Kontrolin ang nakikita ng iba tungkol sa iyo sa lahat ng serbisyo ng Google

Puwede mong gawing pribado o nakikita ng kahit sino ang ilang impormasyon sa iyong Google Account. Sa ganoong paraan, makokontrol mo kung sino ang makakakita ng impormasyon gaya ng iyong kaarawan o numero ng telepono sa lahat ng serbisyo ng Google.

Piliin ang impormasyong ipapakita

Matitingnan ng ibang taong gumagamit ng mga serbisyo o device ng Google kung saan ipinapakita ang profile ng Google Account mo ang iyong pangalan at larawan sa profile.
  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Mga Setting mo.
  2. I-tap ang Google at pagkatapos  Pamahalaan ang iyong Google Account at pagkatapos Personal na impormasyon.
  3. Sa ilalim ng "Piliin ang nakikita ng ibang tao," i-tap ang Pumunta sa Tungkol sa akin.
  4. Sa ilalim ng isang uri ng impormasyon, mapipili mo kung sino ang kasalukuyang makakakita ng impormasyong ito.
  5. Pumili ng isa sa mga sumusunod:
    • Para gawing pribado ang impormasyon, i-tap ang Ako lang Pribado, i-tap para i-edit kung sino ang makakakita sa impormasyong ito
    • Para gawing nakikita ng kahit sino ang impormasyon,  i-tap ang Kahit Sino Mga Tao.

I-edit ang personal na impormasyon

Magdagdag, mag-edit, o mag-alis ng personal na impormasyon

Mahalaga: Hindi maalis ang ilang impormasyon sa iyong Google Account. Halimbawa, puwede mong i-edit, pero hindi mo maaalis, ang iyong pangalan at petsa ng kapanganakan.
  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang app na Mga Setting ng device mo, pagkatapos ay i-tap ang Google at pagkatapos Pamahalaan ang iyong Google Account.
  2. Sa itaas, i-tap ang Personal na impormasyon.
  3. Sa ilalim ng "Piliin ang nakikita ng ibang tao," i-tap ang Pumunta sa Tungkol sa akin.
  4. Baguhin ang iyong impormasyon:
    • Magdagdag: Para sa bawat kategorya kung saan mo gustong magdagdag ng impormasyon, i-tap ang Magdagdag ng userMagdagdag .
    • Mag-edit: I-tap ang impormasyong gusto mong baguhin at pagkatapos ay i-tap ang I-edit I-edit
      • Tip: Kung binago mo ang iyong pangalan kamakailan, posibleng kailanganin mong maghintay bago mo ito mabago ulit.
    • Mag-alis: I-tap ang impormasyong gusto mong alisin at pagkatapos ay i-tap ang Alisin.
  5. Sundin ang mga hakbang sa screen.

I-edit ang personal na impormasyon

Tip: Para baguhin ang ilan pang impormasyon ng account, tulad ng iyong password, pumunta sa Google Account mo.

Tingnan at pamahalaan ang iyong mga profile sa mga serbisyo ng Google

Sa ilang serbisyo ng Google, mayroon kang profile na nakikita ng ibang taong gumagamit ng serbisyong iyon. Makikita mo ang iyong mga profile para sa ilang serbisyo sa Google Account mo.

  1. Sa iyong Android phone o tablet, pumunta sa Google Account mo.
  2. Sa itaas, i-tap ang Personal na impormasyon.
  3. Mag-scroll sa Iyong mga profile.
  4. I-tap ang Tingnan ang mga profile.
  5. Pumili ng serbisyo para matingnan ang impormasyon ng profile mo.
  6. Pumunta sa serbisyo para mapamahalaan ang impormasyon ng profile mo.

I-edit ang iyong profile

Pagtuklas sa Profile

Alamin ang tungkol sa Pagtuklas sa Profile

Mahalaga: Hindi available sa mga user ng EDU ang Pagtuklas sa Profile.

Kapag hinanap ka ng mga tao gamit ang iyong numero ng telepono o email address sa mga produkto at serbisyo ng Google, nakakatulong ang pagtuklas sa profile na matukoy kung ano ang mahahanap nila. Kapag sine-set up mo ito, pipiliin mo kung makikita ng mga taong hindi mo pa nakakausap sa mga serbisyo ng Google, pero may impormasyon mo sa pakikipag-ugnayan, ang iyong larawan sa profile at ang buo o pinaikling pangalan mo. 

Pagkatapos mong makipag-ugnayan sa isang tao, halimbawa, kapag nakipag-ugnayan ka sa Google Chat o nagbahagi ng album sa Google Photos, karaniwan nilang makikita ang buo mong pangalan at larawan sa profile mula sa iyong Google Account. 

Gamit ang pagtuklas sa profile, mapipili mong:

  • Gamitin ang iyong pangalan mula sa pangunahin mong profile o gumamit ng pinaikling bersyon ng iyong pangalan.
  • Ipakita o i-hide ang iyong larawan sa profile.
Pamahalaan ang Pagtuklas sa Profile

Mahalaga: Para bigyang-daan ang mga tao na mahanap ka sa pamamagitan ng numero ng telepono, i-on ang Hayaang mahanap ka ng mga tao sa pamamagitan ng numero ng telepono sa iyong mga setting ng numero ng telepono.

  1. Pumunta sa iyong Google Account.
  2. Sa itaas, i-tap ang Personal na impormasyon.
  3. Sa "Iyong mga profile," i-tap ang Tingnan ang mga profile.
  4. Sa ibaba ng iyong larawan at pangalan, i-tap ang Mga setting ng pagtuklas sa profile.
  5. I-on ang Pagtuklas sa profile.
  6. Para i-edit kung paano lumalabas ang iyong pangalan at larawan sa profile mo, i-tap ang Baguhin.

Higit pang detalye tungkol sa iyong impormasyon

Anong impormasyon ang puwedeng ipakita

Narito ang ilang impormasyong puwede mong ipakita o itago sa iba pang taong gumagamit ng mga serbisyo ng Google:

  • Iyong kaarawan
  • Iyong kasarian
  • Impormasyon tungkol sa trabaho, tulad ng kung saan ka nagtatrabaho
  • Personal na impormasyon sa pakikipag-ugnayan at impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa trabaho
  • Mga lugar kung saan ka tumira
  • Impormasyon tungkol sa edukasyon

Maaaring ipakita ang sumusunod na impormasyon sa mga tao kung kanino ka nakikipag-ugnayan o nagbabahagi:

  • Iyong pangalan
  • Palayaw
  • Larawan sa profile
  • Larawan sa cover
  • Ang email ng iyong Google Account

Tip: Lalabas ang pangalan at larawan sa profile sa iyong page na "Tungkol sa akin" sa karamihan ng mga serbisyo ng Google. Kung gagamit ka ng ibang pangalan o larawan sa profile sa ilang partikular na serbisyo ng Google, makikita mo pa rin ang mga ito roon.

Saan puwedeng lumabas ang impormasyong ito
Makikita sa ilang lugar ang impormasyon sa iyong Google Account na ginawa mong nakikita ng Kahit Sino:
  • Sa mga serbisyo ng Google kung saan nakikipag-ugnayan ka sa ibang tao, tulad ng Google Chat at Gmail.
  • Sa mga serbisyo ng Google kung saan gumagawa ka ng content, tulad ng Maps, Play, at YouTube.
Sino ang makakakita ng iyong impormasyon
  • Pribado: Ikaw lang ang nakakakita.
  • Sinuman: Nakikita ng sinuman.
  • Mga taong nakakaugnayan mo: Nakikita ng mga taong nakakaugnayan mo, halimbawa, sa pamamagitan ng Chat at mga photo album na ibinahagi sa Google Photos.
  • Iyong organisasyon: Nakikita ng lahat ng nasa iyong organisasyon, tulad ng trabaho o paaralan. 
  • Pamilya: Nakikita ng sinumang nasa iyong grupo ng pamilya.

Mga kaugnay na resource 

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
8029981222828792114
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
70975
false
false