Madali kang makakagawa at makakagamit ng malalakas at natatanging password o passkey para sa lahat ng iyong online account gamit ang Google Password Manager. Puwede ka ring mag-save, mamahala, at magprotekta ng mga password at passkey sa iyong Google Account o sa device mo.
Puwede mong gamitin ang Google Password Manager para:
- Pahusayin ang online na seguridad: Protektahan ang iyong impormasyon sa pag-sign in gamit ang mga built-in na panseguridad na feature.
- Gumawa at mag-save ng mga password: Gumawa ng malalakas at natatanging password, at i-save ang mga ito sa iyong Google Account para hindi mo na kailangang tandaan ang mga ito.
- Gumawa at mag-save ng mga passkey: Gumawa at mag-save ng mga passkey sa iyong Google Account. Mas ligtas at mas madaling gamitin ang mga passkey kaysa sa mga password.
- I-autofill ang mga password: Awtomatikong punan ang mga password sa mga site at app.
Paano mapapahusay ng Google Password Manager ang iyong online na seguridad
Mas ligtas na paraan para pamahalaan ang iyong mga password
Ang mga nanakaw na password ay isa sa mga pinakakaraniwang paraan kung paano nakokompromiso ang mga account.
Para makatulong na protektahan ang iyong mga account, puwede mong gamitin ang Google Password Manager para:
- Magmungkahi ng malalakas at natatanging password at i-save ang mga ito sa iyong Google Account. Kung gagamit ka ulit ng mga password, posibleng makompromiso ang maraming account dahil sa isang nanakaw na password.
- Abisuhan ka tungkol sa mga nakompromisong password. Kung may mag-publish sa internet ng iyong mga naka-save na password, matutulungan ka ng Google Password Manager na palitan ang anumang nakompromisong password.
- Tumulong na i-block ang hindi pinapahintulutang pag-access. Naka-store ang iyong mga password at passkey sa likod ng built in na seguridad ng Google gamit ang pag-encrypt.
Tip: Para mas maprotektahan ang iyong naka-save na impormasyon sa pag-sign in, magdagdag ng impormasyon sa pag-recover at i-on ang 2-Step na Pag-verify.
Gamitin ang Google Password Manager
Mahalaga: Para sa mga isyu sa Google Account mo, alamin kung paano i-recover ang iyong Google Account o Gmail.
Magsimula sa mga password at passkey
- Mag-sign in gamit ang passkey sa halip na password
- Gumamit ng mga password at passkey sa iyong mga device
- Magsimula sa on-device na pag-encrypt
Pamahalaan ang mga password at passkey
Lumipat sa Google Password Manager
- Mag-import o mag-export ng mga password gamit ang Chrome
- Piliin ang iyong provider ng autofill para sa Chrome sa mga Android device.
Mag-sign in sa Google Password Manager
Para magamit ang iyong mga password sa lahat ng device mo:
- Mag-sign in gamit ang Google Account mo at hayaan ang Chrome na gamitin ang iyong mga naka-save na password at passkey kapag nakatanggap ka ng prompt. Alamin kung paano mag-sign in at mag-sync sa Chrome.
- Pumunta sa Password Manager.
Mag-troubleshoot ng mga isyu sa password
Para tingnan o palitan ang iyong mga naka-save na password, pumunta sa Password Manager.
- Palitan ang mga hindi ligtas na password sa iyong Google Account
- Mag-migrate ng mga password sa mga serbisyo ng Google Play
- Mag-ayos ng mga isyu sa mga password at passkey
- Awtomatikong punan ang mga form sa Chrome
- Pamahalaan ang iyong PIN sa Google Password Manager
I-download ang Google Password Manager app
- Sa iyong Android device, buksan ang Google Play Store app
.
- O buksan ang Google Play Store.
- Sa search bar, ilagay ang
Google Password Manager. - I-tap ang I-install.
- Para simulang mag-browse, i-tap ang Buksan.
- Pagkatapos ng pag-download at pag-install, awtomatikong idinaragdag ang app sa iyong home screen.
- Tiyaking itinakda mo ang iyong provider ng autofill sa Google. Matuto kung paano pumili ng provider mo ng autofill.
Tip: Matuto kung paano i-uninstall ang Google Password Manager app.
Paano pinapangasiwaan ng Google Password Manager ang iyong data
Nangongolekta ang Google Password Manager ng ilang partikular na impormasyon para magkapagsagawa ng mga serbisyo sa iyong device. Gumagamit ang ilang bahagi ng functionality na ito ng mga serbisyo ng Google Play. Halimbawa, kinokolekta ng Google Password Manager ang impormasyong ito para sa analytics at pag-troubleshoot:
- Mga pageview at pag-tap sa app
- Mga log ng pag-crash
- Diagnostics
Palaging pinoprotektahan ng pag-encrypt na nangunguna sa industriya ang iyong naka-save na data para mabawasan ang panganib ng breach sa data. Matuto pa tungkol sa pag-encrypt na nangunguna sa industriya.