Email na 'Pagkumpirma sa pag-upgrade ng Gmail'

Kung nakatanggap ka ng email sa pagkumpirma sa pag-upgrade ng Gmail, naidagdag ang Gmail sa iyong kasalukuyang Google Account. Maaari ka nang mag-sign in sa homepage ng Google Accounts gamit ang iyong username at password sa Gmail.

Alisin ang Gmail sa iyong account

Kung mapagpasyahan mong hindi gumamit ng Gmail, maaari mo itong alisin sa iyong Google Account. Pagkatapos mong i-delete ang iyong username sa Gmail, hindi mo na ito maibabalik.

Kung sigurado kang hindi mo gagamitin ang Gmail sa hinaharap, sundin ang mga hakbang na ito para permanente itong alisin:

  1. Buksan ang iyong Google Account.
  2. Sa kaliwa, i-click ang Data at privacy.
  3. Sa ilalim ng "Ang iyong mga opsyon sa data at privacy," i-click ang Data mula sa mga ginagamit mong app at serbisyo.
  4. Sa ilalim ng "I-download o i-delete ang iyong data," i-click ang Mag-delete ng serbisyo ng Google. Posibleng kailanganin mong mag-sign in.
  5. Sa tabi ng "Gmail," i-click ang I-delete I-delete.
  6. Ilagay ang aktibong email address na gusto mong gamitin at i-click ang Ipadala ang email sa pag-verify. Hindi puwedeng Gmail address ang email na ito.
  7. Para i-verify ang iyong aktibong email address, hanapin ang email sa pag-verify na ipinadala namin sa iyo doon. Hanggang sa i-verify mo ang iyong bagong address, hindi made-delete ang Gmail address mo.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5469673003167648496
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
70975
false
false