Puwede kang magbahagi ng kopya ng mga playlist sa YouTube Music na naka-save sa iyong Google Account sa iba pang serbisyo ng musika. Direktang ililipat ang mga playlist mo sa third-party na serbisyo.
Mahalaga: Hindi made-delete sa iyong Google Account ang mga playlist mo sa YouTube pagkatapos mong ibahagi ang mga ito. Alamin kung paano mag-edit o mag-delete ng playlist.
Mga sinusuportahang serbisyo ng musika
Puwedeng direktang ilipat ng Google Takeout ang mga playlist mo sa mga sinusuportahang serbisyo ng musika. Kasalukuyang kasama sa mga ito ang:
- Apple Music (kailangan ng subscripion)
Hakbang 1: Piliin ang mga playlist mo sa YouTube Music
Pumunta sa maglipat ng mga playlist sa YouTube Music na view ng Google Takeout o sundin ang mga hakbang na ito:
- Pumunta sa https://myaccount.google.com/dashboard.
- Sa ilalim ng “Mga kamakailang ginamit na serbisyo ng Google” o “Iba pang serbisyo ng Google,” mag-scroll papunta sa YouTube at i-tap ang Maglipat ng data.
- Piliin ang data na gusto mong kopyahin.
- I-tap ang Magpatuloy.
- Kakailanganin mong mag-sign in sa iyong Google Account at bigyan ng pahintulot ang Takeout.
Tip: Puwede kang maglipat ng mga playlist na ginawa mo. Pero hindi puwedeng ilipat ang mga playlist mula sa ibang user na na-save mo sa iyong library.
Hakbang 2: Kopyahin ang mga playlist mo
- Piliin ang sinusuportahang third-party na serbisyo kung saan mo gustong ibahagi ang iyong mga playlist sa YouTube Music mula sa dropdown at piliin ang Magpatuloy.
- Sundin ang mga hakbang para i-link ang iyong account at ilipat ang mga playlist mo. Kakailanganin mong mag-sign in sa iyong account gamit ang destinasyong serbisyo at bigyan ng pahintulot ang Google Takeout.
- Para simulan ang paglilipat, i-tap ang Sumang-ayon at magpatuloy.
Kapag nakopya na ang mga playlist mo:
- Makakakuha ka ng email na may link para mahanap ang mga playlist sa bagong serbisyo. Puwedeng mag-store ang ilang serbisyo ng mga playlist sa iba't ibang lokasyon.
- Mawawalan na ng access ang iyong Google Account sa serbisyo kung saan mo inilipat ang mga playlist mo, pero posible pa ring lumabas ito sa mga setting ng serbisyo.
- Puwede mong alisin ang iyong Google Account na lumalabas sa Apple account mo.
Mahalaga: Ito ay isang beses na pagbabahagi ng iyong mga playlist. Kung gagawa ka ng anumang pagbabago sa mga ito sa YouTube Music o sa third-party na serbisyo kung saan mo ibinahagi ang mga ito, hindi lalabas ang mga pagbabagong iyon sa kabilang serbisyo.
I-export ang iyong mga playlist sa ibang serbisyo ng musika
Para sa iba pang serbisyo ng musika na walang suporta sa mga direktang paglilipat ng mga playlist, baka may magamit kang third-party na serbisyo para ma-export ang mga playlist, album, artist, at track mo sa YouTube. Kasama sa ilang third-party na serbisyo ang:
Para ilipat ang iyong mga playlist sa pamamagitan ng third-party na serbisyo:
- Buksan ang isa sa mga sinusuportahang serbisyo gamit ang mga link sa itaas at sundin ang mga tagubilin sa screen para mag-sign in sa YouTube Music.
- Piliin ang serbisyo kung saan mo gustong i-export ang iyong musika.
- I-click ang Kumpirmahin para bigyan ng pahintulot ang serbisyo ng musika na i-access ang Google account na nauugnay sa iyong YouTube Music account.
- Sundin ang mga tagubilin sa screen para tapusin ang iyong pag-export.
Aabisuhan ka ng third party kapag tapos na ang pag-import sa kanilang serbisyo, o kung nagkaroon ng mga error habang naglilipat.
Mga uri ng account na walang suporta sa pagbabahagi ng kopya ng mga playlist
Hindi mo magagamit ang feature na ito sa ngayon kung ang iyong Google Account ay:
- Account sa trabaho, paaralan, o iba pang organisasyon.
- May naka-on na Advanced na Proteksyon.
Tip: Puwedeng magbahagi ng kopya ng mga playlist ang isang bata ayon sa naaangkop na edad sa kanyang bansa kung may pahintulot siya mula sa kanyang mga magulang.
Mga karaniwang tanong tungkol sa mga ibinahaging kopya ng mga playlist
Makokopya ba ang lahat ng kanta mula sa aking mga playlist?
Anong mga uri ng mga playlist ang puwedeng kopyahin?
Makokopya ang anumang playlist na ginawa mo. Hindi makokopya ang mga sumusunod na uri ng playlist:
- Mga naka-curate na playlist sa YouTube Music.
- Mga Playlist ng Nagustuhang Musika sa YouTube Music.
- Mga collaborative na playlist kung hindi ikaw ang may-ari.
Bukod pa rito, mga track ng musika na nasa catalog lang ang maililipat. Hindi sinusuportahan ang mga sumusunod na uri ng content:
- Content na na-upload ng user o pribado.
- Mga Podcast.
Gaano katagal ang proseso?
Puwede ko bang bawiin ang prosesong ito?
Paano kung kanselahin ko ang paglilipat bago ito matapos?
Para ganap na kanselahin ang proseso, bisitahin ang privacy portal ng Apple at siguraduhing nakansela rin doon ang request. Kung hindi, kung susubukan mong magsimula ng bagong paglilipat, puwede kang makakuha ng error.