I-clear ang cache at cookies

Kapag gumagamit ka ng browser, tulad ng Chrome, nagse-save ito ng impormasyon mula sa mga website sa cache at cookies nito. Kapag na-clear ang mga iyon, maaayos ang ilang partikular na problema, tulad ng mga isyu sa pag-load o pag-format sa mga site.

Sa Chrome app

  1.  Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. I-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay I-clear ang data mula sa pag-browse.
    • Para mag-delete ng history ng pag-browse (kasama ang mga bukas na tab), pumili ng tagal ng panahon at pagkatapos ay i-tap ang I-clear ang data. 15 minuto ang default na tagal.
    • Para pumili ng mga mas partikular na uri ng data na gusto mong i-delete, i-tap Higit pang opsyon. Piliin ang mga uri ng data mula sa pag-browse na gusto ong i-delete at pagkatapos ay i-tap ang I-clear ang data.

Alamin kung paano magbago ng higit pang setting ng cookie sa Chrome.

Sa iba pang browser app

Kung gumagamit ka ng Firefox o ibang browser, suriin ang site ng suporta nito para sa mga tagubilin.

Ano ang mangyayari pagkatapos mong i-clear ang impormasyong ito

Pagkatapos mong i-clear ang cache at cookies:

  • Made-delete ang ilang setting sa mga site. Halimbawa, kung naka-sign in ka, kakailanganin mong mag-sign in ulit.
  • Posibleng magmukhang mas mabagal ang ilang site dahil kakailanganing mag-load ulit ng content, tulad ng mga larawan.
  • Kung naka-sign in ka sa Chrome, mananatili kang naka-sign in sa mga website ng Google, gaya ng google.com at youtube.com.

Paano gumagana ang cache at cookies

  • Ang cookies ay mga file na ginagawa ng mga site na binibisita mo. Mas pinapadali nito ang iyong online na karanasan sa pamamagitan ng pag-save ng data mula sa pag-browse.
  • Tinatandaan ng cache ang mga bahagi ng mga page, tulad ng mga larawan, upang makatulong na mabuksan ang mga iyon nang mas mabilis sa susunod mong pagbisita.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
624198908182910081
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
70975
false
false