Mag-set up ng isang numero ng telepono o email address sa pag-recover

Para matiyak na muli kang makakapasok sa iyong Google Account kung sakaling hindi ka makapag-sign in, magdagdag ng impormasyon sa pag-recover.

Magdagdag ng mga opsyon sa pag-recover

Mahalaga: Kung gumagamit ka ng account sa pamamagitan ng iyong trabaho, paaralan, o iba pang grupo, posibleng hindi gumana ang mga hakbang na ito. Makipag-ugnayan sa iyong administrator para sa tulong.

Paano nakakatulong sa iyo ang impormasyon sa pag-recover

Makakatulong sa iyo ang numero ng telepono o email address sa pag-recover na i-reset ang password mo kung:

  • Makalimutan mo ang iyong password
  • May ibang gumagamit ng iyong account
  • Na-lock out ka sa iyong account sa iba pang dahilan

Tip: Kung babaguhin mo ang iyong numero ng telepono o email sa pag-recover, posible pa ring mag-alok ang Google na magpadala ng mga code sa pag-verify sa dati mong numero ng telepono o email address sa pag-recover sa loob ng 7 araw. Kung may ibang taong magsisimulang gumamit ng iyong account nang walang pahintulot mo, nagbibigay-daan ito sa iyong mabilis na i-secure ang iyong mga setting.

Magdagdag o magpalit ng numero ng telepono sa pag-recover

Magdagdag ng numero ng telepono sa pag-recover
  1. Pumunta sa iyong Google Account.
  2. Sa kaliwang panel ng navigation, i-click ang Personal na impormasyon.
  3. Sa ilalim ng "Impormasyon sa pakikipag-ugnayan," i-click ang Telepono at pagkatapos I-set up.
  4. Para magdagdag ng numero ng telepono sa pag-recover, sundin ang mga hakbang sa screen.
Magpalit ng numero ng telepono sa pag-recover
  1. Pumunta sa iyong Google Account.
  2. Sa kaliwang panel ng navigation, i-click ang Personal na impormasyon.
  3. Sa ilalim ng "Impormasyon sa pakikipag-ugnayan," i-click ang Telepono at pagkatapos Numero ng telepono.
    • Palitan ang iyong numero ng telepono sa pag-recover: Sa tabi ng numero mo, i-click ang I-edit I-edit.
    • I-delete ang iyong numero ng telepono sa pag-recover: Sa tabi ng numero mo, i-click ang I-delete I-delete .
  4. Sundin ang mga hakbang sa screen.

Tip:Kung ide-delete mo ang iyong numero ng telepono sa pag-recover, puwede pa rin itong gamitin para sa iba pang serbisyo ng Google. Para pamahalaan ang mga numero ng telepono mo, pumunta sa iyong account.

Aling numero ang dapat gamitin

Gumamit ng mobile phone na:

  • Nakakatanggap ng mga text message
  • Ikaw lang ang nagmamay-ari
  • Regular mong ginagamit at dinadala

Magdagdag o magpalit ng email address sa pag-recover

Magdagdag ng email address sa pag-recover
  1. Pumunta sa iyong Google Account.
  2. Sa kaliwang panel ng navigation, i-click ang Personal na impormasyon.
  3. Sa ilalim ng "Impormasyon sa pakikipag-ugnayan," i-click ang Email.
  4. Sa ilalim ng "Email sa pag-recover," i-click ang Magdagdag ng email sa pag-recover. Baka kailanganin mong mag-sign in.
  5. Sundin ang mga hakbang sa screen.
Magpalit ng email address sa pag-recover
  1. Pumunta sa iyong Google Account.
  2. Sa kaliwang panel ng navigation, i-click ang Personal na impormasyon.
  3. Sa ilalim ng "Impormasyon sa pakikipag-ugnayan," i-click ang Email.
  4. Sa ilalim ng "Email sa pag-recover," i-click ang iyong kasalukuyang address sa pag-recover. Baka kailanganin mong mag-sign in.
  5. Ilagay ang bagong email sa pag-recover. Pagkatapos, i-click ang I-verify.
  6. Sundin ang mga hakbang sa screen.

Aling email ang dapat gamitin

Pumili ng email address na:

  • Regular mong ginagamit
  • Iba sa ginagamit mo para mag-sign in sa iyong Google Account

Paano ginagamit ang impormasyon sa pag-recover

Sa pamamagitan ng impormasyon sa pag-recover, muli kang makakapasok sa iyong account at mapapanatili mo itong secure.

Numero ng telepono sa pag-recover

Narito ang ilang paraan kung paano maaaring gamitin ang iyong numero ng telepono sa pag-recover:

  • Para magpadala sa iyo ng code para makapasok kang muli sa account mo kung ma-lock out ka man
  • Para mapigilan ang isang tao na gamitin ang iyong account nang hindi mo pinapahintulutan
  • Para mas madali mong mapatunayan na pag-aari mo ang isang account
  • Para sabihin sa iyo kung may kahina-hinalang aktibidad sa iyong account

Kung pareho ang iyong numero ng telepono sa pag-recover sa isa pang numero ng teleponong idinagdag mo sa account mo, posible itong magamit sa iba pang layunin. Matuto pa tungkol sa kung paano ginagamit ang mga numero ng telepono.

Email address sa pag-recover

Narito ang ilang paraan kung paano maaaring gamitin ang iyong email address sa pag-recover:

  • Para kumpirmahin ang iyong username pagkatapos mong gumawa ng email address
  • Para tulungan kang makapasok sa iyong account kung makalimutan mo ang iyong password o hindi ka makapag-sign in sa iba pang dahilan
  • Para ipaalam sa iyong malapit ka nang maubusan ng espasyo ng storage
  • Para sabihin sa iyo kung may kahina-hinalang aktibidad sa iyong account

Ayusin ang mga problema

Hindi makapag-sign in

Pumunta sa page ng pag-recover ng account, at sagutin ang mga tanong sa abot ng iyong makakaya. Makakatulong ang mga tip na ito.

Gamitin ang page ng pag-recover sa account kung:

  • Nakalimutan mo ang iyong password.
  • May nagpalit ng password mo.
  • May nag-delete ng iyong account.
  • Hindi ka makapag-sign in sa iba pang dahilan.

Tip: Para matiyak na sinusubukan mong mag-sign in sa tamang account, subukang i-recover ang iyong username.

Hindi mapalitan ang impormasyon sa pag-recover

Kung may iba sa paraan ng pag-sign in mo, posibleng wala kang opsyong baguhin ang iyong impormasyon sa pag-recover. Puwede mong subukan ulit:

  • Mula sa isang device na karaniwan mong ginagamit sa pag-sign in.
  • Mula sa isang lokasyon kung saan ka karaniwang nagsa-sign in.
  • Sa susunod na linggo mula sa device na kasalukuyan mong ginagamit.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
1717643166156447887
true