Idinisenyo ang artikulong ito para bigyan ka ng mahalagang impormasyon tungkol sa iyong pinamamahalaang account: . Nakalagay rito ang impormasyong ibinigay sa iyo noong na-set up ang account mo (tinatawag na “Abiso para sa Pinapamahalaang End-User”).
Pinapamahalaan ng iyong administrator ang account na ito at ang anumang data sa Google kaugnay ng account na ito (gaya ng higit pang idedetalye sa artikulong ito). Ibig sabihin, maa-access at mapoproseso ng iyong administrator ang data mo, kabilang ang nilalaman ng iyong mga komunikasyon, kung paano ka nakikipag-ugnayan sa mga serbisyo ng Google, o mga setting ng privacy sa account mo. Magagawa rin ng iyong administrator na i-delete ang account mo o pigilan ka sa pag-access ng anumang data na nauugnay sa account na ito.
Ang iyong administrator din ang nagpapasya sa kung aling Google Workspace at iba pang serbisyo ng Google ang puwede mong i-access gamit ang account na ito, at puwede rin siyang mag-off ng mga partikular na serbisyo.
Kung bibigyan ka ng organisasyon mo ng access sa mga serbisyong pinapamahalaan ng administrator, gaya ng Google Workspace, nasasaklawan ng kasunduan sa enterprise ng iyong organisasyon ang paggamit mo sa mga serbisyong iyon. Makipag-ugnayan sa iyong administrator para sa kopya ng kasunduang ito.
Bukod pa sa mga tuntuning ito, nagpa-publish din ang Google ng Notification ng Privacy ng Google Cloud na nangangasiwa sa paggamit ng Google sa personal na impormasyong kinokolekta o binubuo nito sa panahon ng pagbibigay at pamamahala ng Mga Serbisyo sa Cloud, kasama na ang Google Workspace.
Pakitandaang hindi nalalapat ang Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google at Patakaran sa Privacy ng Google sa paggamit mo sa Google Workspace habang naka-log in sa account na ito.
Kung bibigyang-daan ka ng iyong administrator na gumamit ng iba pang serbisyo ng Google maliban sa Google Workspace habang naka-log in sa account na , masasaklawan ang paggamit mo sa mga serbisyong iyon ng mga tuntunin ng mga ito, gaya ng Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google, Patakaran sa Privacy ng Google, at iba pang tuntunin ng Google na partikular sa serbisyo. Kung hindi ka sumasang-ayon sa mga tuntuning ito, o kung ayaw mong pangasiwaan ng Google ang iyong data sa ganitong paraan, huwag gamitin ang iba pang serbisyo ng Google na iyon gamit ang account na ito. Puwede mo ring i-customize ang iyong mga setting ng privacy sa myaccount.google.com.
Nasasaklawan din ng mga internal na patakaran ng iyong organisasyon ang paggamit mo sa mga serbisyo ng Google sa account na ito. Makipag-ugnayan sa iyong administrator para makakuha ng kopya ng mga patakarang ito.
Kung ang iyong account ay kasalukuyang pinapamahalaan mo mismo o ng isang team, posibleng mapamahalaan ng isang administrator ng domain ang iyong account. Matuto pa.
Para sa tulong kung paano hanapin ang iyong administrator, pumunta sa Sino ang administrator ko.
Maa-access mo ang mga produkto ng Google na hindi kasama sa Google Workspace sa pamamagitan ng paggawa ng Google Account na hindi pinapamahalaan sa pamamagitan ng Google Workspace.