I-enable o i-disable ang cookies

Kung sinusubukan mong gamitin ang iyong Google Account at nakakakita ng mensaheng nagsasabing naka-off ang functionality ng cookie ng iyong browser, malamang ay naka-disable ang cookies ng iyong browser.

Tumutulong ang cookies sa mga site na matandaan ang impormasyon tungkol sa iyong pagbisita, tulad ng gusto mong wika at iba pang mga setting. Gamit ang impormasyong ito, mas mapapadali ng mga site ang susunod mong pagbisita at magiging mas kapaki-pakinabang ang site para sa iyo. Kailangang i-enable ang cookies sa iyong browser upang magamit ang iyong Google Account at ang anumang mga serbisyo ng Google na nangangailangan ng Google Account, gaya ng Gmail.

I-enable o i-disable ang cookies

Google Chrome
  1. I-click ang icon ng menu ng Chrome Chrome menu.
  2. Piliin ang Mga Setting.
  3. Malapit sa ibaba ng pahina, i-click ang Ipakita ang mga advanced na setting.
  4. Sa seksyong "Privacy," i-click ang Mga setting ng content.
  5. I-enable o i-disable ang cookies:
    • Upang i-enable ang cookies, piliin ang Payagang makapagtakda ng lokal na data (inirerekomenda).
    • Upang i-disable ang cookies, piliin ang Pigilang magtakda ng anumang data ang mga site.
  6. I-click ang Tapos na upang i-save.

Matuto nang higit pa tungkol sa pamamahala sa mga setting ng iyong cookies sa Google Chrome, tulad ng kung paano mag-block ng third-party na cookies.

Iba pang mga browser

Pakitingnan ang mga mapagkukunan ng tulong ng iyong browser.

Ano ang cookies?

Ang 'cookie' ay isang maliit na file na naglalaman ng string ng mga character na ipinapadala sa iyong computer kapag bumisita ka sa isang website. Sa Google, ginagamit namin ang cookies upang mapahusay ang kalidad ng aming serbisyo at upang mas maunawaan kung paano nakikipag-ugnayan ang mga tao sa amin. Kakailanganin mong magkaroon ng naka-enable na cookies upang magamit ang iyong Google Account. Tingnan ang aming Patakaran sa Privacy para sa higit pang impormasyon tungkol sa cookies.

Pagto-troubleshoot

Kung na-enable mo ang cookies sa iyong browser ngunit nakakakita ka pa rin ng mensaheng nagsasabing naka-off ang functionality ng cookie ng iyong browser, subukang magbukas ng bagong window sa iyong browser o isara ang iba pang mga tab sa iyong browser.

Kung nagkakaroon ka pa rin ng problema, subukang i-clear ang iyong cache at cookies.