Sa ilang sitwasyon, puwede kang gumamit ng ibang email address (username) para tukuyin ang iyong Google Account.
Ano ang email address na ito
- Kapag naka-sign in ka, lalabas ang email address mo sa tabi ng iyong pangalan at larawan sa profile. Para mahanap ang iyong email address, piliin ang iyong Larawan sa profile o initial.
- Makakapag-sign ka gamit ito.
- Dito ka makakakuha ng mahalagang impormasyon tungkol sa karamihan ng mga serbisyo ng Google na ginagamit mo, maliban na lang kung nagdagdag ka ng email sa pakikipag-ugnayan.
Alamin kung paano gumamit ng iba't ibang email address sa iyong account.
Hakbang 1: Tingnan kung mapapalitan mo ito
- Sa iyong computer, pumunta sa Google Account mo.
- Sa kaliwang panel ng navigation, i-click ang Personal na impormasyon.
- Sa ilalim ng "Impormasyon sa pakikipag-ugnayan," i-tap ang Email.
- Piliin ang Email ng Google Account. Kung hindi mo mabuksan ang setting na ito, maaaring hindi posibleng palitan ang iyong email o username.
- Kadalasan, kung nagtatapos ang email address ng iyong account sa @gmail.com, hindi mo ito mapapalitan.
- Kung gumagamit ka ng Google Account sa pamamagitan ng iyong trabaho, paaralan, o iba pang grupo, humingi ng tulong sa administrator mo.
Mahalaga: Kung ginagamit mo ang Mag-sign in gamit ang Google para sa mga hindi site ng Google o Remote na Desktop ng Chrome para kumonekta nang malayuan, tingnan ang impormasyong ito bago mo palitan ang iyong email address.
Hakbang 2: Palitan ito
- Sa tabi ng iyong email address, piliin ang I-edit
.
- Ilagay ang bagong email address para sa iyong account. Pumili ng email address na hindi pa ginagamit ng ibang Google Account.
- Kung nagkakaproblema ka, pumunta sa seksyong Humingi ng tulong sa pagpapalit ng iyong email address.
- Sundin ang mga hakbang sa screen.
Magpapadala kami sa iyong bagong email address ng email na may link ng pagpapatunay. Kakailanganin mong buksan ang email at i-click ang link. Kung hindi mo matatanggap ang email, subukang ayusin ang problema.
Humingi ng tulong sa pagpapalit ng iyong email address- Para lumipat mula sa isang Gmail address patungo sa isang hindi Gmail address, kailangan mong i-delete ang iyong Gmail address. Matuto pa tungkol sa pag-delete ng iyong Gmail address.
- Para lumipat mula sa isang hindi Gmail address patungo sa isang Gmail address, idagdag ang Gmail sa iyong account. Alamin kung paano magdagdag ng Gmail sa iyong account.
- Kung ang email address na gusto mo ay isa nang alternatibong email, alisin muna ito roon.
- Kung gusto mong mag-sign in gamit ang isa pang email address, idagdag ito bilang alternatibong email.
- Alamin kung paano tingnan ang mga email mula sa iba pang account sa Gmail.
- Gumawa ng Google Account gamit ang ibang Gmail address.
Ang ilang dahilan kung bakit mo posibleng papalitan ang iyong pangunahing email address ay ang mga sumusunod:
- Gumamit ka na dati ng hindi Gmail email address at nagsa-sign up ka para sa isang Gmail account.
- Mayroon kang Gmail account pero gagawa ka ng bagong Gmail account para maging iyong pangunahing account.
Mag-sign in gamit ang Google
Remote na Desktop ng Chrome
- Sa malayuang host machine, pumunta sa Remote na Desktop ng Chrome.
- Para i-disable ang anumang koneksyon, sa ilalim ng “Ang device na ito,” i-click o i-tap ang
.
- Pagkatapos mong i-disable ang lahat ng koneksyon, sa ilalim ng “Ang device na ito,” i-click o i-tap ang I-on.
- Sundin ang mga hakbang para kumonekta ulit sa iyong bagong email address.