Kung nakatanggap ka ng email sa pag-verify ng account kahit hindi dapat, posibleng may ibang user na aksidenteng naglagay ng iyong email habang sinusubukan niyang i-recover ang kanyang sariling email account. Kung hindi ikaw ang humiling, wala kang kailangang gawin. Puwede mong balewalain lang ang email sa pag-verify, at hindi mave-verify ang account.
Kung aksidente mong na-click ang link para i-verify ang account, puwede kang magpasyang patuloy na gamitin o i-delete ang account na ito. Alinman ang gawin, para makapag-sign in, kailangan mo munang i-reset ang password.