Gawing mas secure ang iyong account

Sa Google, talagang pinapahalagahan namin ang online na seguridad. Para maprotektahan ang iyong Google Account, lubos naming inirerekomendang regular na sundin ang mga hakbang sa ibaba.

Mahalaga: Puwedeng gumamit ang Google ng pula, dilaw, o asul na icon ng tandang padamdam para magrekomenda ng agarang pagkilos para sa iyong Google Account. Para matuto pa, pumunta sa Mga inirerekomendang pagkilos.

Mga inirerekomendang pagkilos

Ang isang tandang padamdam sa tabi ng "Mga inirerekomendang pagkilos” ay nangangahulugang inirerekomenda ng Google na may gawin kang mga hakbang para i-secure ang iyong account. Ang level ng severity ay batay sa kulay: asul para sa mga tip sa seguridad, dilaw para sa mahahalagang hakbang, at pula para sa mga nangangailangan ng agarang pagkilos. Ang isang berdeng shield na may check mark ay nangangahulugang ligtas ang iyong account at walang kailangang gawing agarang pagkilos.

Para tumingin ng mga notification:

  1. Mag-sign in sa iyong Google Account.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang iyong larawan sa profile.
  3. Piliin ang Mga inirerekomendang pagkilos.
    • Dadalhin ka nito sa Security Checkup, kung saan makakakuha ka ng mga personal na rekomendasyon para pahusayin ang seguridad ng iyong account.

Kung hindi lalabas ang Mga inirerekomendang pagkilos, nangangahulugan itong walang anumang rekomendasyon sa seguridad ang Google para sa iyo. Gayunpaman, puwede mong suriin ang level ng iyong seguridad sa Google Account:

  1. Mag-sign in sa iyong Google Account.
  2. Pumunta sa Pamahalaan ang Iyong Account at pagkatapos Seguridad.
    • Sa itaas, kung nalutas ang lahat ng rekomendasyon, magpapakita ang page na ito ng berdeng shield.
    • Kung magpapakita ang page na ito ng berdeng shield, secure ang iyong account, pero puwede ring may mga tip sa seguridad para sa iyo na nagbabahagi ng mga suhestyon para gawing mas secure ang account mo.

Tip: Kung isa kang mamamahayag, aktibista, o taong posibleng maging target ng mga online na pag-atake, matuto tungkol sa Programang Advanced na Proteksyon.

Hakbang 1: Magsagawa ng Security Checkup

Pumunta sa Security Checkup para makatanggap ng mga naka-personalize na rekomendasyon sa seguridad para sa iyong Google Account, kabilang ang:

Magdagdag o mag-update ng mga opsyon sa pag-recover ng account

Ang iyong numero ng telepono sa pag-recover at email address ay mahuhusay na tool sa seguridad. Magagamit ang impormasyon sa pakikipag-ugnayang ito para makatulong na:

  • Pigilan ang isang tao na gamitin ang iyong account nang hindi mo pinapahintulutan
  • Alertuhin ka kung may kahina-hinalang aktibidad sa iyong account
  • I-recover ang iyong account kung na-lock out ka

Alamin kung paano idagdag o palitan ang iyong numero ng telepono sa pag-recover o email address.

I-on ang 2-Step na Pag-verify

Nakakatulong ang 2-Step na Pag-verify na pigilan ang hacker na makapasok sa iyong account, kahit manakaw niya pa ang password mo. Para maiwasan ang mga karaniwang diskarte sa phishing na nauugnay sa mga code sa text message, pumili ng mas maigting na pangalawang hakbang sa pag-verify:

Mas maigting na seguridad: Advanced na Proteksyon

Kung isa kang mamamahayag, aktibista, o taong posibleng maging target ng mga online na pag-atake, pag-isipang mag-enroll sa Programang Advanced na Proteksyon para sa mas maigting na seguridad. Gumagamit ang Advanced na Proteksyon ng mga security key para magprotekta laban sa phishing at kabilang dito ang iba pang proteksyon tulad ng pag-block ng mga hindi secure na app.

Alisin ang mapanganib na access sa iyong data

Para mas maprotektahan ang sensitibong impormasyon, suriin kung aling mga app ang puwedeng gumamit ng impormasyon ng iyong account at mag-alis ng mga hindi mo kailangan.

I-on ang mga lock ng screen

Nakakatulong ang mga lock ng screen na protektahan ang iyong mga device mula sa hindi pinapahintulutang paggamit. Alamin kung paano magtakda ng mga lock ng screen sa Android device.

Tip: Para sa impormasyon tungkol sa pagdaragdag ng lock ng screen sa iba pang device at computer, bisitahin ang site ng suporta ng manufacturer.

Hakbang 2: I-update ang iyong software

Kung luma na ang iyong browser, operating system, o mga app, posibleng hindi ligtas ang software mula sa mga hacker. Para makatulong na protektahan ang iyong account, panatilihing updated ang iyong software.

I-update ang iyong browser

Tiyaking gagamitin ang pinakabagong bersyon ng iyong browser.

Alamin kung paano i-update ang Google Chrome.

Tip: Para malaman kung paano mag-update ng iba pang browser, pumunta sa site ng suporta ng developer.

I-update ang iyong operating system

Sa iyong computer o device, tiyaking gagamitin ang pinakabagong bersyon ng operating system mo.

Tip: Para malaman kung paano i-update ang iba pang device at computer, pumunta sa site ng suporta ng manufacturer.

I-update ang iyong mga app

Sa iyong telepono o computer, tiyaking gagamitin ang pinakabagong bersyon ng mga app.

Tip: Para malaman kung paano mag-update ng mga app sa iba pang device at computer, pumunta sa site ng suporta ng manufacturer.

Hakbang 3: Gumamit ng mga natatangi at malakas na password

Mapanganib gumamit ng iisang password sa maraming site. Kung maha-hack ang iyong password para sa isang site, magagamit ito para makapasok sa mga account mo sa maraming site.

Tiyaking gumawa ng malakas at natatanging password para sa bawat account.

Pamahalaan ang iyong mga password

Makakatulong sa iyo ang password manager na bumuo at mamahala ng malalakas at natatanging password. Pag-isipang gumamit ng password manager na mula sa Chrome o iba pang pinagkakatiwalaang password manager provider.

Tip: Para malaman kung may anumang password na na-save sa iyong Google Account na posibleng nalantad, mahina, o ginagamit sa maraming account, puwede mong gamitin ang Password Checkup.

Tumulong sa pagprotekta ng iyong password mula sa mga hacker

Para maabisuhan kung inilagay mo ang iyong password sa Google Account sa isang site na hindi Google, i-on ang Alerto sa Password para sa Chrome. Sa ganitong paraan, malalaman mo kung may site na nagpapanggap na Google, at mababago mo ang iyong password kung manakaw ito.

Tip: I-on ang 2-Step na Pag-verify para sa karagdagang layer ng seguridad ng account.

Hakbang 4: Mag-alis ng mga app at extension ng browser na hindi mo kailangan

Kapag mas maraming app ang naka-install sa device, mas nagiging mahina ito. Sa mga device na may access sa sensitibong impormasyon, i-install lang ang mga app at extension ng browser na kailangan mo. Para mas maprotektahan ang iyong personal na impormasyon, huwag mag-install ng mga hindi kilalang app o app mula sa mga hindi kilalang source.

Alamin kung paano mag-uninstall ng mga app at extension sa iyong device:

Tip: Para malaman kung paano mag-alis ng mga app at extension mula sa iba pang device at browser, pumunta sa site ng suporta ng device o browser.

Hakbang 5: Magkaroon ng proteksyon laban sa mga kahina-hinalang mensahe at content

Posibleng gumamit ang mga hacker ng mga email, text message, tawag sa telepono, at web page para magpanggap na mga institusyon, miyembro ng pamilya, o katrabaho.

Iwasan ang mga kahina-hinalang request
  • Huwag ipaalam sa iba ang iyong mga password. Hindi kailanman hihilingin ng Google ang iyong password sa isang email, mensahe, o tawag sa telepono.
  • Huwag sumagot sa mga kahina-hinalang email, text, instant message, webpage, o tawag sa telepono na nanghihingi ng iyong personal o pinansyal na impormasyon.
  • Huwag mag-click ng mga link sa mga email, mensahe, webpage, o pop-up mula sa mga hindi pinagkakatiwalaang website o tagapadala.
Iwasan ang mga kahina-hinalang email

Para makatulong na protektahan ang iyong account, awtomatikong tinutukoy ng Gmail ang mga kahina-hinalang email. Para paigtingin ang built-in na proteksyong ito, puwede mo ring tukuyin mismo ang mga kahina-hinalang email at setting:

Tip: Kung ginagamit mo ang Gmail sa iyong computer, itapat ang cursor sa link nang hindi ito kini-click. Sa kaliwang bahagi sa ibaba, tingnan ang address sa web at tiyaking ito ang inaasahan mo.

Iwasan ang mga kahina-hinalang web page

Idinisenyo ang Google Chrome at Search para balaan ka tungkol sa kahina-hinalang content at hindi gustong software.

Alamin kung paano pamahalaan ang mga babalang ito sa Chrome at Search.

Kung may mapapansin kang mga kahina-hinalang aktibidad sa iyong account

Sundin ang mga hakbang para makatulong na i-secure ang iyong account.

Mga kaugnay na resource

true
Welcome sa Google Account!

Nalaman naming mayroon kang bagong Google Account! Alamin kung paano pahusayin ang iyong experience gamit ang checklist ng Google Account mo.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3421343188279561548
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
70975
false
false