Hindi, hindi sinusubukang mag-sign in sa Gmail

Kung nagkakaproblema ka sa pag-access sa iyong hindi tugmang account, tiyaking inilalagay mo ang password na nauugnay sa iyong hindi tugmang account, at hindi sa iyong Google Account sa trabaho, paaralan, o iba pang grupo.

Kung hindi mo maalala ang iyong password, pumunta sa unang hakbang sa proseso ng pag-recover ng account. Sa page na ito, ang ilalagay mo sa field ng email ay nakadepende kung pumili ka na ng bagong email address na gagamitin sa iyong hindi tugmang account, o hindi pa:

  • Kung hindi ka pa nakakapili ng bagong email address kung saan iuugnay ang iyong hindi tugmang account, puwede mong ilagay ang pansamantalang pangalan ng account. Naka-format ang pansamantalang pangalan ng account bilang username%my-domain.com@gtempaccount.com, kung saan pinapalitan ng "%" ang orihinal na simbolong "@" sa iyong email address, at may nakalagay na "@gtempaccount.com" sa dulo. Sa susunod na screen, piliin ang I-email sa ******@g***********.com. Pagkatapos ay may link na ipapadala sa email address ng iyong Google Account sa trabaho, paaralan, o iba pang grupo, na magbibigay-daan sa iyong i-reset ang password ng hindi tugmang account mo.
  • Kung nakapili ka na ng bagong email address na gagamitin sa iyong hindi tugmang account, ilagay ang bagong email address na ginamit mo noong nag-reset ka ng iyong hindi tugmang account. Ipapadala sa iyong bagong email address ang isang link para i-reset ang password.

Kung nagkakaproblema ka pa rin sa pag-sign in, posibleng dahil ito sa mga sumusunod:

  • Maling URL: Posibleng sinusubukan mong mag-sign in sa iyong hindi tugmang account gamit ang naka-personalize na URL na partikular sa Google Workspace (hal. https://mail.google.com/a/domain.com). Para ma-access ang iyong account, mag-sign in sa homepage ng Mga Account at pagkatapos ay piliin ang produktong gusto mong gamitin.
  • Hindi kumpleto o maling email: Kapag nagsa-sign in, tiyaking inilalagay mo ang iyong kumpletong email address, gaya ng username@example.com.
  • Nagsa-sign in sa dalawang account sa iisang browser: Kung nakapag-sign in ka na sa iyong account sa trabaho o paaralan sa browser mo, hindi ka na makakapag-sign in sa isa pang Google Account sa parehong browser nang walang ginagawang ibang hakbang. Para sa mga partikular na produkto, puwede mong i-enable ang setting ng maraming pag-sign in para makapag-sign in sa mga karagdagang account.
true
Welcome sa Google Account!

Nalaman naming mayroon kang bagong Google Account! Alamin kung paano pahusayin ang iyong experience gamit ang checklist ng Google Account mo.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12038113806237270767
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
70975
false
false