Gamitin ang Google bar

Magagamit mo ang Google bar upang makapunta sa mga Google app na pinakamadalas mong gamitin, makatanggap ng mga notification sa app at mapamahalaan ang iyong Google account. 

Mga paraan ng paggamit ng Google Bar

Magpalipat-lipat sa mga app

Upang makapagpalipat-lipat sa mga Google app:

  1. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang mga Google app Mga App.
  2. Piliin ang app na gusto mong gamitin.

Tandaan: Kung hindi mo makita ang gusto mo sa menu, piliin ang Higit pa.

Tingnan, i-dismiss at pamahalaan ang mga notification

Mula sa Google bar, maaari mong tingnan ang mga notification mula sa isang partikular na serbisyo ng Google, tulad ng Gmail o Drive, kahit na hindi mo ito binuksan.

Tingnan ang mga notification

  1. Mag-sign in sa iyong Google Account.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Mga Notification Mga Notification.

Makakakita ka ng listahan ng lahat ng iyong notification.

I-dismiss ang mga notification

Upang i-dismiss ang mga notification, sundin ang mga direksyon sa itaas at piliin ang I-clear lahat I-clear lahat.

Pamahalaan ang mga notification

  1. Mag-sign in sa iyong Google Account.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Mga Notification Mga Notification at pagkatapos ay Mga Setting Mga Setting.
  3. Sa tabi ng pangalan ng bawat app, i-click ang switch na i-on o i-off.
I-customize ang iyong menu

Maaari mong i-customize ang launcher upang ipakita sa itaas ang mga paborito mong app. Upang gawin ito, i-drag at i-drop ang mga ito sa loob ng menu.

Tandaan: Upang i-customize ang iyong menu, siguraduhing naka-sign in ka sa iyong Google Account. 

Magdagdag ng higit pang app

Kung gusto mong magdagdag ng hindi mo makita sa listahan:

  1. Mag-sign in sa iyong Google Account.
  2. Piliin ang mga Google app Mga App.
  3. Sa ibaba ng menu, piliin ang Higit pa.
  4. I-drag ang mga Google app na gusto mo sa itaas ng launcher.

Magdagdag ng mga app na wala sa menu na "Higit pa"

Makakapagdagdag ka rin ng mga ginagamit mong Google app na hindi lumalabas sa seksyong "Higit pa."

  1. Mag-sign in sa iyong Google Account.
  2. Buksan ang app na gusto mong idagdag.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang mga Google app Mga App.
  4. Sa ibaba ng pangalan ng app, piliin ang Magdagdag ng shortcut.

Kung hindi mo makita ang launcher ng mga Google app sa page, maaaring hindi mo maidagdag ang app na iyon sa App launcher sa ngayon.

Maghanap sa mga app

Para sa ilang serbisyo tulad ng Gmail, maglalagay ang Google bar ng box para sa paghahanap na magagamit mo upang maghanap sa loob ng serbisyong iyon. Halimbawa, sa Gmail magagamit mo ang box para sa paghahanap na ito upang maghanap ng partikular na email.

Mag-sign out, lumipat ng account o pamahalaan ang iyong Google Account

Upang mag-sign out sa iyong account, lumipat ng account o pamahalaan ang mga setting ng account mo, piliin ang iyong larawan sa kanang bahagi sa itaas ng screen. Kung makita mo ang iyong email address sa itaas sa halip na isang larawan, piliin iyon.

Mula doon, maaari kang:

  • Mag-sign out. Upang mag-sign out, piliin ang Mag-sign out.
  • Lumipat ng account. Upang lumipat ng account, piliin ang larawan o email address na naka-link sa iyong iba pang account.
  • Pamahalaan ang iyong Google Account. Upang pamahalaan ang mga setting ng iyong account, piliin ang My Account.

Tandaan: Kapag nag-sign out ka sa iyong account mula sa Google bar, masa-sign out ka para sa lahat ng Google app. Halimbawa, kung nag-sign out ka sa Gmail, masa-sign out ka rin sa Calendar at sa Maps.

Mga karaniwang problema

Nag-click ako sa App launcher at hindi makabalik sa Gmail

Kung hindi mo sinasadyang mag-click paalis sa iyong Gmail inbox at mapunta ka sa ibang page ng Google:

  1. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang mga Google app Mga App.
  2. Piliin ang Gmail .
Wala sa aking listahan ng mga notification ang mga ginagamit kong app

Makikita mo lang ang isang app sa iyong listahan kung nakatanggap ka na ng notification tungkol dito. Halimbawa, maaari kang makakuha ng mga notification mula sa YouTube sa pamamagitan ng email, ngunit kung hindi ka pa nakatanggap ng isang notification mula sa YouTube sa Google bar kailanman, hindi lalabas ang YouTube sa listahang ito.

Na-off ko ang mga notification ngunit nakakatanggap pa rin ako ng mga ito

Kapag na-disable mo ang mga notification sa Google bar, hindi ibig sabihin ay madi-disable din ang mga natatanggap mong notification mula sa Google app na iyon sa iyong telepono, tablet o email. Upang i-off ang mga notification na iyon, tingnan ang mga setting sa bawat app.

Hindi ako makapag-click sa isang app na karaniwan kong ginagamit sa App launcher

May ilang partikular na app na hindi sinusuportahan sa lahat ng lugar. Kung naglalakbay ka sa isang bansa kung saan hindi sinusuportahan ang isang app, ipapakita ito sa iyong App launcher, ngunit hindi mo ito maki-click. 

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
7317909219143148353
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
70975
false
false