 2-Step na Pag-verify, mag-set up ng mga backup na paraan para makatulong na maiwasan ang pagkaka-lock out sa iyong account.
Makakatanggap ka ng mga prompt ng Google sa anumang kwalipikadong teleponong naka-sign in sa iyong Google Account.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
2524247817734018951
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
70975
false
false