Kapag gumamit ka ng mga site, app, at serbisyo ng Google, nase-save sa iyong Google Account ang ilan sa aktibidad mo. Puwede mong hanapin at i-delete ang aktibidad na ito sa Aking Aktibdad, at puwede mong ihinto ang pag-save ng karamihan sa aktibidad anumang oras.
I-delete ang lahat ng aktibidad
- Sa iyong iPhone o iPad, pumunta sa myactivity.google.com.
- Sa itaas ng iyong aktibidad, i-tap ang I-delete .
- I-tap ang Lahat ng oras.
- I-tap ang Susunod I-delete.
Mag-delete ng mga indibidwal na item ng aktibidad
Halimbawa, puwedeng kasama rito ang paghahanap na ginawa mo sa Google o website na binisita mo sa Chrome:
-
Sa iyong iPhone o iPad, pumunta sa myactivity.google.com.
- Mag-scroll pababa sa iyong aktibidad.
- Hanapin ang item na gusto mong i-delete. Puwede kang maghanap ng item sa iba't ibang paraan, kabilang ang:
- Mag-browse ayon sa araw.
- Maghanap o gumamit ng mga filter.
- Sa item na gusto mong i-delete, i-tap ang I-delete .
Mag-delete ng aktibidad ayon sa petsa o produkto
-
Sa iyong iPhone o iPad, pumunta sa myactivity.google.com.
-
Mag-scroll pababa sa iyong aktibidad.
- I-filter ang iyong aktibidad. Puwede kang mag-filter ayon sa petsa at produkto nang magkasabay.
- Para mag-filter ayon sa petsa: I-tap ang Kalendaryo . Pagkatapos, pumili ng petsa para tingnan ang aktibidad bago ang petsang iyon.
- Para mag-filter ayon sa produkto: I-tap ang Maghanap . Pagkatapos, piliin ang mga produktong gusto mong isama. Hindi nagse-save ng aktibidad sa Aking Aktibidad ang ilang produkto ng Google.
- Mag-delete ng aktibidad.
- Para i-delete ang lahat ng aktibidad na na-filter mo: Sa tabi ng search bar, i-tap ang I-delete I-delete ang Mga Resulta.
- Para mag-delete ng ilang partikular na items: Sa item na gusto mong i-delete, i-tap ang I-delete .
Awtomatikong i-delete ang iyong aktibidad
Puwede mong awtomatikong i-delete ang ilan sa aktibidad sa iyong Google Account.
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Gmail app .
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang larawan sa profile o inisyal mo Pamahalaan ang iyong Google Account. Kung hindi ka gumagamit ng Gmail, pumunta sa myaccount.google.com.
- Sa itaas, i-tap ang Data at privacy.
- Mag-scroll papunta sa "Mga setting ng history."
- Mag-tap ng aktibidad o setting ng history na gusto mong awtomatikong i-delete.
- Mag-scroll at i-tap ang Awtomatikong i-delete.
- I-tap ang opsyon para sa kung gaano mo katagal gustong panatilihin ang iyong aktibidad Susunod Kumpirmahin para i-save ang napili mo.
Tip: Puwedeng mag-expire ang ilang aktibidad nang mas maaga kaysa sa time frame na pipiliin mo. Halimbawa, awtomatikong ide-delete ang impormasyon tungkol sa lokasyon ng general area at IP address ng iyong device sa Aktibidad sa Web at App pagkalipas ng 30 araw.
Mag-delete ng aktibidad sa iba pang lugar
Posibleng ma-save ang iyong aktibidad sa mga lugar bukod sa Aking Aktibidad. Halimbawa, kung na-on mo ang History ng Lokasyon, sa iyong Timeline ng Maps mase-save ang aktibidad na iyon. Nase-save ang iyong History ng Lokasyon hanggang sa i-delete mo ito. Puwede mong suriin at baguhin ang iyong History ng Lokasyon sa Timeline mo o sa Aking Aktibidad sa Google.
I-delete ang iba pang aktibidad na naka-save sa iyong account
-
Sa iyong iPhone o iPad, pumunta sa myactivity.google.com.
- Sa itaas ng iyong aktibidad, sa search bar, i-tap ang Higit pa Iba Pang Aktibidad sa Google.
- Mula rito, magagawa mong:
- Mag-delete ng ilang partikular na aktibidad: Sa ibaba ng aktibidad, i-tap ang I-delete.
- Hanapin kung saan magde-delete ng aktibidad: Sa ibaba ng aktibidad, i-tap ang Bisitahin, Tingnan, o Pamahalaan.
Mag-delete ng aktibidad sa browser
Posibleng ma-store ang iyong aktibidad sa browser mo, kahit na i-delete mo ito sa Aking Aktibidad.
- Alamin kung paano i-delete ang history ng pag-browse at iba pang data mula sa pag-browse sa Chrome.
- Kung gumagamit ka ng ibang browser, tingnan ang mga tagubilin nito sa kung paano i-delete ang impormasyong ito.
I-delete ang mga paghahanap sa Google app sa iyong device
Kung ginagamit mo ang Google app sa iyong iPhone o iPad:
- Posibleng ma-save sa device ang iyong aktibidad, kahit na i-delete mo ito sa Aking Aktibidad.
- Posibleng hindi ma-delete sa Aking Aktibidad ang aktibidad na na-delete mo sa Google app.
I-delete ang mga kamakailang paghahanap
Para mag-delete ng mga kamakailang paghahanap na lumalabas sa ibaba ng search bar:
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google app .
- I-tap ang search bar Tingnan lahat.
- Hanapin ang paghahanap na gusto mong alisin, pagkatapos ay i-swipe ito pakaliwa.
- I-tap ang I-delete.
I-delete ang lahat ng nakaraang paghahanap
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google app .
- I-tap ang search bar Tingnan lahat.
- I-tap ang I-clear lahat I-clear ang history sa device.
Itigil ang pag-save ng mga paghahanap
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google app .
- Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Higit pa I-on ang incognito. Napipigilan din nitong lumabas ang mga kamakailang paghahanap sa ibaba ng search bar.
Alamin kung paano maghanap at mag-browse nang pribado.
I-off at i-delete ang aktibidad
Puwede mong kontrolin ang karamihan sa impormasyon sa Aking Aktibidad.
- Pumunta sa iyong Google Account.
- Sa itaas, i-tap ang Data at privacy.
- Sa "Mga setting ng history," mag-tap ng aktibidad o setting ng history na ayaw mong i-save.
- Sa ilalim ng setting na ayaw mong i-save, piliin ang I-off.
- Sundin ang mga hakbang para i-off ang setting, o piliing I-off o I-off at i-delete ang aktibidad.
- Kung pipiliin mong I-off at i-delete ang aktibidad, sundin ang mga hakbang para piliin at kumpirmahin kung anong aktibidad ang gusto mong i-delete.
Tip: May ilang aktibidad na hindi kasama sa Aking Aktibidad.
Pansamantalang ihinto ang pag-save ng aktibidad
Puwede kang maghanap at mag-browse sa web sa pribadong paraan.
Tip: Kung magsa-sign in ka sa Google Account mo sa isang window ng pribadong pag-browse, puwedeng ma-store sa account na iyon ang iyong aktibidad sa paghahanap.
Ayusin ang mga problema
Lumalabas sa Aking Aktibidad ang na-delete na aktibidad
- Tiyaking nakakonekta sa internet ang device. Kung magde-delete ka ng mga item sa Aking Aktibidad sa isang device, maaari pa ring lumabas ang mga ito sa anumang device na naka-offline. Kapag kumonekta sa internet ang device, maaalis ang mga item.
- I-clear ang iyong cache at cookies.
Paano dine-delete ang iyong aktibidad
Kapag pinili mong manual na mag-delete ng akdibidad o kapag awtomatikong na-delete ang aktibidad batay sa iyong setting sa awtomatikong pag-delete, kaagad naming sinisimulan ang proseso ng pag-aalis nito sa produkto at sa aming mga sistema.
Una, layunin naming alisin kaagad ito mula sa view at hindi na magagamit ang data sa pag-personalize ng iyong karanasan sa Google.
Pagkatapos ay magsisimula kami ng prosesong idinisenyo para i-delete nang ligtas at tuluyan ang data mula sa aming mga storage system.
Kasabay ng pagtulong sa iyo sa manual o awtomatikong pag-delete ng data, posibleng mas maagang i-delete ng Google ang ilang uri ng aktibidad kapag hindi na ito mapapakinabangan, para makatulong sa iyong karanasan.
Para sa mga limitadong layunin, gaya ng mga kinakailangan sa negosyo o legal na kinakailangan, posibleng magpanatili ang Google ng ilang partikular na uri ng data sa loob ng mas matagal na yugto ng panahon.