Sa pamamagitan ng Google Account, maa-access mo ang maraming produkto ng Google. Gamit ang isang Google Account, magagawa mo ang mga bagay gaya ng:
- Magpadala at tumanggap ng email gamit ang Gmail
- Maghanap ng iyong bagong paboritong video sa YouTube
- Mag-download ng mga app mula sa Google Play
Hakbang 1: Pumili ng uri ng Google Account
Mahalaga: Kapag gumawa ka ng Google Account para sa iyong negosyo, puwede mong i-on ang pag-personalize ng negosyo. Kapag may account ng negosyo, mas dadali rin ang pag-set up ng Profile ng Negosyo sa Google, na nakakatulong sa pagpapahusay sa visibility ng iyong negosyo at pamamahala sa impormasyon mo online.
Kapag gumawa ka ng Google Account, hihingi kami ng ilang personal na impormasyon. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng tumpak na impormasyon, makakatulong kang mapanatiling secure ang iyong account at gawing mas kapaki-pakinabang ang aming mga serbisyo.
- Pumunta sa page sa pag-sign in sa Google Account.
- I-click ang Gumawa ng account.
- Mula sa drop down, piliin kung ang account na ito ay para sa iyong:
- Personal na paggamit
- Anak
- Negosyo
- Mula sa drop down, piliin kung ang account na ito ay para sa iyong:
- Ilagay ang iyong pangalan.
- Hihilingin sa iyong idagdag ang kaarawan at kasarian mo.
- Sa field na "Username," maglagay ng username.
- Ilagay at kumpirmahin ang iyong password.
- Tip: Kapag inilagay mo ang iyong password sa mobile, hindi case sensitive ang unang titik.
- I-click ang Susunod.
- Opsyonal: Magdagdag at mag-verify ng numero ng telepono para sa iyong account.
- I-click ang Susunod.
Paano kung nagamit na ang bagong username na gusto ko?
Hindi ka makakagawa ng Google Account kung ang username na hiniling ay:
- Ginagamit na.
- Halos kapareho ng isang kasalukuyang username.
- Tip: Kung may example@gmail.com na, hindi mo magagamit ang examp1e@gmail.com.
- Isang username na nagamit na dati at na-delete ng isang tao.
- Inirereserba ng Google para maiwasan ang spam o pang-aabuso.
Pareho lang ba ang Google Account at Gmail account?
Hiwalay ang iyong Gmail at Google Account. Ang Gmail account ay isa sa ilang serbisyo ng Google na magagamit mo kung saan makakapag-save ka ng data kung mayroon kang Google Account. Kasama sa iba pang serbisyong magagamit mo sa iyong Google Account ang:
- YouTube
- Google Drive
- Calendar
- Google Play
Puwede ba akong gumamit ng dati nang email address?
Hindi kailangang may Gmail address ka para makagawa ng Google Account. Puwede ka ring gumamit ng email address na hindi Gmail para gumawa ng account.
Para gumamit ng dati nang email address sa halip na bagong Gmail address:
- Pumunta sa page sa Pag-sign In sa Google Account.
- I-click ang Gumawa ng account.
- Sa drop down, piliin ang Para sa personal na paggamit ko.
- Ilagay ang iyong basic na impormasyon.
- I-click ang Gamitin ang iyong email address.
- Ilagay ang kasalukuyan mong email address.
- I-click ang Susunod.
- I-verify ang iyong email address gamit ang code na ipinadala sa dati mo nang email.
- I-click ang I-verify.
Hakbang 2: Protektahan ang iyong account gamit ang impormasyon sa pag-recover
Kung makakalimutan mo ang iyong password o may isang taong gumagamit ng iyong account nang walang pahintulot mo, mas malaki ang posibilidad na mababawi mo ang iyong account sa pamamagitan ng na-update na impormasyon sa pag-recover.
Ayusin ang mga isyu
Paano kung mayroon na akong Google Account?Kung nakapag-sign in ka na sa anumang produkto ng Google dati, tulad ng Gmail, Maps, o YouTube, mayroon ka nang Google Account. Puwede mong gamitin ang parehong username at password na ginawa mo para mag-sign in sa anupamang produkto ng Google.
Kung hindi mo matandaang nag-sign in ka at gusto mong tingnan kung mayroon kang account, ilagay ang iyong email address. Makakakita ka ng mensahe kung walang Google Account na nauugnay sa iyong email address.
Bilang default, ipapadala ang mga notification na nauugnay sa account sa iyong bagong Gmail address, o sa hindi Google na email mo kung nag-sign up ka gamit ang ibang email address.
Para baguhin kung saan ka nakakatanggap ng mga notification, i-edit ang iyong email sa pakikipag-ugnayan.
Tip: Puwede ka ring gumawa ng Google Account gamit ang isang hindi Google na email na pagmamay-ari mo na.
Hindi mo puwedeng piliin ang email address na ito para sa bagong account. Kung sa iyo ang email address na ito, posibleng:
- Nakapag-sign up ka na para sa isang Google Account. Alamin kung paano i-recover ang iyong Google Account.
- Nakipag-collaborate ka sa isang user ng Google Workspace na may session ng bisitang naka-link sa email address na ito. Alamin kung paano i-delete ang iyong session ng bisita.