Para maging handa kung sakaling mawala ang iyong telepono o tablet, o Wear OS watch, puwede mong alamin kung mahahanap ito ng Hanapin ang Aking Device. Kung nawawala na ang iyong device, alamin kung paano ito hanapin, i-lock, o burahin.
Tiyaking mahahanap ang iyong device
Para mahanap, ma-lock, o mabura ang isang Android device, ang iyong device ay dapat na:
- Naka-sign in sa isang Google Account
- Naka-on ang Lokasyon
- Naka-on ang Hanapin ang Aking Device
- Naka-on ang “I-store ang kamakailang lokasyon”
- Kapag naka-on ang “I-store ang kamakailang lokasyon,” mahahanap mo ang iyong device kahit na offline ito.
- May naka-install na Google Play
- Gumawa ng backup code ng 2-Step na Pag-verify
- Nakakonekta sa mobile data o Wi-Fi
- Buksan ang app na Mga Setting
ng iyong device.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang larawan ng profile.
- I-verify na tama ang email address na ginamit mo para mag-sign in.
Tip: Kung mayroon kang tablet na ginagamit ng maraming tao, ang may-ari lang ng tablet ang makakapagbago sa mga setting na ito.
- Buksan ang app na Mga Setting
ng iyong device.
- I-tap ang Lokasyon.
- Kung hindi mo mahanap ang "Lokasyon," pumunta sa site ng suporta ng manufacturer ng iyong telepono para sa tulong.
- I-on ang Lokasyon.
- Buksan ang app na Mga Setting
ng iyong device.
- I-tap ang Security
Hanapin ang Aking Device.
- Kung hindi mo mahanap ang "Security," i-tap ang Seguridad at lokasyon o Google
Security.
- Kung hindi mo mahanap ang "Security," i-tap ang Seguridad at lokasyon o Google
- Tingnan kung naka-on ang “Hanapin ang Aking Device.”
Kung gusto mong i-store ang naka-encrypt na kamakailang lokasyon ng iyong device sa Google kapag offline ito, tiyaking naka-on ang “I-store ang kamakailang lokasyon.”
- Buksan ang app na Mga Setting
ng iyong device.
- I-tap ang Security
Hanapin ang Aking Device.
- Kung hindi mo mahanap ang "Security," i-tap ang Seguridad at lokasyon o Google
Security.
- Kung hindi mo mahanap ang "Security," i-tap ang Seguridad at lokasyon o Google
- Tingnan kung naka-on ang “I-store ang kamakailang lokasyon.”
- Kung kaka-on mo lang sa “I-store ang kamakailang lokasyon,” puwede kang makakuha ng notification na ilagay ang iyong password. Nagbibigay-daan ito sa amin na i-encrypt at i-store ang pinakakamakailang lokasyon ng iyong device sa Google.
Mahalaga: Kung magtatago ka ng device sa Google Play, hindi ito lalabas sa Hanapin ang Aking Device.
- Buksan ang https://play.google.com/library/devices.
- Sa kaliwang bahagi sa itaas, tiyaking naka-check ang “Ipakita sa Mga Menu.”
- Buksan ang android.com/find.
- Mag-sign in sa iyong Google Account.
- Kung may higit sa isang profile ng user ang device na ito, mag-sign in gamit ang isang Google Account na nasa pangunahing profile. Matuto pa tungkol sa mga profile ng user.
- Kung mayroon kang mahigit sa isang device, sa itaas ng screen, piliin ang iyong device.
- Para pamahalaan ang iyong mga device at hanapin ang mga ito, i-install ang app na Hanapin ang Aking Device
.
- I-tap ang Mag-sign In.
Tip: Kung mayroon kang tablet na ginagamit ng maraming tao, ang may-ari lang ng tablet ang makakapagbago sa mga setting na ito.
Mahalaga: Mahahanap mo ang iyong device sa https://android.com/find. Puwede mo ring gamitin ang app na Hanapin ang Aking Device sa Guest Mode gamit ang iyong email at password.
Kung mawawala mo ang iyong pangunahing Android device at gusto mong remote na i-lock o burahin ito, dapat mong i-on ang 2-Step na Pag-verify. Dahil posibleng ang iyong pangunahing Android device ang paraan mo para sa 2-Step na Pag-verify gaya ng isang code sa pag-verify, mahalagang may backup code ka. Kung wala kang mga backup code o pisikal na security key, posibleng kailangan mong makipag-ugnayan sa iyong service provider sa mobile para mag-order ng bagong SIM.
- Pumunta sa iyong Google Account.
- I-tap ang Security.
- Sa ilalim ng "Pag-sign in sa Google," i-tap ang 2-Step na Pag-verify.
- I-tap ang Mga backup code.
Matuto pa tungkol sa mga backup code.
Kung nakalimutan mo ang iyong password, nawala ang telepono mo, o hindi ka makapag-sign in sa ibang kadahilanan, nakakatulong ang mga backup na makabalik ka sa iyong account. Matuto pa tungkol sa 2-Step na Pag-verify at mga backup.
Ang isang pisikal na security key ang isa sa pinakamalalakas na paraan para protektahan ang iyong account. Itabi ang iyong pisikal na security key sa isang ligtas na lugar. Kung nawala o nanakaw ang pangunahin mong Android device, puwede mong gamitin ang pisikal na key para mag-sign in sa https://android.com/find. Matuto pa tungkol sa mga opsyon sa security key.
I-install ang app
Para maging handa sa paggamit ng isang Android phone o tablet para maghanap ng ibang device, i-install ang app na Hanapin ang Aking Device .