I-on o i-off ang cookies

Puwedeng maapektuhan ng cookies kung paano gumagana ang Google Account mo sa ibang third-party na app at serbisyo.

Mahalaga: Kung makakatanggap ka ng mensaheng naka-off ang cookies, kailangan mong i-on ang mga ito para magamit ang iyong account.

Matuto pa tungkol sa cookies

Ang mga website na binibisita mo ay gumagawa ng mga file na tinatawag na cookies. Sa pamamagitan ng pag-save ng impormasyon tungkol sa pagbisita mo, pinapadali ng mga ito ang iyong online na experience. Halimbawa, magagawa ng mga site na:

  • Panatilihin kang naka-sign in
  • Tandaan ang iyong mga kagustuhan sa site
  • Bigyan ka ng lokal na may kaugnayang content

May 2 uri ng cookies:

  • Cookies ng first-party: Ginagawa ng site na binibisita mo. Ang site ay nasa address bar. Ang mga ito ay isang uri ng on-device na data ng site. Matuto pa tungkol sa on-device na data ng site.
  • Third-party na cookies: Ginagawa ng iba pang site. Ang mga site na binibisita mo ay puwedeng mag-embed ng content, tulad ng mga larawan, ad, at text, mula sa ibang site. Puwedeng mag-save ng cookies at iba pang data ang alinman sa iba pang site na ito para i-personalize ang iyong experience.


Gumagamit ng cookies ang Google para pahusayin ang mga serbisyo nito. Alamin kung paano ginagamit ang cookies sa Patakaran sa Privacy.

Sa Chrome

Puwede mong payagan o i-block ang third-party na cookies bilang default.

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga Setting Mga Setting.
  3. I-click ang Privacy at seguridad at pagkatapos Third-party na cookies.
  4. Pumili ng opsyon:
    • Payagan ang third-party na cookies.
    • I-block ang third-party na cookies sa Incognito mode.
    • I-block ang third-party na cookies.
      • Kung iba-block mo ang third-party na cookies, maba-block ang lahat ng third-party na cookies mula sa iba pang site maliban kung pinapayagan ang site sa iyong listahan ng mga exception.

Alamin kung paano magbago ng higit pang setting ng cookie sa Chrome.

Sa iba pang browser

Para sa mga tagubilin, tingnan ang website ng suporta para sa iyong browser.

Ayusin ang mga problema

Kung hindi ka makapag-sign in sa isang third-party na website gamit ang iyong Google Account, at nakatanggap ka ng mensaheng naka-off ang cookies:

  1. Sundin ang mga hakbang sa itaas para i-on ang cookies.
  2. Subukang mag-sign in muli.

Kung natatanggap mo pa rin ang mensahe ng error, narito ang ilang posibleng solusyon. Subukan ang bawat isa, pagkatapos ay subukang mag-sign in.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
1704739314869132374
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
70975
false
false