Tungkol sa Kasaysayan sa Google Web

Makakakuha ka ng mas mahusay na mga resulta ng paghahanap at mga rekomendasyon sa mga produkto ng Google kapag ang iyong Kasaysayan sa Web ay naka-on.

Pribado ang iyong Kasaysayan sa Web, at maaari mo lamang makita ang iyong kasaysayan kung naka-sign in ka sa iyong Google Account.

Tingnan at pamahalaan ang iyong Kasaysayan sa Web

Kapag lumikha ka ng isang Google Account, awtomatikong naka-on ang Kasaysayan sa Web. Maaari mong makita ang iyong Kasaysayan sa Web o baguhin ang iyong mga setting sa www.google.com/history?hl=fil. Alamin kung paano tanggalin ang iyong Kasaysayan sa Web, i-save ang iyong mga Kasaysayan sa Web, o i-edit ang iyong Kasaysayan sa Web sa iyong mobile na device.

Ano ang naka-store sa iyong Kasaysayan sa Web

Nagse-save ang Kasaysayan sa Google Web ng impormasyon tungkol sa iyong aktibidad sa web, pati na rin ang mga detalye tungkol sa iyong browser, kabilang ang:

  • Mga paghahanap sa Google
  • Mga page na iyong kini-click mula sa page ng mga resulta ng paghahanap
  • Mga resulta na lumitaw, kabilang ang mga pribadong resulta mula sa mga produkto ng Google tulad ng Google+, Gmail, at Google Calendar
  • Mga ad na iyong tinutugunan sa pamamagitan ng pag-click sa ad mismo o pagkumpleto ng isang transaksyon sa site ng isang advertiser
  • Iyong IP address
  • Uri ng iyong browser at wika
  • Iyong mga paghahanap at iba pang mga aktibidad sa Google Maps, kabilang ang mga mapa sa paligid ng web

Kasaysayan ng browser

Maaari ring ma-store ang iyong nakaraang mga paghahanap at iba pang mga aktibidad sa web sa iyong browser. Matuto nang higit pa tungkol sa pamamahala ng iyong kasaysayan ng browser sa Chrome, Safari, Internet Explorer , at Firefox.

Paano gumagana ang kasaysayan kapag naka-sign out ka

Maaaring ma-customize ang iyong mga resulta ng paghahanap at ad gamit ang aktibidad ng paghahanap mula sa iyong computer kahit na naka-sign out ka. Upang i-off ang ganitong uri ng pag-customize, sundin ang mga hakbang na ito:

  1. Bisitahin ang google.com.ph/history/optout kapag hindi naka-sign in sa isang Google Account.
  2. I-click ang I-disable ang mga pag-customize batay sa aktibidad sa paghahanap. I-o-off nito ang setting para sa sinumang gumagamit ng parehong browser at computer sa iyo.

I-troubleshoot ang mga isyu sa Kasaysayan sa Web

Hindi lumilitaw ang Kasaysayan sa Web

May ilang mga kadahilanan kung bakit maaaring hindi mo makita ang iyong mga paghahanap at iba pang mga aktibidad sa web sa iyong Kasaysayan sa Google Web:

  • Naitatala lamang ang Kasaysayan sa Web kapag naka-sign in ka sa iyong Google Account.
  • Nagtatala lamang ang Kasaysayan sa Web ng ilang mga uri ng mga paghahanap, kabilang ang Web Search, Images, News, Shopping, Maps, at Books.
  • Hindi mo makikita ang lahat ng mga site na iyong binibisita maliban kung mayroon kang naka-install na Google Toolbar.
Kasaysayan sa Web na hindi mo kilala

Google Instant

Kung mayroon kang naka-on na Google Instant, kapag nag-type ka ng paghahanap at nag-pause nang hindi bababa sa 3 segundo, mase-save ang hinulaang paghahanap sa iyong Kasaysayan sa Web. Mase-save rin ang hinulaang paghahanap na ito kung sinisimulan mong mag-type ng query sa Google at pagkatapos ay nag-click saanman sa pahina, tulad ng isang resulta ng paghahanap, ad, o pagwawasto sa spelling. Hindi isinasaalang-alang ang mga paghahanap na ito bilang karaniwang aktibidad.

Paggamit ng iyong account sa mga pampublikong computer

Kung makapansin ka ng hindi karaniwang aktibidad sa iyong Kasaysayan sa Web na walang kaugnayan sa mga hula ng Google Instant, maaaring naka-sign in ang iyong Google Account sa isang pampublikong computer kung saan maaaring maghanap ang ibang mga tao gamit ang iyong account. Alamin kung paano mag-sign out sa iyong Google Account

Iba pang hindi karaniwang aktibidad

Kung hindi naaangkop sa iyo ang alinman sa dalawang sitwasyon sa itaas, posibleng may isang taong naka-access sa iyong computer o sa iyong Google Account. Alamin kung paano panatilihing secure ang iyong account