Ang Inactive Account Manager ay isang paraan para makapag-share ang mga user ng mga bahagi ng data ng kanilang account o para maabisuhan nila ang isang tao kung hindi sila naging aktibo sa loob ng partikular na panahon. Magagamit mo ang tool na ito para magtalaga ng third party, tulad ng mga malapit na miyembro ng pamilya, na makakatanggap ng partikular na data ng account kapag pumanaw o naging hindi aktibo ang user. Para i-set up ito, pumunta sa page na Inactive Account Manager.
Aling data ang puwede kong i-share?
Kapag na-set up mo ang Inactive Account Manager, makikita mo ang mga opsyon sa data na puwede mong i-share kapag naging hindi aktibo ang iyong account sa loob ng partikular na panahon. Puwede kang pumili ng hanggang 10 taong makakatanggap ng data na ito, at puwede mong piliing i-share lahat o ang mga partikular na uri ng data lang. Puwede ka ring mag-share ng magkakaibang data sa magkakaibang tao. Tandaang may ilang impormasyong hindi puwedeng i-share.
Paano namin natutukoy ang aktibidad?
Tumitingin kami ng ilang senyales para maunawaan kung ginagamit mo pa rin ang iyong Google Account. Kabilang dito ang iyong mga huling pag-sign in, kamakailang aktibidad mo sa Aking Aktibidad, paggamit ng Gmail (hal., ang Gmail app sa iyong telepono) at mga pag-check in sa Android.
Kailan ise-share ang data ko gaya ng itinagubilin ko?
Iti-trigger lang namin ang na-set up mong plano kung maging hindi aktibo ang iyong Google Account sa loob ng partikular na panahon.
Sabihin sa amin kung gaano katagal kaming dapat maghintay na gawin ito sa pamamagitan ng pag-set up sa iyong plano sa page na Inactive Account Manager.
Ano ang mangyayari kapag na-delete ang iyong account?
Kapag na-delete ang iyong Google Account, maaapektuhan ang lahat ng produktong nauugnay sa account na iyon (hal., Blogger, AdSense, Gmail), at iba ang magiging epekto sa bawat produkto. Puwede mong suriin ang data na nauugnay sa iyong account sa Google Dashboard. Kung ginagamit mo ang Gmail sa iyong account, hindi mo na maa-access ang email na iyon. Hindi mo na rin magagamit ulit ang iyong username sa Gmail.
Bakit ko kailangang magbigay ng numero ng telepono para sa isang pinagkakatiwalaang contact?
Gagamitin namin ang numero ng telepono tangi lang para siguraduhing ang pinagkakatiwalaang contact lang ang talagang makakapag-download ng iyong data. Ang pag-verify sa pagkakakilanlan gamit ang numero ng mobile phone ay pumipigil sa pag-access ng data ng mga hindi pinapahintulutang tao na maaaring makakuha ng email na ipapadala namin sa iyong pinagkakatiwalaang contact.
Ano ang matatanggap ng mga pinagkakatiwalaang contact?
Makakatanggap lang ng notification ang mga contact sa sandaling hindi na aktibo ang iyong account para sa tinukoy na tagal ng panahon -- hindi sila makakatanggap ng anumang notification sa panahon ng pag-setup. Kung pinili mong ipaalam lang sa mga contact ang tungkol sa iyong hindi na aktibong account, makakatanggap sila ng email na may linya ng paksa at content na isinulat mo sa panahon ng pag-setup. Magdaragdag kami ng footer sa email na iyon, na nagpapaliwanag na inatasan mo ang Google na magpadala ng email sa ngalan mo pagkatapos mong ihinto ang paggamit sa iyong account. Maaaring ganito ang isasaad sa footer na ito:
Inatasan ni Juan Dela Cruz (juan.delacruz@gmail.com) ang Google na awtomatikong ipadala sa iyo ang mail na ito pagkatapos itigil ni Juan ang paggamit sa kanyang account.
Taos-puso,
Ang Google Accounts Team
Kung pinili mong mag-share ng data sa iyong pinagkakatiwalaang contact, maglalaman ang email ng karagdagang listahan ng data na pinili mong i-share sa kanya at link na masusundan niya para ma-download ang data. Maaaring maging halimbawa ng ganoong mensahe ang sumusunod:
Inatasan ni Juan Dela Cruz (juan.delacruz@gmail.com) ang Google na awtomatikong ipadala sa iyo ang mail na ito pagkatapos itigil ni Juan ang paggamit sa kanyang account.
Binigyan ka ni Juan Dela Cruz ng access sa sumusunod na data ng account:
- Blogger
- Drive
- YouTube
I-download dito ang data ni Juan.
Taos-puso,
Ang Google Accounts Team
Magagawa ko bang palitan ang mga pinagkakatiwalaang contact ko o baguhin ang mga pinili ko?
Oo. Para i-edit ang mga pinili mo o i-off ang iyong plano, pumunta sa page na Inactive Account Manager.
Ano ang mangyayari sa data ko kung hindi ako mag-set up ng plano gamit ang Inactive Account Manager?
Nakalaan sa Google ang karapatang mag-delete ng hindi aktibong Google Account at ng aktibidad at data nito kung hindi ka aktibo sa Google sa loob ng hindi bababa sa dalawang taon.
Matuto pa tungkol sa Patakaran sa Hindi Aktibong Google Account.
Sa maraming sitwasyon, puwede ring makipagtulungan ang Google sa mga malapit na miyembro ng pamilya at kinatawan para isara ang account ng pumanaw nang tao kapag naaangkop. Sa ilang mga pagkakataon, puwede kaming magbigay ng content mula sa account ng isang pumanaw nang user. Alamin kung paano magsumite ng request tungkol sa account ng pumanaw nang user.