I-save, pamahalaan, at protektahan ang iyong mga password

Pinapasimple ng Google Password Manager ang paggamit ng malakas at natatanging password para sa lahat ng iyong online account. Kapag ginamit mo ang Google Password Manager, puwede kang mag-save ng mga password sa iyong Google Account o sa device mo.

Mahalaga: Magmumungkahi lang ang Google Password Manager ng malalakas na password kapag nagse-save ng mga password sa iyong Google Account.

Puwede mong gamitin ang Google Password Manager para:

  • Gumawa at mag-save ng mga malakas at natatanging password sa iyong Google Account para hindi mo na kailangang tandaan ang mga ito.
  • Protektahan ang lahat ng iyong naka-save na password sa pamamagitan ng built-in na seguridad.
  • Awtomatikong punan ang mga password sa mga site at app.

Paano mapapaigting ng Google Password Manager ang iyong kaligtasan online

Mas ligtas na paraan para pamahalaan ang iyong mga password

Ang mga nanakaw na password ay isa sa mga pinakakaraniwang paraan kung paano nakokompromiso ang mga account.

Para makatulong na protektahan ang iyong mga account, puwede mong gamitin ang Google Password Manager para:

  • Magmungkahi ng mga malakas at natatanging password at i-save ang mga ito sa iyong Google Account, para maiwasang makompromiso ang maraming account mula sa iisang nanakaw na password.
  • Abisuhan ka tungkol sa mga nakompromisong password. Kung may mag-publish ng iyong mga naka-save na password sa internet, matutulungan ka ng Google Password Manager na palitan ang anumang nakompromisong password.
  • Tumulong na i-block ang hindi pinapahintulutang pag-access. Naka-store ang iyong mga password sa likod ng naka-built in na seguridad ng Google gamit ang pag-encrypt.

Tip: Para mas paigtingin pa ang seguridad ng iyong mga naka-save na password, puwede kang magdagdag ng impormasyon sa pag-recover at puwede mong i-on ang 2-Step na Pag-verify.

Gamitin ang Google Password Manager

Magsimula

Para gamitin ang iyong mga password sa lahat ng device mo, puwede mong gawin ang sumusunod:

  • I-on ang pag-sync sa Chrome.
  • Mag-sign in sa Chrome at payagan ang Chrome na gamitin ang mga password sa iyong Google Account kapag hiniling.

Mag-save at gumamit ng mga password

Gumawa, mag-save, at maglagay ng mga password sa Chrome

Kapag gumawa ka ng bagong account sa isang site, puwedeng magmungkahi ang Chrome ng malakas at natatanging password. Kung gagamit ka ng iminumungkahing password, awtomatiko itong mase-save.

Kung maglalagay ka ng bagong password sa isang site, puwedeng itanong ng Chrome kung ise-save ba ito. Para tanggapin ito, i-click ang I-save.

  • Para tingnan ang inilagay na password, i-click ang I-preview I-preview.
  • Kung maraming password sa page, i-click ang Pababa . Piliin ang password na gusto mong i-save.
  • Kung blangko o mali ang iyong username, i-tap ang text box sa tabi ng "Username." Ilagay ang username na gusto mong i-save.
  • Kung gusto mong mag-save ng ibang password, i-click ang text box sa tabi ng "Password." Ilagay ang password na gusto mong i-save. Pagkatapos, piliin ang I-save.

Kung hindi nag-aalok ang Chrome na i-save ang iyong mga password

I-save ang iyong password kung hindi ito awtomatikong pina-save sa iyo

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Ilagay ang iyong impormasyon sa website kung saan mo gustong i-save ang password.
  3. Sa kanan ng address bar, i-click ang Mga Password Mga Password at pagkataposI-save.

Kung hindi mo nakikita ang Mga Password Mga Password , i-delete ang iyong password at subukang mag-sign in ulit.

I-on o i-off ang mga alok na mag-save ng mga password

Bilang default, mag-aalok ang Chrome na i-save ang iyong password. Puwede mong i-on o i-off ang pag-save ng password sa iyong Google Account o sa Chrome:

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Profile at pagkatapos Mga Password Mga Password.
  3. I-on o i-off ang Mag-alok na mag-save ng mga password.

Mag-sign in gamit ang naka-save na password sa Chrome

Kung na-save mo ang iyong password sa Chrome noong bumisita ka dati sa isang website, matutulungan ka ng Chrome na mag-sign in.

  1. Sa iyong computer, pumunta sa isang site na nabisita mo na dati.
  2. Pumunta sa form sa pag-sign in ng site.
    • Kung nag-save ka ng isang username at password para sa site: Puwedeng awtomatikong sagutan ng Chrome ang form sa pag-sign in.
    • Kung nag-save ka ng mahigit sa isang username at password: Piliin ang field ng username at piliin ang impormasyon sa pag-sign in na gusto mong gamitin.

Lumipat sa Google Password Manager

Puwede kang mag-import ng mga password sa iyong Google Account mula sa ibang serbisyo.

Gumamit ng mga passkey sa pinagkakatiwalaang browser

  • Para mag-sign in o mag-sign up sa mga website gamit ang passkey, kailangang pangasiwaan ng iyong browser ang mga kredensyal ng passkey mo para gumana ito sa Google Password Manager. Palaging gumamit ng secure na browser na pinagkakatiwalaan mo.
  • Kung hindi mo ma-access ang mga passkey na naka-store sa Google Password Manager mula sa iyong browser, posibleng hindi pa naaaprubahan ang browser mo bilang pinagkakatiwalaang browser. 

Matuto pa tungkol sa pag-sign in gamit ang Bluetooth.

Pamahalaan at i-secure ang iyong mga password

Maghanap, mag-delete, o mag-export ng mga naka-save na password

Para hanapin ang listahan ng mga account na may mga naka-save na password, puwede kang pumunta sa passwords.google.com o puwede mong tingnan ang iyong mga password sa Google Password Manager sa device mo.

  • Para maghanap ng password: Pumili ng account, pagkatapos ay i-click ang I-preview I-preview.
  • Para mag-delete ng password: Pumili ng account, pagkatapos ay i-click ang I-delete.
  • Para i-export ang iyong mga password: I-click ang Mga Setting Mga Setting at pagkataposI-export ang mga password.
Tingnan kung may mga hindi ligtas na password

Puwede mong tingnan ang lahat ng iyong naka-save na password nang sabay-sabay para malaman kung ang mga ito ay:

  • Naka-publish sa internet
  • Na-expose sa isang paglabag sa data
  • Posibleng mahina at madaling hulaan
  • Ginagamit sa maraming account

Para tingnan ang iyong mga naka-save na password, pumunta sa Password Checkup.

Matuto pa tungkol sa Password Checkup.

Baguhin ang mga setting ng Password Manager
  1. Pumunta sa passwords.google.com.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Mga Setting Mga Setting.
  3. Mula rito, mapapamahalaan mo ang iyong mga setting.
    • Mag-alok na mag-save ng mga password: Pamahalaan ang mga alok na mag-save ng mga password sa Android at Chrome.
    • Pamahalaan ang mga alok sa mga password para sa mga partikular na site o app: Mapipili mong huwag kailanman mag-save ng mga password para sa mga partikular na site. Kapag na-prompt kang mag-save ng password, piliin ang Huwag Kailanman.Kung mapagpasyahan mong i-save ang password na ito sa ibang pagkakataon, piliin ang Alisin Alisin sa tabi ng pangalan ng site o app.
    • Awtomatikong pag-sign in: Puwede kang awtomatikong mag-sign in sa mga site at app gamit ang na-save mong impormasyon. Puwede mong i-off ang Awtomatikong pag-sign in kung gusto mong magbigay ng kumpirmasyon bago ka mag-sign in.
    • Mga alerto sa password: Puwede kang maabisuhan kapag nakita online ang iyong mga naka-save na password.
    • On-device na pag-encrypt: I-encrypt ang iyong mga password sa device mo bago i-save ang mga ito sa Google Password Manager. Alamin kung paano i-encrypt ang iyong mga password sa device mo. Hindi available ang feature na ito para sa mga user ng Workspace.

Paano pinapangasiwaan ng Google Password Manager ang iyong data

Nangongolekta ang Google Password Manager ng ilang partikular na impormasyon para magkapagsagawa ng mga serbisyo sa iyong device. Gumagamit ang ilang bahagi ng functionality na ito ng mga serbisyo ng Google Play. Halimbawa, kinokolekta ng Google Password Manager ang impormasyong ito para sa analytics at pag-troubleshoot:

  • Mga pageview at pag-tap sa app
  • Mga log ng pag-crash
  • Diagnostics

Palaging pinoprotektahan ng pag-encrypt na nangunguna sa industriya ang iyong naka-sync na data para mabawasan ang panganib ng paglabag sa data. Matuto pa tungkol sa pag-encrypt na nangunguna sa industriya.

true
Welcome sa Google Account!

Nalaman naming mayroon kang bagong Google Account! Alamin kung paano pahusayin ang iyong experience gamit ang checklist ng Google Account mo.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu