Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu

Mag-set up ng isang numero ng telepono sa pag-recover o email address

Maaaring nakakainis kapag nawalan ka ng access sa iyong mga email, dokumento at larawan. Upang tiyaking maaari kang bumalik sa iyong account nang mabilis, madali at ligtas sa hinaharap, magdagdag ng mga opsyon sa pag-recover ng password.

Hindi mo kailangang magbigay ng isang recovery email address o numero ng telepono, ngunit ginagawang mas madali ng pagkakaroon ng isa para mabawi mo muli ang access sa iyong account kung nakalimutan mo ang iyong password o na-lock out.

Kung nawalan ka ng access sa iyong account, maaari mong subukang magkaroon muli ng access sa pamamagitan ng aming form para sa pag-recover sa account.

Dagdagan o palitan ang numero ng telepono sa pag-recover

  1. Mag-sign in sa My Account.
  2. Sa seksyon na "Personal na impormasyon at privacy," piliin ang Iyong personal na impormasyon.
  3. Piliin ang Telepono.
  4. Mula rito, maaari kang:
    • Magdagdag ng telepono para sa pag-recover: Sa ilaim ng "Telepono sa pag-recover," piliin ang Magdagdag ng telepono sa pag-recover.
    • Magpalit ng iyong telepono sa pag-recover: Katabi ng iyong numero ng telepono, piliin ang I-edit I-edit. Sa lalabas na kahon, piliin ang I-update ang numero.
  5. Ilagay ang iyong numero ng telepono at sundan ang mga tagubilin sa screen.

Tandaan: Dapat kang gumamit ng cellphone na naka-on ang text messaging.

Mga paraan kung paano namin gagamitin ang iyong cellphone numer

Gagamitin lang namin ang iyong numero sa pag-recover upang matiyak ang seguridad ng iyong account. Ito ang ilang paraan kung paano namin ito gagamitin:

  • Upang hamunin ang mga tao kung susubukan nilang pasukin ang iyong account nang hindi mo pinapahintulutan
  • Upang padalhan ka ng verification code upang makapasok ka sa iyong account kung mawalan ka man ng access
  • Upang mabigyan ka ng alternatibong paraan upang i-verify na pagmamay-ari mo ang isang account
  • Upang alertuhin ka hinggil sa mga posibleng banta sa seguridad ng iyong account (halimbawa, kapag binago ang iyong password)
Mga paraan kung paano namin hindi gagamitin ang iyong numero ng mobile phone

Maliban kung gagawa ka ng partikular na kahilingan, o ibibigay mo sa amin ang iyong numero ng mobile phone sa ibang paraan, hindi namin ito gagamitin para sa iba pang bagay bukod sa pagprotekta sa iyong account. Maliban kung papayagan mo kami, hinding-hindi namin gagawin ang:

  • Ibenta ang iyong numero ng telepono sa iba pang mga kumpanya o organisasyon
  • Tawagan ka upang bentahan
  • I-publish online ang iyong numero ng telepono
Bakit mas secure ang mga mobile phone

Ang iyong cellphone ang mas secure na paraan ng pagkilala sa halip na ang iyong email address sa pag-recover o isang panseguridad na tanong dahil, kung ikukumpara sa dalawang ito, aktwal na hawak mo ang iyong cellphone.

Dagdagan o palitan ang email sa pag-recover

  1. Mag-sign in sa My Account.
  2. Sa seksyon na "Personal na impormasyon at privacy," piliin ang Iyong personal na impormasyon.
  3. Piliin ang Email.
  4. Mula rito, maaari kang:
    • Magdagdag ng email sa pag-recover: Katabi ng "Email sa pag-recover," piliin ang Magdagdag ng email sa pag-recover.
    • Magpalit ng iyong email sa pag-recover: Katabi ng "Email sa pag-recover," piliin ang iyong email address.
  5. Ilagay ang iyong email address para sa pag-recover.
  6. Piliin ang Tapos na.
Aling email ang gagamitin

Ang iyong address sa pag-recover ay dapat isang email address na regular mong ginagamit.

Kung gumagamit ka ng Gmail, maaaring nagdagdag ka ng email address sa pag-recover sa iyong account noong unang beses kang nag-sign up.

Kung hindi ka gumagamit ng Gmail, ang iyong address para sa pag-recover ng password ay ang email address na ginamit mo sa pag-sign up para sa iyong account (halimbawa: myusername@yahoo.com).

Mga paraan kung paano namin gagamitin ang iyong email
Gagamitin namin ang iyong email address sa pag-recover upang makipag-ugnayan sa iyo sa mga sitwasyong ito:
  • Kailangan naming kumpirmahin ang iyong username pagkatapos mong gumawa ng address
  • Hindi ka makapag-sign in sa Google
  • Nakalimutan mo ang iyong password
  • Malapit ka nang maubusan ng espasyo sa storage
  • Kailangan ka naming alertuhan sa anumang hindi pangkaraniwang aktibidad na nauugnay sa iyong address