Bilang manager ng pamilya, puwede kang mag-imbita ng hanggang 5 tao para sumali sa iyong grupo ng pamilya. Puwede ka ring mag-alis ng mga tao sa iyong grupo ng pamilya, o puwede mong i-delete ang grupo ng pamilya.
Magdagdag ng mga miyembro ng pamilya
Puwede kang magdagdag ng mga miyembro ng pamilya na:
- Nakatira sa bansa kung saan ka nakatira.
- May edad na hindi bababa sa 13 (o sa naaangkop na edad sa iyong bansa).
- Puwede lang idagdag ang mga batang wala pang 13 kung manager ng pamilya ang gumawa sa pinapamahalaang Google Account ng bata.
- Buksan ang Google Play app
.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang icon ng profile.
- I-tap ang Mga Setting
Pamilya
Pamahalaan ang mga miyembro ng pamilya.
- I-tap ang Mag-imbita ng mga miyembro ng pamilya
Ipadala.
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Family Link
.
- Sa kaliwang bahagi sa itaas, piliin ang profile ng iyong anak
Pamahalaan ang pamilya
Magpadala ng mga imbitasyon.
Magagawa ng sinuman sa isang grupo ng pamilya na bumili ng membership sa Google One at ibahagi ito sa kanyang buong pamilya, hanggang sa 6 na miyembro sa kabuuan, nang walang dagdag na bayad.
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google One app
.
- Sa itaas, i-tap ang Menu
Mga Setting.
- I-tap ang Pamahalaan ang mga setting ng pamilya.
- I-on ang Ibahagi ang Google One sa iyong pamilya. Para kumpirmahin, sa susunod na screen, i-tap ang Ibahagi.
- I-tap ang Pamahalaan ang grupo ng pamilya
Mag-imbita ng mga miyembro ng pamilya.
- Sundin ang mga tagubilin para tapusin ang pag-set up.
- Sa iyong Android phone o tablet, sabihin ang "Hey Google, buksan ang mga setting ng Assistant" o pumunta sa mga setting ng Assistant.
- I-tap ang Ikaw
Iyong mga tao
Magdagdag ng tao.
- Piliin ang contact na gusto mong idagdag.
- I-on ang Grupo ng pamilya.
- Kumpirmahin ang kanyang email o numero ng telepono.
- Puwede kang maglagay ng ibang email o numero ng telepono.
- I-tap ang I-save
Idagdag.
Mag-alis ng tao sa iyong grupo ng pamilya
Kung ikaw ang manager ng pamilya, puwede kang mag-alis ng mga tao sa iyong grupo ng pamilya sa ilang paraan.
Mahalaga: Kinakailangan ng mga bata ng pamamahala:
- Para alisin ang isang bata na wala pang 13 taong gulang (o wala pa sa naaangkop na edad sa iyong bansa) sa grupo ng pamilya mo, dapat ay i-delete mo ang pinapamahalaang Google Account ng bata o ilipat mo ang pamamahala sa ibang magulang.
- Para alisin ang isang pinapamahalaang user na lampas na sa edad na 13 (o sa naaangkop na edad sa iyong bansa) sa grupo ng pamilya mo, dapat mong ihinto ang pamamahala para sa user na iyon. Mapipili ng user na iyon na simulan ulit ang pamamahala sa ibang pagkakataon.
Para alisin ang iba pang user sa iyong grupo ng pamilya:
- Pumunta sa g.co/YourFamily.
- Piliin ang miyembro ng pamilya na gusto mong alisin.
- Piliin ang Alisin ang miyembro
Alisin.
Ang taong aalisin mo sa iyong grupo ng pamilya ay:
- Makakapagpanatili ng kanyang Google Account at anumang content sa kanyang device na binili gamit ang paraan ng pagbabayad ng pamilya.
- Hindi makakagawa ng mga bagong pagbili gamit ang paraan ng pagbabayad ng pamilya, o hindi makaka-access ng anumang serbisyo na pinagbabahagian ng iyong grupo ng pamilya.
- Makakatanggap ng alerto sa email kapag inalis siya.
- Mawawalan ng access sa anumang bagay na nasa iyong Family Library.
- Mawawalan ng access sa iyong nakabahaging storage kung ang iyong pamilya ay may membership sa Google One.
- Kung wala na siyang storage, mananatiling ligtas ang kanyang mga file pero hindi na siya makakapag-store ng anumang bago. Alamin kung ano ang mangyayari kapag naubusan siya ng space.
- Mawawalan ng access sa mga karagdagang benepisyo ng miyembro at eksperto sa Google.
Kung ang inalis mong tao ay:
- May binili gamit ang paraan ng pagbabayad ng pamilya at pinoproseso na ito: Sisingilin ka pa rin, pero puwede kang humingi ng refund para sa mga hindi gusto o hindi sinasadyang pagbili.
- Nagdagdag ng content sa Family Library: Kung magse-set up ka ng Google Play Family Library, aalisin ang anumang content na idinagdag niya, at mawawalan ng access ang iba pang miyembro ng pamilya sa content na iyon.
Para mag-alis ng sinusubaybayang bata sa grupo ng pamilya:
- Dapat mong i-delete ang kanyang Google Account kung siya ay wala pang 13 taong gulang (o wala pa sa naaangkop na edad sa iyong bansa) at ginawa mo ang Google Account para sa kanya.
- Dapat mong alisin ang kanyang account kung ginawa mo ang kanyang Google Account noong siya ay wala pang 13 taong gulang (o wala pa sa naaangkop na edad sa iyong bansa) at pinahintulutan mo ang tuluy-tuloy na paggamit sa kanyang Google Account.
- Buksan ang Google Play app
.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang icon ng profile.
- I-tap ang Mga Setting
Pamilya
Pamahalaan ang mga miyembro ng pamilya.
- I-tap ang pangalan ng miyembro ng iyong pamilya.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa
Alisin ang miyembro
Alisin.
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Family Link app
.
- Sa kaliwang bahagi sa itaas, piliin ang profile ng iyong anak
Pamahalaan ang pamilya.
- I-tap ang miyembro ng pamilya na gusto mong alisin
Alisin ang miyembro.
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google One
.
- Sa itaas, i-tap ang Menu
Mga Setting.
- I-tap ang Pamahalaan ang mga setting ng pamilya
Pamahalaan ang grupo ng pamilya.
- I-tap ang miyembro ng pamilya na gusto mong alisin
Alisin ang miyembro.
- Sa iyong Android phone o tablet, sabihin ang "Hey Google, buksan ang mga setting ng Assistant" o pumunta sa mga setting ng Assistant.
- I-tap ang Ikaw
Iyong mga tao.
- I-tap ang miyembro ng pamilya na gusto mong alisin.
- I-tap ang Alisin sa iyong mga tao
ALISIN.
I-delete ang iyong grupo ng pamilya
Mahalaga: Para ma-delete ang iyong grupo ng pamilya, dapat mo munang ilipat ang pamamahala ng sinumang bata na wala pang 13 (o wala pa sa naaangkop na edad sa bansa mo) sa iyong grupo ng pamilya o i-delete ang pinapamahalaang Google Account ng bata, at para sa isang pinapamahalaang user na mahigit 13 taong gulang na (o lampas na sa naangkop na edad sa iyong bansa), dapat mo munang ihinto ang pamamahala.
Kung ikaw ang manager ng pamilya, puwede mong i-delete ang iyong grupo ng pamilya sa ilang paraan.
- Pumunta sa g.co/YourFamily.
- Piliin ang I-delete ang grupo ng pamilya.
- Mapapanatili ng mga nasa hustong gulang sa iyong grupo ng pamilya ang kani-kanilang Google Account at ang anumang content sa kanilang device na binili nila gamit ang paraan ng pagbabayad ng pamilya.
- Kung may binili ang mga miyembro ng pamilya mo gamit ang paraan ng pagbabayad ng pamilya at pinoproseso na ito, sisingilin ka pa rin, pero puwede kang humingi ng refund para sa mga hindi gusto o hindi sinasadyang pagbili.
- Kung magse-set up ka ng Google Play Family Library, mawawalan ng access ang lahat ng nasa iyong grupo ng pamilya sa content ng Family Library na idinagdag ng ibang miyembro ng pamilya.
- Kung nag-subscribe ka sa isang plan ng pamilya tulad ng YouTube Music o Google One, mawawalan ng access ang pamilya mo sa serbisyong iyon.
- Kung magkakahati ang iyong pamilya sa isang membership sa Google One, mawawalan ng access ang iyong pamilya sa naka-share na storage.
- Kung mauubusan ng storage ang mga miyembro ng iyong pamilya, mananatiling ligtas ang kanilang mga file, pero hindi na sila makakapag-store ng mga bagong bagay. Alamin kung ano ang mangyayari kapag naubusan siya ng space.
- Mawawalan ng access ang lahat ng nasa iyong pamilya sa mga karagdagang benepisyo ng miyembro at eksperto sa Google.
- Kung ang isang miyembro ng pamilya ay 13 taong gulang (o ang naaangkop na edad sa iyong bansa) pataas, at pipiliin mong pamahalaan ang kanyang account gamit ang Family Link, hindi na papamahalaan ang kanyang Google Account at ang anumang device kapag inalis mo siya sa grupo ng pamilya.
- Kung ide-delete mo ang iyong grupo ng pamilya, isang beses ka lang puwedeng gumawa ng o sumali sa ibang grupo ng pamilya sa susunod na 12 buwan.
- Buksan ang Google Play app
.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang icon ng profile.
- I-tap ang Mga Setting
Pamilya
Pamahalaan ang mga miyembro ng pamilya.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa
I-delete ang grupo ng pamilya
I-delete.
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Family Link app
.
- Sa kaliwang bahagi sa itaas, piliin ang profile ng iyong anak
Pamahalaan ang pamilya.
- Sa "I-delete ang iyong grupo ng pamilya," i-tap ang I-delete ang grupo ng pamilya.
- Ilagay ang iyong password.
- I-tap ang I-delete.
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google One
.
- Sa itaas, i-tap ang Menu
Mga Setting.
- I-tap ang Pamahalaan ang mga setting ng pamilya
Pamahalaan ang grupo ng paamilya.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa
I-delete ang grupo ng pamilya
I-delete.