Maaari kang magdagdag, mag-update, o mag-alis ng mga numero ng telepono sa iyong Google Account. Ginagamit ang mga numero ng telepono sa iba't ibang dahilan, at may mga kontrol ka para pamahalaan kung paano ginagamit ang iyong mga numero.
Mahalaga: Puwedeng abutin ng isang linggo bago mo magamit ang iyong bagong numero ng telepono para i-verify na ikaw iyon para sa mga sensitibong pagkilos gaya ng pagpapalit ng password mo.
Magdagdag, mag-update, o mag-alis ng numero ng telepono
- Sa iyong Google Account, buksan ang tab na Personal na impormasyon.
- Piliin ang Impormasyon sa pakikipag-ugnayan Numero ng telepono numero ng telepono mo.
- Mula rito, magagawa mong:
- Idagdag ang numero ng iyong telepono: Sa tabi ng telepono, piliin ang Magdagdag ng numero ng telepono sa pag-recover para makatulong sa pagpapanatiling secure ng account mo. Piliin ang bansang nauugnay sa numero ng iyong telepono sa drop-down na menu at ilagay ang numero ng telepono mo.
- Baguhin ang numero ng iyong telepono: Sa tabi ng numero mo, piliin ang I-edit I-update ang numero.
- I-delete ang numero ng iyong telepono: Sa tabi ng numero mo, piliin ang I-delete Alisin ang numero.
- Sa kahong lalabas, sundin ang mga tagubilin.
Tandaan: Kapag pinalitan ang numero sa iyong Google Account, ilang serbisyo ng Google lang ang maaapektuhan. Alamin kung paano baguhin ang iyong numero para sa iba pang serbisyo ng Google.
Magdagdag o mag-edit ng numero ng telepono
Paano ginagamit ang mga numero ng telepono
Nakakonekta ang numero ng iyong telepono sa ilang partikular na serbisyo ng Google na na-set up o nagamit mo.
Para makita ang ilang serbisyong gumagamit ng numero ng iyong telepono, tingnan ang seksyong Telepono ng Google Account mo. Para matuto pa o gumawa ng mga pagbabago, i-click o i-tap ang serbisyo.
Magdagdag o mag-edit ng numero ng telepono
Posibleng hindi nakalista sa page na iyon ang iba pang serbisyo ng Google na gumagamit ng mga numero ng telepono. Puwede mong baguhin ang iyong numero sa mga setting ng ilang partikular na serbisyo, gaya ng mga nasa ibaba:
- 2-Step na Pag-verify
- Calendar: Alamin kung paano ginagamit ang mga numero ng telepono
- Chrome: Alamin kung paano ginagamit ang mga numero ng telepono
- Google Pay
- Google My Business
Baguhin kung paano ginagamit ang iyong numero
Para makita ang iyong mga opsyon para sa isang partikular na serbisyo, pumunta sa mga setting nito. Kung kailangan mo ng tulong, bumisita sa support.google.com.
Gawing mas madali ang pag-sign in at pag-recover ng account
Puwede mong gamitin ang numero ng iyong telepono para:
- Mag-sign in sa iyong account sa ilang partikular na lugar. Alamin kung paano mag-sign in gamit ang numero ng iyong telepono.
- Makapasok ulit sa iyong account kung nagkakaproblema ka sa pag-sign in. Halimbawa, puwede kang makakuha ng text na may code para i-reset ang iyong password. Matuto pa tungkol sa mga numero ng telepono sa pag-recover.
Tulungan ang mga taong makaugnayan ka
Puwede mong pamahalaan kung sino ang makakakita sa numero ng iyong telepono. Para baguhin kung sino ang makakakita sa numero mo, pumunta sa Tungkol sa akin.
Alamin kung paano makakatulong ang numero ng iyong telepono para mahanap at makaugnayan ka ng mga tao sa mga serbisyo ng Google. Para baguhin ang mga setting na ito, pumunta sa seksyong Telepono ng iyong Google Account.
I-on o i-off ang “Mas mahuhusay na ad at mga serbisyo ng Google”
Nagbibigay-daan ang setting na ito para magamit ang numero ng iyong telepono sa lahat ng serbisyo ng Google at makapagpakita ng mga ad na mas may kaugnayan sa iyo. Kung ayaw mo ng mga naka-personalize na ad, i-off ang setting na ito.
- Buksan ang iyong Google Account.
- Sa kaliwa o sa itaas, i-click ang Personal na impormasyon.
- Sa seksyong "Impormasyon sa pakikipag-ugnayan," i-click ang Telepono.
- Piliin ang numero ng telepono na gusto mong baguhin.
- Sa ilalim ng "Mga Kagustuhan," i-on o i-off ang “Mas mahuhusay na ad at mga serbisyo ng Google.”
Kung nakalista ang "Kabuuan ng Google" sa iyong page na "Telepono," magagamit ang numerong ito sa lahat ng serbisyo ng Google.
Tingnan kung ginagamit ang iyong numero sa paraang ito
- Pumunta sa seksyong Telepono ng iyong Google Account.
- Sa tabi ng "Paggamit," hanapin ang "Kabuuan ng Google."
Ihinto ang paggamit sa iyong numero sa kabuuan ng Google
- Pumunta sa seksyong Telepono ng iyong Google Account.
- Sa tabi ng iyong numero, piliin ang I-delete Alisin ang numero.
- Pumunta sa seksyong Numero ng telepono sa pag-recover ng iyong Google Account at idagdag ulit ang numero mo.
- Para patuloy na magamit ang iyong numero sa iba pang serbisyo ng Google, pumunta sa mga serbisyong iyon at muli itong idagdag.
I-verify ang numero ng iyong telepono
Kapag nag-set up ka ng Google Account, puwede mong ipaalam sa Google ang numero ng iyong telepono. Kung gagawin mo ito, ive-verify namin na iyo ang numero, at susubukan naming muli itong i-verify paminsan-minsan para matiyak na ikaw pa rin ang may-ari nito. Matuto pa tungkol sa pag-verify ng iyong numero.
Hindi ibinebenta ng Google ang iyong personal na impormasyon, gayundin ang numero ng telepono mo, sa kahit na sino. Para matuto pa, bumisita sa privacy.google.com.