Error na "Di-wastong email address"

Kung nakakakuha ka ng error na may nakalagay na, "Di-wastong email address," hindi kinikilala ng Google ang iyong username (kung gagamit ka ng Gmail) o ang iyong email address (kung hindi ka gumagamit ng Gmail).

Mga karaniwang dahilan ng pagkakaroon ng ganitong error

  • Mayroong dagdag na espasyo sa gitna ng iyong username o ng iyong email address.
    • Pinakamadalas itong nangyayari kung sinusubukan mong mag-sign in gamit ang iyong pangalan sa halip na iyong username/email address. Halimbawa, “Juan Santos” sa halip na juansantos332.
  • Mayroong higit sa isang @ na sign.
  • Mayroong mga di-wastong character tulad ng mga panaklong, colon, semicolon, atbp.
  • Hindi sinasadyang nailagay mo ang @gmail o @yahoo sa halip na @gmail.com o @yahoo.com.

Pagre-refresh ng iyong browser

Kung sigurado kang nalagay nang tama ang iyong username o email address, subukang i-refresh ang pahina ng pag-sign-in sa iyong browser at ilagay muli ang iyong username o email address.

Kung nakalimutan mo ang iyong username sa Mga Google Account, maaari mong subukan itong bawiin gamit ang aming troubleshooter.