Paano ko ide-delete ang Google Account ko?

Puwede mong i-delete ang iyong Google Account anumang oras. Kung nagbago ang iyong isip, posibleng hindi mo ma-recover ito pagkalipas ng partikular na tagal ng oras.

Hakbang 1: Alamin kung ano ang ibig sabihin ng pag-delete ng iyong Google Account

  • Mawawala sa iyo ang lahat ng data at content sa account na iyon, tulad ng mga email, file, kalendaryo, at larawan.
  • Hindi mo magagamit ang mga serbisyo ng Google kung saan ka nag-sign in gamit ang account na iyon, tulad ng Gmail, Drive, Calendar, o Play.
  • Mawawalan ka ng access sa mga subscription at content na binili mo gamit ang account na iyon sa YouTube o Google Play, tulad ng mga app, pelikula, laro, musika, at palabas sa TV.

Ano ang mangyayari pagkatapos kong i-delete ang Google Account ko?

Kung gumagamit ka ng Android phone
Hindi mo na magagamit ang ilang app at serbisyo sa iyong telepono.

Google Play

  • Hindi ka makakakuha o makakapag-update ng mga app o laro mula sa Play Store.
  • Hindi mo magagamit ang mga musika, pelikula, aklat, o magazine na binili mo.
  • Mawawala sa iyo ang anumang musikang binili mo sa ibang lugar at idinagdag sa Google Play.
  • Puwedeng mawala sa iyo ang progress at mga achievement mo sa laro, at iba pang data ng Google Play mula sa iyong account.

Mga Contact

Mawawala sa iyo ang mga contact na naka-store lang sa Google Account mo at hindi nakahiwalay sa iyong device.

Drive

  • Hindi mase-save ang data sa Drive. Kabilang sa data na ito ang mga larawang kinuha gamit ang iyong device o mga file na na-download mula sa mga email.
  • Hindi ka makakapag-download o makakapag-upload ng mga file sa na-delete na account.
Kung gumagamit ka ng Chromebook

Hindi ka makakagamit ng anumang Chrome app o extension para sa na-delete na account.

Magagawa mo pa ring:

  • Pahintulutan ang iba na pansamantalang gamitin ang iyong Chromebook
  • Mag-sign in gamit ang hindi na-delete na Google Account

Paano ko ide-delete ang Google Account ko kung ma-hack ito?

Bago ka mag-delete ng na-hack o nakompromisong Google Account, pag-isipang gamitin ang Security Checkup para matuto pa tungkol sa kung anong mga bahagi ng iyong account ang na-access nang walang pahintulot mo. Sa ganitong paraan, makakapagsagawa ka ng mga hakbang para mabawasan ang karagdagang pinsalang dulot ng hacker. Halimbawa, kung ikaw ay:

  • Nagse-save ng mga password sa iyong Google Account, matutukoy mo kung may nag-access sa mga ito kaya malalaman mo kung kailangang palitan ang mga ito.

  • Nagse-save ng mga contact sa iyong Google Account, malalaman mo kung may nag-download sa mga ito kaya masasabihan mo ang mga contact kung kailangan nilang mag-ingat sa mga kahina-hinalang mensahe.

  • Gumagamit ng Google Wallet para sa mga transaksyon, matitingnan mo kung may anumang hindi pinahintulutang pagbabayad para ma-dispute mo ang mga ito.

Mahalaga: Kapag na-delete na ang iyong account, hindi mo na magagamit ang Security Checkup para suriin ang aktibidad sa account na iyon.

Hakbang 2: Suriin at i-download ang impormasyon ng Google Account mo

Bago mo i-delete ang iyong Google Account:

Hakbang 3: I-delete ang iyong Google Account

Mahalaga: Kung hindi lang isa ang Google Account mo, hindi made-delete ang ibang account kapag may na-delete kang isa.

  1. Pumunta sa seksyong Data at Privacy ng iyong Google Account.
  2. Mag-scroll sa "Iyong mga opsyon sa data at privacy."
  3. Piliin ang Higit pang opsyon at pagkatapos I-delete ang iyong Google Account
  4. Sundin ang mga tagubilin para i-delete ang iyong account.

Paano ko ide-delete ang Gmail account ko?

Puwede mong alisin ang iyong Gmail account sa Google Account mo. Kapag na-delete ito, hindi made-delete ang buong Google Account mo.

Mahalaga: Kapag na-delete mo ang iyong Google Account, made-delete ang data na nauugnay sa Gmail account mo. Hindi ka na puwedeng mag-log in sa Gmail account na iyon.

I-delete ang iyong Gmail account nang hindi dine-delete ang Google Account mo

Mahalaga: Para i-delete ang Gmail account mo nang hindi dine-delete ang iyong Google Account, kailangan mo ng ibang email address na nauugnay sa iyong Google Account.

  1. Pumunta sa iyong Google Account.
  2. Sa kaliwa, piliin ang Data at privacy.
  3. Mag-scroll sa "Data mula sa mga ginagamit mong app at serbisyo."
  4. Piliin ang Mag-delete ng Serbisyo ng Google.
  5. Sa tabi ng "Gmail," piliin ang I-delete I-delete.
  6. Maglagay ng dati nang email address na gusto mong gamitin para mag-sign in.
  7. Piliin ang Magpadala ng email sa pag-verify.
  8. Para i-verify ang dati mo nang email address, makakatanggap ka ng email sa dati nang email address. Hanggang sa i-verify mo ang bagong email address, hindi ide-delete ang iyong Gmail address.

Paano ko maaalis ang iba pang serbisyo sa Google Account ko?

Paano ko maaalis ang Google Account ko sa telepono ko?

Para mag-alis ng account sa iyong telepono nang hindi ito dine-delete, sundin ang mga tagubilin sa ibaba. Kung hindi mo makita ang iyong telepono, bumisita sa site ng suporta ng gumawa.

Paano ko mare-recover ang Google Account ko?

Kung magbago ka ng isip o hindi mo sinasadyang ma-delete ang iyong Google Account, posibleng ma-recover mo ito sa loob ng partikular na tagal ng oras. Alamin kung paano i-recover ang iyong account.

true
Welcome sa Google Account!

Nalaman naming mayroon kang bagong Google Account! Alamin kung paano pahusayin ang iyong experience gamit ang checklist ng Google Account mo.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu