Hanapin at kontrolin ang iyong Aktibidad sa Web at App

Sine-save ng Aktibidad sa Web at App sa iyong Google Account ang mga paghahanap at aktibidad mo mula sa iba pang serbisyo ng Google. Posible kang magkaroon ng mga mas naka-personalize na experience, tulad ng:

  • Mas mabibilis na paghahanap
  • Mga mas kapaki-pakinabang na app
  • Mga rekomendasyon sa content

Puwede mong i-off ang Aktibidad sa Web at App o i-delete ang mga nakalipas na aktibidad anumang oras.

Tip: Kung nakuha mo ang iyong Google Account sa pamamagitan ng employer o institusyong pang-edukasyon mo, para magamit ng iyong organisasyon ang serbisyong ito, posibleng kailanganin mong hilingin sa iyong administrator na i-on ang Aktibidad sa Web at App .

I-on o i-off ang Aktibidad sa Web at App

  1. Sa iyong computer, pumunta sa page ng Mga kontrol ng aktibidad. Posibleng hilingin sa iyo na mag-sign in sa Google Account mo.
  2. I-on o i-off ang Aktibidad sa Web at App.
  3. Kapag naka-on ang Aktibidad sa Web at App:
    • Puwede mong lagyan ng check ang kahon sa tabi ng "Isama ang history sa Chrome at aktibidad mula sa mga site, app, at device na gumagamit ng mga serbisyo ng Google."
    • Puwede mong lagyan ng check ang kahon sa tabi ng "Isama ang aktibidad sa boses at audio."
  4. Kapag na-off mo ang Aktibidad sa Web at App:
    • Piliin ang I-off, pagkatapos ay piliing I-off o I-off at i-delete ang aktibidad.
    • Kung pipiliin mo ang I-off at i-delete ang aktibidad, sundin ang mga hakbang para piliin at kumpirmahin kung anong aktibidad ang gusto mong i-delete.

Tip: Posibleng may iba pang setting ang ilang browser at device na nakakaapekto sa kung paano sine-save ang aktibidad na ito.

Tingnan o i-delete ang Aktibidad sa Web at App sa Aking Aktibidad sa Google

Makikita at made-delete mo ang iyong Aktibidad sa Web at App sa Aking Aktibidad sa Google.

Tip: Para mas mapaigting ang seguridad, puwede kang mag-require ng karagdagang hakbang sa pag-verify para matingnan ang iyong buong history sa Aking Aktibidad.

 

Ano ang naka-save bilang Aktibidad sa Web at App

Impormasyon tungkol sa iyong mga paghahanap at iba pang aktibidad

Kapag naka-on ang Aktibidad sa Web at App, sine-save ng Google ang impormasyon tulad ng:

  • Mga paghahanap at aktibidad sa mga produkto at serbisyo ng Google, tulad ng Maps at Play.
  • Impormasyong nauugnay sa aktibidad mo, tulad ng iyong wika, referrer, kung browser o app ang ginagamit mo, o uri ng device na ginagamit mo.
    • Puwede ring kasama sa aktibidad ang impormasyon tungkol sa iyong lokasyon mula sa general area at IP address ng device mo. Matuto tungkol sa mga lokasyon.
  • Mga ad na kini-click mo o mga bagay na binibili mo sa site ng advertiser.
  • Impormasyon sa iyong device, tulad ng mga kamakailang paghahanap para sa app o pangalan ng contact.
  • Mga interaction sa Assistant, kabilang kung maka-detect ang Google Assistant ng pag-activate na hindi mo sinasadya.

Tip: Puwedeng ma-save ang aktibidad kahit offline ka.

Impormasyon tungkol sa iyong pag-browse at iba pang aktibidad sa mga site, app, at device na gumagamit ng mga serbisyo ng Google

Kapag naka-on ang Aktibidad sa Web at App, puwede kang magsama ng mga karagdagang aktibidad tulad ng:

  • Mga site at app na nakikipag-partner sa Google para magpakita ng mga ad
  • Mga site at app na gumagamit ng mga serbisyo ng Google, kasama ang mga data na ibinabahagi ng mga app sa Google
  • Iyong history ng pag-browse sa Chrome
  • Paggamit at mga diagnostic ng Android, tulad ng antas ng baterya at mga error sa system

Para payagan ang Google na i-save ang impormasyong ito:

  • Naka-on dapat ang Aktibidad sa Web at App.
  • Dapat ay naka-check ang kahon sa tabi ng "Isama ang history sa Chrome at aktibidad mula sa mga site, app, at device na gumagamit ng mga serbisyo ng Google."

Mase-save lang ang iyong history sa Chrome kung naka-sign in ka sa Chrome at sini-sync mo ang iyong history. Alamin ang tungkol sa pag-sign in sa Chrome.

Tandaan: Kung gumagamit ka ng nakabahaging device o nagsa-sign in ka sa mahigit isang account, puwedeng ma-save ang aktibidad sa default na account sa browser o device na ginagamit mo.

Mga recording ng audio

Kapag naka-on ang Aktibidad sa Web at App, puwede kang magsama ng mga recording ng audio mula sa iyong mga interaction sa Google Search, Assistant, at Maps bilang bahagi ng aktibidad mo. Matuto tungkol sa mga recording ng audio.

Para payagan ang Google na i-save ang impormasyong ito:

  • Naka-on dapat ang Aktibidad sa Web at App.
  • Dapat ay naka-check ang box sa tabi ng "Isama ang aktibidad sa boses at audio."
History ng Visual na Paghahanap

Kapag naka-on ang Aktibidad sa Web at App, puwede kang magsama ng mga larawang ginagamit mo sa paghahanap bilang bahagi ng iyong aktibidad. Matuto pa tungkol sa iyong History ng Visual na Paghahanap at kung saan puwedeng i-save ang mga larawan mo.

Para payagan ang Google na i-save ang impormasyong ito:

  • Naka-on dapat ang Aktibidad sa Web at App.
  • Dapat ay naka-check ang box sa tabi ng “Isama ang History ng Visual na Paghahanap.”

Paano ginagamit ang iyong na-save na aktibidad

Matuto pa tungkol sa kung paano ginagamit ng Google ang iyong naka-save na aktibidad at paano ito nakakatulong na panatilihin itong pribado.

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa kung paano karaniwang pinapangasiwaan ng Google ang mga query sa paghahanap, suriin ang FAQ ng Patakaran sa Privacy.

Paano gumagana ang Aktibidad sa Web at App kapag naka-sign out ka

Ang iyong mga resulta ng paghahanap at ad ay puwedeng i-customize gamit ang aktibidad na may kaugnayan sa paghahanap kahit na naka-sign out ka. Para i-off ang ganitong uri ng pag-customize ng paghahanap, puwede kang maghanap at mag-browse nang pribado. Alamin kung paano mag-browse sa Incognito mode.

History ng browser

Para kontrolin kung ise-save ng device mo ang iyong aktibidad: 

  1. Pumunta sa page na Mga kontrol ng aktibidad.
  2. Lagyan ng check ang box sa tabi ng "Isama ang history sa Chrome at aktibidad mula sa mga site, app, at device na gumagamit ng mga serbisyo ng Google." 

Posible ring i-save ng browser mo ang iyong mga paghahanap at ang mga site na binibisita mo. Alamin kung paano i-delete ang iyong history sa:

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
6306104553266598754