Available ang mga serbisyo ng Google sa lahat ng wika ng Google. Puwede mong itakda sa iyong gustong wika ang wika ng display anumang oras.
Ang mga tagubiling ito ay para baguhin ang iyong gustong wika na ginagamit sa mga serbisyo ng Google sa web lang. Para baguhin ang gustong wika para sa iyong mga mobile app, i-update ang mga setting ng wika sa device mo.
Baguhin ang iyong mga setting ng wika sa web
- Mag-sign in sa iyong Google Account.
- Sa kaliwa, i-click ang Personal na impormasyon.
- Sa ilalim ng "Mga pangkalahatang kagustuhan para sa web," i-click ang Wika I-edit .
- Maghanap at pumili ng iyong gustong wika.
- I-click ang Piliin.
- Kung nakakaintindi ka ng maraming wika, i-click ang + Magdagdag ng isa pang wika.
Pagkatapos mong baguhin ang iyong mga kagustuhan sa wika, isara at buksan ulit ang browser mo.
Paano gamitin ang mga wikang awtomatikong idinagdag ng Google
Awtomatikong idinaragdag ng Google ang mga wikang madalas mong ginagamit sa mga serbisyo ng Google. Kapag nagdagdag ng wika ang Google, may label ito na Idinagdag para sa iyo .
- Mag-sign in sa iyong Google Account.
- Sa kaliwa, i-click ang Personal na impormasyon.
- Sa ilalim ng "Mga pangkalahatang kagustuhan para sa web," i-click ang Wika.
- Pumili ng opsyon:
- Para kumpirmahin ang wikang idinagdag para sa iyo: Piliin ang I-save.
- Para alisin ang wikang idinagdag ng Google: Piliin ang I-delete .
- Para pigilan ang Google sa awtomatikong pagdaragdag ng mga wika: I-off ang Awtomatikong magdagdag ng mga wika.
Paano ginagamit ng Google ang iyong mga setting ng wika
Ginagamit ng Google ang iyong mga setting ng wika para gawing mas kapaki-pakinabang ang mga serbisyo ng Google. Kapag itinakda mo ang iyong wika, tinutulungan mo kaming ipakita ang content at mga resulta mo sa isa o higit pa sa iyong mga gustong wika, at magbigay ng mas nauugnay at iniangkop na content kung saan posibleng interesado ka, gaya ng mga ad.
Ayusin ang mga problema sa pagbago ng wika
Para tingnan ang wika ng iyong Google Account, buksan ang Google Account mo. Makikita mo ang wikang pinili mo.
- Hindi gumana ang pagbago ng wika: Kung hindi tumutugma ang iyong Google Account sa wikang pinili mo, i-clear ang cache at cookies ng browser mo at itakda ulit ang wika.
Tip: Kapag nag-delete ng cookies, matatanggal din ang iyong mga na-save na setting para sa ibang site na binisita mo. - Hindi nakalista ang iyong wika: Nagsisikap kami para suportahan ang higit pang wika para sa aming mga produkto. Kung pipili ka ng pangunahing wikang hindi available, posibleng hilingin namin sa iyo na pumili ng alternatibong wika. Kung kailangan ng alternatibong wika, sa Seksyon ng wika sa iyong Google Account, makikita mong nakalista ang iyong alternatibong wika sa ibaba ng pangunahing wika mo. Puwede mo itong piliin para mapalitan ito.
- Gumagamit ako ng mobile device: Makikita sa web ang mga pagbabago sa iyong gustong wika. Para palitan ang gustong wika para sa mga mobile app, i-update ang mga setting ng wika sa iyong device.