Magdagdag o mag-alis ng mga pinagkakatiwalaang computer

Kung hindi mo gustong maglagay ng code sa 2-Step na Pag-verify o gumamit ng Security Key sa tuwing magsa-sign in ka sa iyong Google Account, maaari mong markahan ang iyong computer o mobile device bilang pinagkakatiwalaan. Sa mga pinagkakatiwalaang computer at device, hindi mo kailangang maglagay ng code sa pag-verify sa tuwing magsa-sign in ka.

Magdagdag ng mga pinagkakatiwalaang computer at device

  1. Mag-sign in sa isang computer o device na pinagkakatiwalaan mo.
  2. Kapag naglagay ka ng code sa pag-verify, piliin ang Huwag nang hinging muli sa computer na ito.

Hinihiling sa iyong magsagawa ng 2-Step na Pag-verify sa isang pinagkakatiwalaang device

Maaaring hilingin sa iyong ibigay ang username, password, at code mo nang mahigit sa isang beses kahit nilagyan mo ng check ang kahon sa tabi ng "Huwag nang hinging muli sa computer na ito" sa pag-sign in. Kadalasan, nangyayari ito kapag hindi naka-enable ang cookies sa iyong browser, gaya ng Chrome o Firefox, o kapag nakatakda itong i-delete ang cookies pagkalipas ng isang partikular na yugto ng panahon.

Kung ayaw mong maglagay ng code sa 2-Step na Pag-verify o gamitin ang iyong Security Key sa tuwing magsa-sign in ka, subukan ang mga hakbang na ito:

  1. I-edit ang mga setting ng cookie ng iyong browser. Maaari mong i-set ang iyong browser upang i-save ang cookies o maaari kang magdagdag ng pagbubukod para sa cookies ng Google Account sa pamamagitan ng pagdaragdag ng [*.]google.com. Piliin sa ibaba ang browser na ginagamit mo para sa higit pang impormasyon kung paano i-edit ang iyong mga setting.
  2. I-off ang incognito mode. Hindi magagamit ng mga incognito window ang cookies mula sa ibang session ng browser sa iyong computer. Para mag-sign in, magbukas ng hindi incognito window.
  3. Lagyan ng check ang "Huwag nang hinging muli sa computer na ito" para sa bawat browser o computer na ginagamit mo. Kung gumagamit ka ng iba't ibang browser o computer para mag-sign in, tiyaking lalagyan mo ng check ang kahong ito sa bawat computer, at na isasaayos mo ang iyong mga setting ng cookie sa bawat browser.

Mag-alis ng mga computer at device sa iyong listahan ng mga pinagkakatiwalaan

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng device mo at i-tap ang Google at pagkatapos ay Pamahalaan ang iyong Google Account.
  2. Sa itaas, i-tap ang Seguridad.
  3. Sa ilalim ng "Paano ka nagsa-sign in sa Google" i-tap ang 2-Step na Pag-verify. Maaaring kailanganin mong mag-sign in.
  4. Sa ilalim ng "Mga device na pinagkakatiwalaan mo," i-tap ang Bawiin lahat.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
8347910398414246836
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
70975
false
false