Ang iyong legal na pangalan ay ang pangalan na ginamit mo sa unang pagbiling ginawa mo o pag-verify ng iyong pagkakakilanlan sa Google. Posibleng ito rin ang pangalang ginamit mo para mag-sign up para sa ilang partikular na pangnegosyong produkto o serbisyo.
Bakit kailangan ng Google ng legal na pangalan
Ginagamit ng Google ang iyong legal na pangalan para sumunod sa mga regulasyon, magpatupad ng aming mga patakaran sa transparency, at umiwas sa pagloloko.
Legal na pangalan at ipinapakitang pangalan
Ang iyong legal na pangalan ay hindi palaging kapareho ng ipinapakitang pangalan mo. Ang iyong ipinapakitang pangalan ay ang pangalang pinili mong gamitin noong ginawa mo ang iyong Google Account.
Lalabas ang iyong ipinapakitang pangalan at larawan sa profile sa karamihan ng serbisyo ng Google. Makikita ng kahit na sino ang ipinapakitang pangalan mo kapag nakipag-ugnayan sila sa iyo o tumingin sila ng content na ginawa mo sa mga serbisyo ng Google.
Tip: Kung inatasan ka na dati na i-verify ang pagkakakilanlan mo para gumamit ng produkto o serbisyo ng Google, posibleng lumabas ang iyong legal na pangalan bilang Na-verify.
Sino ang makakakita ng iyong legal na pangalan
Makikita lang ng iba ang iyong legal na pangalan sa mga lugar na ito:
- Sa Ads Transparency Center kung bumili ka ng Google Ads
- Sa Play Store kung developer ka ng isang naka-publish na app
I-edit ang iyong legal na pangalan
Mahalaga: Dapat ipakita ng iyong legal na pangalan ang pagkakakilanlan mo, tulad ng pangalang nasa iyong ID na bigay ng gobyerno.
- Pumunta sa myaccount.google.com.
- Kung hindi lang isang Google Account ang mayroon ka, siguraduhing sa tamang account ka naka-sign in.
- Sa kaliwang bahagi sa itaas, piliin ang Personal na impormasyon.
- Sa “Pangunahing impormasyon,” piliin ang Pangalan.
- Sa ibaba, piliin ang Legal na pangalan
Palitan ang legal na pangalan.
- Sundin ang mga tagubilin sa screen.