Baguhin ang numero ng telepono at kung paano ito ginagamit sa iyong account

Puwede kang magdagdag, mag-update, o mag-alis ng mga numero ng telepono sa iyong Google Account. Ginagamit ang mga numero ng telepono sa iba't ibang dahilan, at may mga kontrol ka para pamahalaan kung paano ginagamit ang iyong mga numero.

Mahalaga: Puwedeng abutin ng isang linggo bago mo magamit ang iyong bagong numero ng telepono para i-verify na ikaw iyon para sa mga sensitibong aksyon gaya ng pagpapalit ng password mo.

Magdagdag, mag-update, o mag-alis ng numero ng telepono

    1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
    2. I-tap ang pangalan ng iyong account at pagkatapos Ang iyong pangalan ulit at pagkatapos ay Pamahalaan ang iyong Google Account.
  1. Sa itaas, i-tap ang Personal na impormasyon.
  2. I-tap ang Telepono at pagkatapos ay ang iyong numero ng telepono.
  3. Mula rito, magagawa mong:
    • Magdagdag ng numero ng telepono: Sa ilalim ng "Iyong mga numero ng telepono," piliin ang Magdagdag ng numero ng telepono sa pag-recover. (Inirerekomenda naming magdagdag ka ng numero ng telepono sa pag-recover kung hindi mo pa ito nagagawa.)
    • Baguhin ang iyong numero ng telepono: Sa tabi ng numero mo, i-tap ang I-edit I-edit at pagkatapos ay I-update ang numero.
    • I-delete ang iyong numero ng telepono: Sa tabi ng numero mo, i-tap ang I-delete I-delete at pagkatapos ay Alisin ang numero.
  4. Sundin ang mga hakbang sa screen.

Tip: Kapag pinalitan ang numero sa iyong Google Account, ilang serbisyo ng Google lang ang maaapektuhan. Alamin kung paano baguhin ang iyong numero para sa iba pang serbisyo ng Google.

Magdagdag o mag-edit ng numero ng telepono

Paano ginagamit ang mga numero ng telepono

Bilang bahagi ng ilang serbisyo ng Google

Nakakonekta ang numero ng iyong telepono sa ilang partikular na serbisyo ng Google na na-set up o nagamit mo.

    1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
    2. I-tap ang pangalan ng iyong account at pagkatapos Ang iyong pangalan ulit at pagkatapos ay Pamahalaan ang iyong Google Account.
  1. Sa itaas, i-tap ang Personal na impormasyon.
  2. I-tap ang Telepono.
  3. Sa iyong numero ng telepono, sa tabi ng "Paggamit," may makikita kang ilang serbisyong gumagamit ng numero ng telepono mo. Para matuto pa o para gumawa ng mga pagbabago, i-tap ang serbisyo.

Magdagdag o mag-edit ng numero ng telepono

Posibleng hindi nakalista sa page na iyon ang iba pang serbisyo ng Google na gumagamit ng mga numero ng telepono. Puwede mong baguhin ang iyong numero sa mga setting ng ilang partikular na serbisyo, gaya ng mga nasa ibaba:

Baguhin kung paano ginagamit ang iyong numero

Para makita ang iyong mga opsyon para sa isang partikular na serbisyo, pumunta sa mga setting nito. Kung kailangan mo ng tulong, bumisita sa support.google.com.

Gawing mas madali ang pag-sign in at pag-recover ng account

Puwede mong gamitin ang numero ng iyong telepono para:

Tulungan ang mga taong makaugnayan ka

Puwede mong baguhin kung sino ang makakakita sa numero ng iyong telepono:

    1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
    2. I-tap ang pangalan ng iyong account at pagkatapos Ang iyong pangalan ulit at pagkatapos ay Pamahalaan ang iyong Google Account.
  1. Sa itaas, i-tap ang Mga tao at pag-share.
  2. Sa "Piliin ang nakikita ng ibang tao," i-tap ang Pumunta sa Tungkol sa akin.
  3. Sa "Impormasyon sa pakikipag-ugnayan," baguhin ang iyong preference sa pag-share.

Alamin kung paano makakatulong ang numero ng iyong telepono para mahanap at makaugnayan ka ng mga tao sa mga serbisyo ng Google.

I-on o i-off ang “Mas mahuhusay na ad at mga serbisyo ng Google”

Nagbibigay-daan ang setting na ito para magamit ang numero ng iyong telepono sa lahat ng serbisyo ng Google at makapagpakita ng mga ad na mas may kaugnayan sa iyo. Kung ayaw mo ng mga naka-personalize na ad, i-off ang setting na ito.

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Mga Setting Mga Setting at pagkatapos Google at pagkatapos Pamahalaan ang iyong Google Account.
  2. Sa itaas, i-tap ang Personal na impormasyon.
  3. I-tap ang Telepono.
  4. Piliin ang numero ng telepono na gusto mong baguhin.
  5. Sa "Mga Preference," i-on o i-off ang "Mas mahusay na mga ad at serbisyo ng Google."
Tip: Kung naka-on ito, makikita ang “Sa Kabuuan ng Google” sa ilalim ng seksyong Paggamit.

Ihinto ang paggamit sa iyong numero sa kabuuan ng Google

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Mga Setting Mga Setting at pagkatapos Google at pagkatapos Pamahalaan ang iyong Google Account.
  2. Sa itaas, i-tap ang Personal na impormasyon.
  3. I-tap ang Telepono.
  4. Piliin ang numero ng telepono na gusto mong baguhin.
  5. Sa tabi ng iyong numero, piliin ang I-delete I-delete at pagkatapos Alisin ang numero.
  6. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Bumalik Bumalik.
  7. Sa itaas, i-tap ang Seguridad.
  8. Sa ilalim ng "Paano ka nagsa-sign in sa Google," i-tap ang Numero ng telepono sa pag-recover. Sundin ang mga hakbang sa screen para idagdag ulit ang iyong numero.
Tip: Para gamitin ang iyong numero sa iba pang serbisyo ng Google, pumunta sa mga serbisyong iyon at idagdag ito ulit.
Pagandahin ang iyong experience sa kabuuan ng Google

Kung nakalista ang "Kabuuan ng Google" sa iyong page na "Telepono," magagamit ang numerong ito sa lahat ng serbisyo ng Google.

Tingnan kung ginagamit ang iyong numero sa paraang ito

    1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
    2. I-tap ang pangalan ng iyong account at pagkatapos Ang iyong pangalan ulit at pagkatapos ay Pamahalaan ang iyong Google Account.
  1. Sa itaas, i-tap ang Personal na impormasyon.
  2. I-tap ang Telepono.
  3. Sa tabi ng "Paggamit," hanapin ang "Kabuuan ng Google."

Ihinto ang paggamit sa iyong numero sa kabuuan ng Google

    1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
    2. I-tap ang pangalan ng iyong account at pagkatapos Ang iyong pangalan ulit at pagkatapos ay Pamahalaan ang iyong Google Account.
  1. Sa itaas, i-tap ang Personal na impormasyon.
  2. I-tap ang Telepono.
  3. Sa tabi ng iyong numero, piliin ang I-delete I-deleteat pagkatapos ay Alisin ang numero.
  4. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Bumalik Bumalik.
  5. Sa itaas, i-tap ang Seguridad.
  6. Sa ilalim ng "Paano ka nagsa-sign in sa Google," i-tap ang Numero ng telepono sa pag-recover. Sundin ang mga hakbang sa screen para idagdag ulit ang iyong numero.
  7. Para patuloy na magamit ang iyong numero sa iba pang serbisyo ng Google, pumunta sa mga serbisyong iyon at idagdag ulit ito.
I-verify ang numero ng iyong Android phone

Kapag nag-set up ka ng Google Account, puwede mong ipaalam sa Google ang numero ng iyong telepono. Kung gagawin mo ito, ive-verify namin na iyo ang numero, at susubukan naming i-verify ulit ito paminsan-minsan para matiyak na ikaw pa rin ang may-ari nito. Matuto pa tungkol sa pag-verify ng numero mo.

Mahalaga: Puwedeng idagdag ang anumang na-verify na numero ng telepono para sa isang Android device sa anumang Google Account na nakatalaga sa device na iyon. Matuto pa tungkol sa pag-verify ng numero ng telepono.

Hindi ibinebenta ng Google ang iyong personal na impormasyon, gayundin ang numero ng telepono mo, sa kahit na sino. Para matuto pa, bumisita sa privacy.google.com.

true
Welcome sa Google Account!

Nalaman naming mayroon kang bagong Google Account! Alamin kung paano pahusayin ang iyong experience gamit ang checklist ng Google Account mo.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
3588951980876034708
true
Maghanap sa Help Center
false
true
true
true
true
true
70975
false
false
false
false
false