Kapag nanatili kang naka-sign in sa iyong account, magagamit mo kaagad ang mga serbisyo ng Google pagkabukas na pagkabukas mo sa mga ito. Halimbawa, mabilis mong matitingnan ang iyong email sa Gmail o makikita ang mga nakaraang paghahanap mo sa Chrome.
Manatiling naka-sign in
Kung patuloy kang sina-sign out ng Google, narito ang ilang hakbang na puwede mong subukan:
- Tiyaking naka-on ang cookies. Puwedeng i-delete ng ilang antivirus o kaugnay na software ang iyong cookies.
- Kung naka-on ang iyong cookies, i-clear ang cache ng browser mo. Tandaan: Bagama't puwedeng malutas ng pag-delete ng iyong cookies ang problema, aalisin din nito ang mga naka-save mong setting para sa mga site na nabisita mo na.
- Tiyaking ginagamit mo ang pinakabagong bersyon ng iyong browser.
- Gumamit ng browser tulad ng Chrome para tandaan ang iyong mga password.
- Kung gumagamit ka ng 2-Step na Pag-verify, magdagdag ng mga pinagkakatiwalaang computer.
Manatiling naka-sign out
Kapag nag-sign in ka sa iyong Google Account, mananatili kang naka-sign in hanggang sa mag-sign out ka.
Kung gumagamit ka ng pampublikong computer o device ng ibang tao:
- Mag-browse nang pribado.
- Kapag tapos ka na, isara ang lahat ng window ng pribadong pag-browse. Awtomatiko kang masa-sign out.
Manatiling naka-sign out sa mga account na hindi Google
Makakatulong ang mga tip na ito sa iyo na pigilan ang mga account na hindi Google sa awtomatikong pag-sign in sa iyo.
- I-off ang mga naka-save na password sa Google Chrome, Mozilla Firefox, at Windows Internet Explorer. Tiyaking updated ang iyong impormasyon sa pag-recover para sa Google Account mo at iba pang serbisyong ginagamit mo.
- I-clear ang cache at cookies ng iyong browser. Tandaan: Bagama't puwedeng malutas ng pag-delete ng iyong cookies ang problema, aalisin nito ang mga naka-save mong setting para sa mga site na nabisita mo na.
Mag-sign out sa device ng ibang tao
Mahalaga: Kung naka-save ang iyong password sa device ng iba, palitan ang password mo at tiyaking naka-sign out ka sa device ng iba. Sa ganoong paraan, hindi makakapag-sign in ang ibang tao sa iyong account.
- Pumunta sa iyong Google Account.
- Sa kaliwang panel ng navigation, i-click ang Seguridad.
- Sa panel ng Iyong mga device, i-click ang Pamahalaan ang mga device.
- Pumili ng device.
- I-click ang Alisin.