Puwede mong baguhin ang iyong password para sa mga dahilang panseguridad o i-reset ito kung makakalimutan mo ito. Ginagamit ang password ng iyong Google Account para ma-access ang maraming produkto ng Google, tulad ng Gmail at YouTube.
Paano ko babaguhin ang password ng aking Google Account?
- Buksan ang iyong Google Account. Baka kailanganin mong mag-sign in.
- Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Seguridad at pag-sign in.
- Sa seksyong "Paano ka nagsa-sign in sa Google," i-click ang Password.
- Baka kailanganin mong mag-sign in ulit.
- Ilagay ang iyong bagong password, pagkatapos ay piliin ang Baguhin ang Password.
I-reset ang iyong password
- Sundin ang mga hakbang para ma-recover ang iyong account. May ilang itatanong sa iyo para makumpirmang account mo ito at may ipapadalang email sa iyo. Kung wala kang matanggap na email:
- Tingnan ang iyong folder na Spam o Bulk Mail.
- Ilagay ang
noreply@google.comsa iyong address book. - Para humiling ng isa pang email, sundin ang mga hakbang para ma-recover ang iyong account.
- Tingnan ang lahat ng email address na posibleng nagamit mo para mag-sign up o mag-sign in sa iyong account.
2. Pumili ng password na hindi mo pa nagagamit sa account na ito. Alamin kung paano gumawa ng malakas na password.
Ano ang mangyayari pagkatapos kong baguhin ang password ng aking Google Account?
Kung magpapalit o magre-reset ka ng iyong password, masa-sign out ka sa lahat maliban sa:
- Mga device na ginagamit mo para ma-verify na ikaw ito kapag nagsa-sign in ka.
- Ilang device na may mga third-party app na binigyan mo ng access sa account.
- Mga kapaki-pakinabang na device sa bahay na binigyan mo ng access sa account.
Ayusin ang mga problema sa iyong password
Kung nagkakaproblema ka sa pag-reset ng iyong password o hindi ka makapag-sign in sa account mo, humingi ng higit pang tulong.