I-delete ang lahat ng aktibidad
- Sa iyong computer, pumunta sa myactivity.google.com.
- Sa itaas, i-click ang I-delete
.
- I-click ang Lahat ng oras
Susunod
I-delete.
Mag-delete ng isang aktibidad
Halimbawa, puwedeng paghahanap ito na ginawa mo sa Google o website na binisita mo sa Chrome. Para mag-delete ng aktibidad:
- Sa iyong computer, pumunta sa myactivity.google.com.
- Mag-scroll pababa sa aktibidad na gusto mong i-delete.
- Para makatulong na mahanap ito, puwede kang:
- Mag-browse ayon sa araw.
- Maghanap o gumamit ng mga filter.
- Para makatulong na mahanap ito, puwede kang:
- Sa item na gusto mong i-delete, i-click ang I-delete
.
Mag-delete ng aktibidad ayon sa petsa o produkto
- Sa iyong computer, pumunta sa myactivity.google.com.
- Mag-scroll pababa sa isang aktibidad.
- Para makatulong sa paghahanap ng aktibidad, puwede kang mag-filter ayon sa petsa at produkto nang magkasabay.
- Para mag-filter ayon sa petsa:
- I-click ang Calendar
.
- Pumili ng petsa para maghanap ng aktibidad bago ang petsang iyon.
- Sa drop down, pumili ng preset na panahon o maglagay ng sarili mong mga petsa ng pagsisimula at pagtatapos.
- I-click ang Calendar
- Para mag-filter ayon sa produkto:
- I-click ang Maghanap
.
- Pumili ng mga produktong gusto mong isama.
- Hindi nagse-save ng aktibidad sa Aking Aktibidad ang ilang produkto ng Google.
- I-click ang Maghanap
- Para mag-filter ayon sa petsa:
- Para makatulong sa paghahanap ng aktibidad, puwede kang mag-filter ayon sa petsa at produkto nang magkasabay.
- Mag-delete ng aktibidad.
- Para i-delete ang lahat ng iyong na-filter na aktibidad: Sa tabi ng search bar, i-click ang I-delete
I-delete ang Mga Resulta.
- Para mag-delete ng ilang partikular na item: Sa item na gusto mong i-delete, i-click ang I-delete
.
- Para i-delete ang lahat ng iyong na-filter na aktibidad: Sa tabi ng search bar, i-click ang I-delete
Awtomatikong i-delete ang iyong aktibidad
Puwede mong awtomatikong i-delete ang ilan sa aktibidad sa iyong Google Account.
- Sa iyong computer, pumunta sa Google Account mo.
- Sa kaliwa, i-click ang Data at privacy.
- Sa "Mga setting ng history," i-click ang aktibidad o setting ng history na gusto mong awtomatikong i-delete.
- I-click ang Awtomatikong i-delete.
- I-click ang button para sa kung gaano mo katagal gustong itabi ang iyong aktibidad.
- Para i-save ang iyong pinili, i-click ang Susunod
Kumpirmahin.
Tip: Puwedeng mawala ang ilang aktibidad nang mas mabilis kaysa sa time frame na pipiliin mo. Halimbawa, dine-delete sa iyong Aktibidad sa Web at App pagkalipas ng 30 araw ang impormasyon sa lokasyon ng device mo at ang iyong IP address.
Mag-delete ng aktibidad sa iba pang lugar
Kung minsan, sine-save ang iyong aktibidad sa mga lugar na hindi Aking Aktibidad.
Halimbawa: Kung na-on mo ang Timeline, ise-save sa iyong Timeline sa Maps ang data ng aktibidad. Puwede mong i-delete ang karamihan ng iyong aktibidad na naka-save sa mga lugar na iyon.
I-delete ang iba pang aktibidad na naka-save sa iyong account- Sa iyong computer, pumunta sa myactivity.google.com.
- Sa itaas ng iyong aktibidad, sa search bar, i-click ang Higit pa
Iba pang aktibidad.
- Mula rito, magagawa mong:
- Mag-delete ng partikular na aktibidad: Sa ibaba ng aktibidad, i-click ang Pamahalaan ang Aktibidad
Mga Detalye
I-delete.
- Alamin kung saan magde-delete ng aktibidad: Sa ibaba ng aktibidad, i-click ang Mga Detalye.
- Mag-delete ng partikular na aktibidad: Sa ibaba ng aktibidad, i-click ang Pamahalaan ang Aktibidad
- Sa Chrome, alamin kung paano i-delete ang history ng pag-browse at iba pang data mula sa pag-browse.
- Kung gumagamit ka ng ibang browser, tingnan ang help center ng browser para malaman kung paano mag-delete ng aktibidad doon.
I-off at i-delete ang aktibidad
Makokontrol mo ang karamihan ng impormasyon at data sa Aking Aktibidad.
- Pumunta sa iyong Google Account.
- Sa itaas, piliin ang Data at privacy.
- Sa "Mga setting ng history," piliin ang setting ng aktibidad o history na ayaw mong i-save.
- Sa setting na ayaw mong i-save, piliin ang I-off.
- I-off ang setting, o piliing I-off o I-off at i-delete ang aktibidad.
- Kung pipiliin mo ang “I-off at i-delete ang aktibidad,” piliin at kumpirmahin kung anong aktibidad ang gusto mong i-delete.
Tip: May ilang aktibidad na hindi kasama sa Aking Aktibidad.
Pansamantalang ihinto ang pag-save ng aktibidad
Puwede kang mag-browse sa Incognito mode.
Tip: Kung magsa-sign in ka sa Google Account mo sa isang window ng pribadong browser, puwedeng ma-store sa account na iyon ang iyong aktibidad sa paghahanap.
Ayusin ang mga problema
Lumalabas sa Aking Aktibidad ang na-delete na aktibidad:
- Tiyaking nakakonekta sa internet ang device. Kung magde-delete ka ng mga item sa Aking Aktibidad sa isang device, posible pa ring lumabas ang mga ito sa anumang device na naka-offline. Kapag kumonekta sa internet ang device, maaalis ang mga item.
- I-clear ang iyong cache at cookies.
Alamin kung ano ang mangyayari kapag na‑delete ang iyong aktibidad sa Google.
Kapag pinili mong manual o awtomatikong mag-delete ng aktibidad, sisimulan nito ang pag-aalis ng iyong aktibidad sa produkto at system.
Una, layunin naming alisin ito para hindi na makita at posibleng hindi na magamit ang data para i-personalize ang experience mo sa Google.
Pagkatapos ay magsisimula kami ng prosesong idinisenyo para i-delete nang ligtas at tuluyan ang data sa aming mga storage system.
Kasabay ng pagtulong sa iyo sa manual o awtomatikong pag-delete ng data, posibleng mas maagang i-delete ng Google ang ilang uri ng aktibidad kapag hindi na ito mapapakinabangan, para makatulong sa iyong karanasan.
Para sa mga limitadong layunin, gaya ng mga requirement sa negosyo o legal requirement, posibleng magpanatili ang Google ng ilang partikular na uri ng data sa loob ng mas matagal na panahon.