Sa 2-Step na Pag-verify, o two-factor authentication, puwede kang magdagdag ng isa pang layer ng seguridad sa iyong account sakaling manakaw ang password mo.
Pagkatapos mong mag-set up ng 2-Step na Pag-verify, puwede kang mag-sign in sa iyong account gamit ang:
- Iyong password at ikalawang hakbang
- Iyong passkey
Mga Tip:
- Bilang default, kapag gumawa ka ng passkey, mag-o-opt in ka sa experience ng pag-sign in na passkey muna at walang password.
- Kung gusto mong palaging gamitin muna ang iyong password, puwede mong baguhin ang default na preference na ito sa mga setting ng iyong account.
Pahintulutan ang 2-Step na Pag-verify
- Buksan ang iyong Google Account.
- Sa panel ng navigation, piliin ang Seguridad.
- Sa ilalim ng “Paano ka nagsa-sign in sa Google,” piliin ang I-on ang 2-Step na Pag-verify.
- Sundin ang mga hakbang sa screen.
Tip: Kung gumagamit ka ng account sa pamamagitan ng iyong trabaho, paaralan, o iba pang grupo, posibleng hindi gumana ang mga hakbang na ito. Kung hindi mo ma-set up ang 2-Step na Pag-verify, makipag-ugnayan sa iyong administrator para sa tulong.
I-verify na ikaw ito gamit ang ikalawang hakbang
Mahalaga:
- Kapag nag-sign in ka gamit ang passkey, bina-bypass nito ang ikalawa mong hakbang sa pag-authenticate, dahil vine-verify nito na nasa iyo ang device mo. Di gaya ng mga password, sa mga device mo lang mananatili ang mga passkey. Hindi maisusulat o maibibigay sa bad actor nang hindi sinasadya ang mga ito.
Pagkatapos mong i-on ang 2-Step na Pag-verify, kailangan mong magkumpleto ng ikalwang hakbang para i-verify na ikaw ito kung pipiliin mong mag-sign in gamit ang password. Para matulungang protektahan ang iyong account, hihingin sa iyo ng Google na magkumpleto ng partikular na ikalawang hakbang.
Gumamit ng mga prompt ng Google
Kung pipiliin mong hindi mag-sign in gamit ang passkey, inirerekomenda naming gamitin mo ang mga prompt ng Google bilang ikalawang hakbang mo. Mas madaling mag-tap ng prompt kumpara sa paglalagay ng code sa pag-verify. Makakatulong din ang mga prompt sa pagprotekta laban sa pagpapalit ng SIM at iba pang pag-hack na batay sa numero ng telepono.
Makakatanggap ka ng mga prompt ng Google bilang mga push notification sa:
- Mga Android phone na naka-sign in sa iyong Google Account.
- Mga iPhone na may Gmail app , Google Photos app , YouTube app , o Google app na naka-sign in sa iyong Google Account.
Batay sa device at impormasyon ng lokasyon sa notification, magagawa mong:
- Payagan ang pag-sign in kung ikaw ang nag-request nito sa pamamagitan ng pag-tap sa Oo
- I-block ang pag-sign in kung hindi ikaw ang nag-request nito sa pamamagitan ng pag-tap sa Hindi.
Para sa karagdagang seguridad, puwedeng hingin sa iyo ng Google ang PIN mo o iba pang kumpirmasyon.
Gumamit ng iba pang paraan ng pag-verify
Puwede kang mag-set up ng iba pang paraan ng pag-verify kung:
- Gusto mo ng higit pang proteksyon laban sa phishing
- Hindi ka nakakatanggap ng mga prompt ng Google
- Mawala mo ang iyong telepono
Simple at secure na alternatibo sa mga password ang mga passkey. Gamit ang passkey, puwede kang mag-sign in sa Google Account mo gamit ang iyong fingerprint, scan ng mukha, o lock ng screen ng device, gaya ng PIN. Puwede kang gumawa ng passkey sa telepono, computer, o hardware na security key. Alamin kung paano gumawa ng passkey.
Ang hardware na security key ay maliit na device na puwede mong bilhin para makatulong na i-verify na ikaw ito kapag nagsa-sign in. Kapag kailangan naming makatiyak na ikaw iyan, puwede mong ikonekta lang ang key sa iyong telepono, tablet, o computer. Alamin kung paano mag-order ng mga hardware na security key.
Tip: Kapag sinubukan ng isang hacker na kunin ang iyong password o iba pang personal na impormasyon, pinoprotektahan ng mga passkey at hardware na security key ang Google Account mo laban sa mga phishing attack. Matuto pa tungkol sa mga phishing attack.
Kung wala kang koneksyon sa internet o serbisyo sa mobile, puwede mong i-set up ang Google Authenticator o ibang app na gumagawa ng mga one-time na code sa pag-verify.
Para makatulong na i-verify na ikaw ito, ilagay ang code sa pag-verify sa screen sa pag-sign in.