Kapag nag-sign in ka sa Chrome, puwede kang mag-save ng mga password sa iyong Google Account. Magagamit mo ang mga ito para mag-sign in sa mga app at site sa lahat ng iyong device kung saan naka-sign in ka sa parehong account.
Mag-save ng mga password sa iyong Google Account
Kung naka-on ang Mag-alok na mag-save ng mga password, ipo-prompt kang i-save ang iyong password kapag nag-sign in ka sa mga site at app sa Android o Chrome.
Para i-save ang iyong password para sa site o app, piliin ang I-save.
Puwede mong pamahalaan ang iyong mga naka-save na password anumang oras sa passwords.google.com o sa Chrome.
Mga Tip:
- Kung marami kang Google Account sa iyong device, ipo-prompt ka ng mga Android app na piliin kung sa aling Google Account ise-save ang password.
- Kung naka-sign in ka sa Chrome, ise-save ang password mo sa Google Account na iyon.
Pamahalaan ang mga alok na mag-save ng mga password
Puwede mong pahintulutan ang Chrome na tandaan ang mga password para sa mga site at awtomatiko kang i-sign in gamit ang mga password na naka-save sa iyong Google Account.
Naka-on bilang default ang "Mag-alok na mag-save ng mga password," at puwede mo itong i-off o i-on ulit.
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa
Mga password at autofill
Google Password Manager.
- Sa kaliwa, piliin ang Mga Setting.
- I-on o i-off ang Mag-alok na i-save ang mga password.
Pamahalaan ang mga alok na mag-save ng mga password para sa mga partikular na site o app
Puwede mong piliing huwag kailanman mag-save ng mga password para sa mga partikular na site. Kapag na-prompt kang mag-save ng password, piliin ang Huwag Kailanman. Hindi ka na makakakita ulit ng alok na i-save ang password na iyon.
Maaari mong tingnan o pamahalaan ang mga site na hindi kailanman mag-aalok na mag-save ng mga password:
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa
Mga password at autofill
Google Password Manager.
- Sa kaliwa, piliin ang Mga Setting.
- Sa ilalim ng "Mga tinanggihang site at app," hanapin ang mga website na hindi kailanman nag-aalok na mag-save ng mga password. Para mag-alis ng site, piliin ang Alisin
.
Pamahalaan ang awtomatikong pag-sign in
Puwede kang awtomatikong mag-sign in sa mga site at app gamit ang impormasyong na-save mo. Kung gusto mong magtanong ng kumpirmasyon ang Chrome bago ka mag-sign in sa isang site o app, i-off ang Awtomatikong mag-sign in.
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa
Mga password at autofill
Google Password Manager.
- Sa kaliwa, piliin ang Mga Setting.
- I-on o i-off ang Awtomatikong mag-sign in.