Maa-access ng ibang taong gumagamit ng Google ang iyong pangalan, larawan sa profile, at iba pang pangunahing impormasyon. Puwede mong kontrolin kung ano ang nakikita ng iba tungkol sa iyo sa lahat ng serbisyo ng Google.
Mahalaga:
- Kung hindi ka pa nakakapagdagdag ng larawan sa profile, mga inisyal mo ang makikita mo.
- Kung papalitan mo ang iyong pangalan o larawan sa profile sa Google, hindi nito papalitan ang pangalan o larawan sa profile mo sa YouTube. Para sa higit pang impormasyon, pumunta sa Pamahalaan ang branding ng iyong channel.
Matuto pa tungkol sa pangunahing impormasyon ng channel sa YouTube.
Magdagdag o magpalit ng iyong larawan sa profile
- Mag-sign in sa iyong Google Account.
- Sa ilalim ng "Personal na impormasyon," i-click ang Larawan.
- Mag-upload ng larawan mula sa iyong computer o pumili ng isa sa Google Photos mo.
- I-rotate at i-crop ang iyong larawan kung kailangan
.
- I-click ang Susunod.
- Sa ibaba, i-click ang I-save bilang larawan sa profile.
Mga Tip:
- Puwede mong i-tap at i-edit ang iyong larawan sa profile sa karamihan ng mga lugar kung saan lumalabas ang larawan mo.
- Para makita ang mga dating larawan sa profile, sa kanang sulok sa itaas, i-click ang Higit pa
Mga dating larawan sa profile.
I-crop ang iyong larawan gamit ang pantulong na teknolohiya o keyboard
I-crop ang iyong larawan mula sa sulok nito
- Mag-navigate para piliin ang sulok ng iyong larawan.
- Gamitin ang mga arrow key para i-crop ang larawan.
Iusog ang buong crop square
- Mag-navigate para piliin ang buong crop square.
- Gamitin ang mga arrow key para baguhin ang posisyon ng crop square.
Baguhin ang personal na impormasyon
I-edit ang iyong pangalan
Puwede mong palitan ang iyong pangalan ilang beses mo man gusto.
-
Mag-sign in sa iyong Google Account.
-
Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang “Personal na impormasyon.”
-
Sa ilalim ng "Pangunahing impormasyon," mag-click sa Pangalan.
-
Sa tabi ng iyong kasalukuyang pangalan, i-click ang
.
-
I-update ang iyong pangalan.
-
I-click ang I-save.
Ayusin ang dating pangalan na lumalabas pa rin
Pagkatapos mong palitan ang iyong pangalan, i-clear ang cache at cookies mo. Posibleng hindi ma-update ang iyong pangalan sa lahat ng produkto dahil sa pag-clear ng cache at cookies mo. Posibleng lumabas ang dati mong pangalan sa mga dating pag-uusap sa Chat kung saan binanggit ka.
Mahalaga: Kapag na-clear mo ang iyong cookies, posible kang ma-sign out sa mga site na hindi Google.
Baguhin ang iyong personal na impormasyon
-
Mag-sign in sa iyong Google Account.
-
Sa ilalim ng "Personal na impormasyon," i-click ang impormasyong gusto mong baguhin.
-
Sundin ang mga hakbang sa screen.
Higit pang detalye
PangalanPuwede mong palitan ang iyong pangalan ilang beses mo man gusto.
Para idagdag, i-update, o alisin ang iyong nickname, pumunta sa Tungkol sa Akin o sa account.google.com. Para sa account.google.com, sundin ang mga tagubiling ito:
- I-click ang Personal na impormasyon.
- Sa bandang kanan ng iyong pangalan, i-click ang
.
- Sa tabi ng "Nickname," i-click ang I-edit
.
Hindi mo na made-delete ang iyong kaarawan kapag nailagay mo na ito sa iyong account. Gayunpaman, puwede mong i-edit ito at piliin kung sino ang makakakita rito.
Mahalaga:
- Puwedeng gamitin ng Google ang iyong kaarawan para sa seguridad at pag-personalize ng account sa lahat ng serbisyo ng Google.
- Puwedeng maapektuhan ng pagpapalit ng iyong kaarawan ang iyong pag-access sa content o mga serbisyong pinaghihigpitan ayon sa edad. Sa ilang pagkakataon, posibleng hilingin sa iyong i-verify ang edad mo.
Sino ang makakakita ng iyong kaarawan
Hindi namin awtomatikong ibabahagi ang iyong kaarawan sa ibang tao na gumagamit ng mga serbisyo ng Google. Para makontrol kung sino ang makakakita ng iyong kaarawan:
- Pumunta sa iyong Google Account.
- Sa kaliwa, i-click ang Personal na impormasyon.
- Sa "Pangunahing impormasyon," i-click ang Kaarawan.
- Ilagay ang impormasyon ng iyong kaarawan kung hindi pa ito naidaragdag.
- Sa "Piliin kung sino ang makakakita ng iyong kaarawan," piliin ang Ikaw lang o Kahit sino.
I-highlight ang iyong kaarawan
Kapag itinakda mo ang "Piliin kung sino ang makakakita ng iyong kaarawan" sa Kahit sino (o Iyong organisasyon, kung naaangkop), puwede mo itong ipa-highlight sa Google. Halimbawa, kapag malapit na ang kaarawan mo, puwedeng lagyan ng dekorasyon ng Google ang iyong larawan sa profile saanman ito lumalabas. Makikita ng iba ang iyong kaarawan at ang mga highlight ng kaarawan mo kapag nakipag-ugnayan sila sa iyo o tiningnan nila ang content na ginawa mo sa ilang serbisyo ng Google.
Kung ayaw mong nakikita ang iyong kaarawan, itakda ang "Piliin kung sino ang makakakita ng iyong kaarawan" sa Ikaw lang at hindi ito iha-highlight ng Google. Gagawa pa rin ng mga bagay-bagay ang Google tulad ng paglalagay ng dekorasyon sa iyong larawan sa profile sa ilang lugar, pero ikaw lang ang makakakita ng mga ito.
Tip: Kung hindi naha-highlight ang iyong kaarawan kapag malapit na ang tamang petsa, siguraduhing tama ang kaarawan mo sa iyong profile. Kung nakikita ito ng iba na naka-highlight sa ibang petsa, posibleng mali ang inilagay nilang petsa sa kanilang Google Contacts.
Ilang paraan ng paggamit ng Google sa iyong kaarawan
Posibleng gamitin ng Google ang iyong kaarawan para:
- I-verify ang iyong edad at tiyaking nasa hustong gulang ka na para gumamit ng ilang partikular na serbisyo at feature.
- Malaman kung kailan maglalagay ng temang pangkaarawan sa page ng Google Search.
- Matukoy ang iyong grupo ng edad para sa mga naka-personalize na rekomendasyon at ad. Puwede mong i-off ang mga naka-personalize na ad sa iyong mga setting ng ad.
May ilang opsyon ka sa seksyong Kasarian ng iyong Google Account. Magagawa mong:
- Isaad ang iyong kasarian
- Piliing huwag isaad ang iyong kasarian
- Magdagdag ng custom na kasarian at piliin kung paano ka tatawagin ng Google
Sino ang makakakita ng iyong kasarian
Bilang default, hindi ibinabahagi ang iyong kasarian sa ibang taong gumagamit ng mga serbisyo ng Google. Para kontrolin kung sino ang nakakakita ng iyong kasarian, pumunta sa seksyong Tungkol sa akin ng Google Account mo.
Paano ginagamit ng Google ang iyong kasarian
Ginagamit namin ang iyong kasarian para gawing mas personal ang mga serbisyo ng Google. Kapag isinaad mo ang iyong kasarian, tinutulungan mo kaming:
- I-personalize ang mga mensahe at iba pang text na tumutukoy sa iyo. Halimbawa, makakakita ang mga taong nakakakita sa iyong kasarian ng text gaya ng "Padalhan siya ng mensahe" o "Sa kanyang mga circle."
- Magbigay ng mas nauugnay at iniangkop na content na posibleng interesante para sa iyo, gaya ng mga ad.
Kung hindi mo isasaad ang iyong kasarian, tutukuyin ka namin gamit ang mga terminong naaangkop sa anumang kasarian, gaya ng "Padalhan siya ng mensahe."
Baguhin ang iba pang impormasyon
Palitan ang iyong password sa Google Account- Buksan ang iyong Google Account. Baka kailanganin mong mag-sign in.
- Sa seksyong "Seguridad," piliin ang Paano ka nagsa-sign in sa Google.
- Piliin ang Password. Mag-sign in ulit kung na-prompt.
- Sundin ang mga hakbang sa screen. Alamin kung paano gumawa ng malakas na password.
Kumuha ng higit pang impormasyon tungkol sa online na seguridad at kaligtasan.
Para piliin kung anong impormasyon ang makikita ng ibang tao tungkol sa iyo sa mga serbisyo ng Google, pumunta sa seksyong Tungkol sa akin ng Google Account mo.
Alamin kung anong impormasyon ang puwede mong baguhin at kung paano ito baguhin.
Kapag naglalakbay ka, puwede mong tingnan ang mga event sa time zone ng iyong kasalukuyang lokasyon.
Alamin kung paano baguhin ang iyong time zone sa Google Calendar.