Magbahagi ng kopya ng iyong data sa isang third party

Mahalaga: Mga kumpanya o developer na hindi bahagi ng Google ang mga third-party na serbisyo. Maglipat lang ng kopya ng iyong data sa mga third-party na serbisyong pinagkakatiwalaan mo. Alamin ang tungkol sa mga panganib.

Para palawakin ang kakayahan mong maglipat ng kopya ng iyong data, nag-aalok sa iyo ang Google ng opsyong pumayag sa third-party na serbisyo na maglipat ng kopya ng ilan sa data mo sa Google para magamit sa serbisyong iyon. Available ang opsyong ito sa mga user na nasa mga sinusuportahang bansa at rehiyon at dagdag ito sa mga puwede nang gawin ng lahat ng user gamit ang Google Takeout. Para sa mga user sa mga lugar kung saan hindi available ang feature na ito, magagamit mo pa rin ang Google Takeout para gumawa ng kopya ng content sa iyong Google Account para sa sarili mong paggamit o para manual na ilipat sa isang third-party na serbisyo.

Kapag available, ang proseso ng paglilipat ng iyong data ay palaging magsisimula sa website o app ng third party. Bagama't magagamit ng mga serbisyong hindi bahagi ng Google ang aming mga tool para gawing available ang opsyong ito, sila ang may pasya at responsibilidad na i-set up ito.

Tip: Kung pinapamahalaan ang account mo sa pamamagitan ng iyong trabaho, paaralan, o iba pang organisasyon, posibleng hindi ka makapaglipat ng kopya ng iyong data sa Google sa isang third-party na serbisyo maliban na lang kung na-on ng iyong administrator ang opsyong ito. Alamin pa kung magagamit mo ang feature na ito.

Mahalaga:

  • Mapipili mo kung gusto mong maglipat ng kopya ng iyong data sa isang third-party na serbisyo.
    • Kung magpapasya kang maglipat ng kopya ng iyong data, mapipili mo kung anong data ang makokopya.
  • Isa itong pang-isang beses na kahilingan sa paglipat ng kopya ng iyong data.
  • Pagkatapos mong maglipat ng kopya sa isang third-party na serbisyo, hindi made-delete sa iyong Google Account ang data mo.
  • Pagkatapos makatanggap ang third-party na serbisyo ng kopya ng iyong data, responsibilidad nilang pamahalaan at protektahan ang kopyang iyon.

Bago ka maglipat ng kopya ng iyong data

Sa Google, nagsisikap kami para protektahan ang iyong data at bigyan ka ng kontrol. Bago ka magpasyang maglipat ng kopya ng iyong data, mahalagang maunawaan ang proseso.

Tiyaking pinagkakatiwalaan mo ang third-party na serbisyo

Mahalaga: Hindi ibinebenta ng Google ang iyong personal na impormasyon sa sinuman, para sa anumang layunin. Maliban na lang kung papahintulutan mo, hindi namin ililipat ang iyong data.

Pagkatapos makakuha ang third-party na serbisyo ng kopya ng iyong data, responsibilidad nila, hindi ng Google, kung paano papamahalaan at poprotektahan ang kopyang iyon.

Dapat mo ring suriin nang mabuti ang data na ibabahagi mo dahil posibleng may personal o sensitibong impormasyon doon. Maglipat lang ng kopya ng iyong data kung sa tingin mo ay makatuwiran ito at kumportable kang ibahagi ito.

Inirerekomenda rin naming basahin mo ang patakaran sa privacy at mga paghahayag sa seguridad ng third-party na serbisyo. Matutulungan ka nitong alamin kung paano nila gagamitin ang iyong data at papanatilihin itong ligtas at pribado. Kabilang dito kung puwede silang magbasa, mag-edit, mag-delete, maglipat ng kopya, o magbenta ng iyong sensitibo at pribadong impormasyon.

Ikaw ang may kontrol

Mahalaga: Hindi makokopya o maililipat sa third-party na serbisyo ang ilang partikular na data at impormasyon na nauugnay sa seguridad ng iyong account, tulad ng mga password.

Ikaw ang magpapasya kung gusto mong maglipat ng kopya ng iyong data mula sa Google Account mo sa isang serbisyo sa labas ng Google. Ikaw rin ang magpapasya kung anong data ang kokopyahin.

Halimbawa, kung magpapasya kang maglipat ng kopya ng iyong data sa YouTube, puwede mong piliing hindi kopyahin ang mga pribadong video mo. Sa bawat kahilingang maglipat ng kopya ng iyong data sa isang third-party na serbisyo, ipapakita sa iyo ang mga opsyon para sa data na mapipili mong kopyahin o hindi kopyahin.

Tip: Puwede mong kanselahin ang kahilingang ito bago matapos ng Google ang paggawa ng kopya ng iyong data. Para alisin ang access na ibinigay mo sa third-party na serbisyo, pumunta sa iyong Google Account.

Isa itong pang-isang beses na kahilingan sa paglipat ng kopya ng iyong data

Hindi sini-sync ng prosesong ito ang iyong Google Account sa third-party na serbisyo. Gumagawa ang prosesong ito ng pang-isang beses na kopya ng iyong data na ililipat ng third-party na serbisyo.

Kung gusto mong maglipat ng kopya ng iyong data sa parehong serbisyo sa ibang pagkakataon para ma-update ang mga karagdagang pagabagong nangyari, kailangan mong gawin ulit ang proseso. Puwedeng gumawa ng kahit ilang kopya ng iyong data, pero para makatulong na protektahan ang data mo, kinakailangang pahintulutan mo ang pagkopya sa bawat pagkakataon.

Hindi made-delete ang iyong data

Bilang bahagi ng prosesong ito, hindi magde-delete ang Google ng anuman sa iyong data sa mga serbisyo ng Google na ginagamit mo. Gumagawa ang Google ng kopya ng iyong data ayon sa kasalukuyan nitong kalagayan sa panahon ng paglilipat ng third-party na serbisyo. Alamin kung paano hanapin, kontrolin, at i-delete ang impormasyon sa iyong Google Account.

Mga Tip:

  • Nakabatay ang ililipat na data sa kung kailan sisimulan ng third-party na serbisyo na i-export ang iyong data, hindi kung kailan nila hihilingin ang pahintulot mong ilipat ito.
  • Masasama sa kopya ang mga pagbabago at pagdaragdag sa iyong data na mangyayari sa pagitan ng dalawang pagkilos na ito.
  • Posibleng hindi isama ang mga pagbabago at pagdaragdag na mangyayari pagkatapos simulan ang pag-export.

Kung pipiliin mong maglipat ng kopya ng data sa isang third-party na serbisyo mula sa iyong Google Account, gagawa ang Google ng kopya ng data na pinili mo. Reponsibilidad ng third-party na serbisyo na ilipat ang iyong data.

Mahalaga: Mga kumpanya o developer na hindi Google ang mga third-party na serbisyo. Maglipat lang ng kopya ng iyong data sa mga third-party na serbisyong pinagkakatiwalaan mo. Alamin ang tungkol sa mga panganib.

Maglipat ng kopya ng iyong data

Dahil hihiling ng access sa ilan sa iyong data ang third-party na serbisyo, palaging nagsisimula ang prosesong ito sa kanilang app o website. Hindi kinokontrol ng Google kung paano o saan lalabas ang opsyong ito.

Kung magpapasya kang maglipat ng kopya ng ilan sa iyong data:

  • Posibleng hilingin sa iyo na mag-sign in sa Google Account mo.
  • Basahin nang mabuti ang mga tagubilin at pagpasyahan kung maglilipat ka ng kopya ng iyong data at anong data ang puwedeng i-access ng third-party na serbisyo.
  • Magkakaroon ng kopya ng iyong data na maililipat ng third-party na serbisyo.
  • Pagkatapos ilipat ang data, responsibilidad ng third-party na serbisyo na panatilihing ligtas at pribado ang kopyang iyon ng iyong data.

Tip: Batay sa kung gaano karaming data ang kokopyahin, at kung kailan ililipat ng third-party na serbisyo ang kopya, posibleng abutin nang ilang oras o araw bago matapos ang proseso.

Magsumite ng feedback

Kung nakakaranas ka ng mga isyu na hindi ipinaliwanag sa artikulong ito, puwede kang magpadala sa amin ng feedback.

Mga karaniwang tanong

Saan available ang feature na ito?
Mahalaga: Kung hindi mo magamit ang feature na ito sa lugar kung saan ka nakatira, at kung sinusuportahan ng third-party na serbisyo, puwede kang gumawa ng backup ng iyong data gamit ang Google Takeout. Pagkatapos, puwede mong i-upload ang backup na iyon sa third-party na serbisyo.
Available ang kakayahang maglipat ng kopya ng iyong data sa Google sa isang serbisyong hindi bahagi ng Google sa mga sumusunod na bansa at rehiyon:
  • Austria
  • Belgium
  • Bulgaria
  • Croatia
  • Cyprus
  • Czechia
  • Denmark
  • Estonia
  • Finland
  • France
  • Germany
  • Greece
  • Hungary
  • Ireland
  • Italy
  • Latvia
  • Lithuania
  • Luxembourg
  • Malta
  • Netherlands
  • Poland
  • Portugal
  • Romania
  • Slovakia
  • Slovenia
  • Spain
  • Sweden
  • Switzerland
  • United Kingdom

Alamin kung paano tinutukoy ng Google kung sa aling bansa nauugnay ang iyong account.

Magagamit ba ng lahat ng user na nasa mga bansang nakalista sa itaas ang feature na ito?

Hindi. Batay sa iyong Google Account, posibleng hindi available sa iyo ang feature na ito. Posibleng hindi mo magamit ang feature na ito kung ang iyong account ay:

  • Pinapamahalaan sa pamamagitan ng iyong trabaho, paaralan, o iba pang organisasyon.
  • Google Account na para sa bata.
    • Para magamit ang feature na ito, kailangan mo ng pag-apruba ng magulang o tagapag-alaga.
  • Brand Account para sa YouTube. Alamin kung paano mamahala ng Brand Account.
  • Naka-enroll sa Programang Advanced na Proteksyon ng Google.
Paano kung magkaroon ng error o problema sa proseso sa pagkopya ng data ko?

Posibleng hindi makagawa ng kopya ng iyong data ang Google dahil:

  • Hindi mahanap ang data. Magsuri ulit para tiyaking naaangkop ang uri ng data na gusto mong kopyahin.
  • May ginawa kang bagong kahilingan habang may pinoproseso pang dating kahilingan. Sa ganitong sitwasyon, posibleng hindi magawa ang isa sa dalawang kahilingan. Maghintay hanggang sa matapos ang anumang nakabinbing kahilingan bago ka gumawa ng panibago.
  • Nagkaroon ng error sa proseso ng pagkopya ng iyong data. Kung ganoon, subukan ulit ang proseso simula sa umpisa.

Para sa anumang isyu pagkatapos magawa ang kopya, direktang makipag-ugnayan sa third-party na serbisyo.

Mula sa aling mga produkto ng Google ako puwedeng magkopya at maglipat ng data sa isang third-party?

Mahalaga: Mga kumpanya o developer na hindi Google ang mga third-party na serbisyo. Maglipat lang ng kopya ng iyong data sa mga third-party na serbisyong pinagkakatiwalaan mo. Alamin ang tungkol sa mga panganib.

Puwede kang maglipat ng kopya ng ilan sa iyong data sa mga third-party na serbisyo mula sa mga produktong ito ng Google:

  • Chrome browser
  • Google Maps
  • Play Store
  • Google Search
  • Google Shopping
  • YouTube
Paano kung hindi ko sinadyang maglipat ng kopya ng data ko? Made-delete ko ba ito?
Palaging tiyaking nauunawaan mo kung paano gagamitin at iso-store ng third-party na serbisyo ang iyong data, at kung paano mo ito makokontrol. Kapag nakapaglipat ka na ng kopya ng iyong data, kailangan mong makipag-ugnayan sa third-party na serbisyo para alamin kung made-delete mo ang data.
Paano ko masusuri kung anong data ang isinama ko sa paglilipat ng kopya?
Para sa higit pang impormasyon, makipag-ugnayan sa third-party na serbisyo.
Paano kung ginamit ng third-party na serbisyo ang data ko sa maling paraan?
Bukod pa sa anupamang remedyong posibleng mayroon, puwede ka ring mag-ulat ng third-party na serbisyo sa Google kung sa tingin mo ay ginagamit nito ang iyong data sa maling paraan, gumagawa ito ng spam, nagpapanggap ito bilang ikaw, o ginagamit nito ang data mo sa mga mapaminsalang paraan. Mag-ulat ng third-party app o serbisyo.

Para sa mga developer

Para tingnan ang aming developer guide at mga karagdagang reference, resource, at patakaran, bisitahin ang aming  dokumentasyon ng Data Portability API.

Mga kaugnay na resource

true
Welcome sa Google Account!

Nalaman naming mayroon kang bagong Google Account! Alamin kung paano pahusayin ang iyong experience gamit ang checklist ng Google Account mo.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
332762157050113435
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
70975
false
false