Ang avatar ay natatanging digital na bersyon mo, na ginawa mula sa mga selfie at recording ng boses na ibibigay mo. Nagbibigay-daan ito sa iyong gumawa ng AI na content na kamukha at kaboses mo.
Mahalaga: Hindi pa available ang feature na avatar sa lahat ng rehiyon sa buong mundo.
Gawin at gamitin ang iyong avatar
Puwede mong i-record ang iyong selfie at boses para gawin ang avatar mo sa Google Flow, Mga Gemini App, o YouTube. Kapag nagawa mo na ang iyong avatar, puwede mo itong gamitin para gumawa ng mga AI video. Ikaw ang may kontrol sa kung saan gagawin at gagamitin ang iyong avatar.
Alamin kung paano gawin at gamitin ang iyong avatar sa:
Tip: Kapag nagawa mo na ang iyong avatar sa Gemini at Google Flow, puwede mong gamitin ang parehong avatar para sa mga AI video sa parehong app na iyon. Hiwalay na ginagawa at pinapamahalaan sa YouTube ang iyong avatar sa YouTube.
Mga tip sa pag-record ng iyong mukha at boses
Para matiyak na matatanggap ang iyong recording, sundin ang mga tip na ito:
- Posisyon ng telepono: Hawakan ang iyong telepono nang kapantay ng mata.
- Lighting: Gumamit ng lighting na hindi masyadong madilim o masyadong maliwanag.
- Visibility: Tiyaking nakikita ang iyong mga mata, ilong, at bibig: ayos lang na magsuot pa rin ng salamin sa mata, pero huwag magsuot ng shades, mga mask, o mga sumbrero
- Environment ng audio: Pumili ng tahimik na lugar para i-record ang iyong boses. Dapat ay walang ibang boses sa background.
- Background: Tingnan kung walang tao o larawan ng mga mukha sa iyong background
- May-ari ng account: Dapat kumpletuhin ng may-ari ng account ang prosesong ito. Huwag payagan ang mga menor de edad na i-record ang kanilang mga sarili.
- Mga direksyon sa selfie: Sundin ang mga prompt para magsagawa ng aksyon. Pagkatapos mong iikot ang iyong ulo sa isang direksyon, ibalik ang ulo mo sa gitna.
Pamahalaan ang iyong recording
Ang iyong recording ang ginagamit para gawin ang avatar mo. Kung gumawa ka ng recording, puwede mong i-delete ang iyong recording at i-preview ang avatar mo sa iyong Google Account. Maa-access mo ang mga detalyeng tulad ng:
- Mga detalye ng paggawa: Kailan at saan ginawa ang iyong avatar
- Paggamit: Sa aling mga serbisyo mo ginamit ang iyong avatar
- Preview ng avatar: Isang sample na larawan ng iyong avatar
I-delete o i-preview ang iyong recording
Ikaw ang may kontrol sa iyong mga recording. Puwede mong i-delete ang mga ito anumang oras sa mga setting ng iyong Google Account.
- Pumunta sa iyong Google Account.
- Sa itaas o sa kaliwa, piliin ang Data at privacy
Iba pang setting.
- Mag-scroll pababa at piliin ang Mga recording para sa iyong avatar.
- Piliin ang I-delete sa ilalim ng selfie at recording ng boses na gusto mong i-delete.
- Puwede mo ring i-preview ang iyong avatar sa pamamagitan ng pagpili sa I-preview ang larawan.
- Sundin ang mga prompt sa screen.
Pamahalaan ang iyong mga recording
Tip: Kung hindi mo gagamitin o ia-access ang iyong mga recording sa loob ng 3 taon, awtomatikong ide-delete ang mga ito.
Kapag na-delete mo ang iyong mga recording:
- Hindi ka makakagawa ng bagong content na binuo ng AI gamit ang avatar na iyon. Para gumawa ng bagong content, kakailanganin mong bumalik sa app o serbisyong gusto mong gamitin, at gumawa ng bagong avatar sa pamamagitan ng pag-record ulit ng iyong selfie at boses.
- Aalisin sa mga system ng Google ang iyong na-record na selfie at data ng boses para sa avatar na iyon.
- Hindi made-delete ang mga video o content na nagawa at na-publish mo na gamit ang avatar na iyon. Para mag-delete ng content na ginawa gamit ang iyong avatar, pumunta sa serbisyo o app, tulad ng Google Flow, Gemini, o YouTube.
Tip: Kung gagawa ka ng avatar sa YouTube, mapapamahalaan mo ang iyong avatar at mga recording sa YouTube sa mga setting ng YouTube mo, hindi sa mga setting ng Google Account mo. Kapag na-delete mo ang iyong mga recording dito, hindi made-delete ang mga recording mong naka-store sa iyong channel sa YouTube. Hindi made-delete sa iyong Google Account ang mga recording mo sa YouTube kapag na-delete mo ang mga ito. Alamin kung paano pamahalaan ang iyong recording sa YouTube.
Unawain ang privacy at ang iyong avatar
Idinisenyo ng Google ang feature na avatar para protektahan ang iyong privacy at bigyan ka ng kontrol sa mga recording mo.
Paano kinokolekta at ginagamit ang iyong data
Kapag gumawa ka ng avatar sa Google Flow at Gemini, ire-record at secure na iso-store sa iyong Google Account ang data ng mukha at boses mo.
Kapag ginamit mo ang feature na ito, gagamitin ang mga recording ng iyong mukha at boses (“mga recording mo”), at ang data na nakuha at nabuo mula sa iyong mga recording, para sa mga sumusunod na layunin:
- Pagbuo ng Content: Nagbibigay-daan sa iyo na bumuo ng bagong content gamit ang iyong avatar sa ilang partikular na serbisyo ng Google gaya ng Google Flow at Gemini.
- Kaligtasan at Seguridad: Para protektahan ang Google, ang aming mga user, at ang publiko, nang may kasamang tulong mula sa mga taong tagasuri. Halimbawa, puwede naming gamitin ang data para i-verify na totoong tao ka na nagbibigay ng pahintulot sa Google na gumawa ng avatar mo. Puwede rin naming gamitin ang data na ito para sa higit pang kaligtasan at seguridad sa aming mga serbisyo, pati sa kaligtasan ng AI.
Hindi ginagamit ang iyong mga recording para tukuyin ang pagkakakilanlan mo o ng ibang tao. Hindi ibebenta ng Google ang iyong mga recording sa anumang third party. Hindi sine-share ng Google ang iyong data sa mga third party maliban sa pinapahintulutan ng Patakaran sa Privacy ng Google o, para sa mga customer ng Cloud, ng Addendum sa Pagpoproseso ng Data sa Cloud (Cloud Data Processing Addendum o CDPA). Tandaang ang ilang partikular na data ng mukha at boses, at ang data na makukuha at mabubuo sa data na iyon, ay puwedeng ituring na biometric data sa ilang partikular na hurisdiksyon.
Hindi namin ginagamit ang iyong mga recording para sanayin ang mga generative AI model na nagpapagana sa aming mga serbisyo, maliban na lang kung para tumugon sa pang-aabuso o pananakit.