Tungkol sa DMA at sa iyong mga naka-link na serbisyo

Ang Digital Markets Act (DMA) ay isang batas sa EU na nagkabisa noong Marso 6, 2024. Dahil sa DMA, sa EU, mag-aalok sa iyo ang Google ng opsyong i-link ang ilang partikular na serbisyo ng Google. Kasama sa mga serbisyo ng Google na iyon ang:

  • Search
  • YouTube
  • Mga serbisyo sa ad
  • Google Play
  • Chrome
  • Google Shopping
  • Google Maps

Puwede mong piliing i-link ang lahat ng serbisyong ito, piliing hindi mag-link ng anuman sa mga serbisyong ito, o piliin kung alin sa mga indibidwal na serbisyong ito ang gusto mong i-link.

Kapag naka-link, puwedeng ibahagi ng mga serbisyong ito ang iyong data sa isa't isa at sa lahat ng iba pang serbisyo ng Google para sa ilang partikular na layunin. Halimbawa, puwedeng magtulungan ang mga naka-link na serbisyo ng Google para ma-personalize ang iyong content at mga ad depende sa mga setting mo.

Mga serbisyo ng Google na hindi puwedeng ma-link

Para sa karamihan ng mga user sa EU, walang serbisyong hindi puwedeng ma-link. Hindi puwedeng ma-link ang ilang serbisyo para sa mga user sa Germany.

Tip: Palaging naka-link ang lahat ng iba pang serbisyo ng Google na nagbabahagi ng data sa isa't isa at hindi pinangalanan sa itaas.

Tungkol sa mga naka-link na serbisyo

Kung hindi naka-link ang mga serbisyo, malilimitahan o magiging hindi available ang ilang feature na may kaugnayan sa pagbabahagi ng data sa mga serbisyo ng Google Halimbawa:

  • Kapag mga hindi naka-link na serbisyo ang Search, YouTube, at Chrome, hindi gaanong mape-personalize ang iyong mga rekomendasyon sa Search, tulad ng “Ano'ng papanoorin” at Discover feed mo.
  • Kapag mga hindi naka-link na serbisyo ang Search at Maps, hindi lalabas sa Google Maps ang mga Reservation na gagawin sa Search.

Hindi maaapektuhan ang mga aspeto ng serbisyo na walang kinalaman sa pagbabahagi ng data.

Hindi ka masa-sign out sa anumang serbisyo ng Google kung pipiliin mong hindi mag-link ng mga serbisyo. Bukod pa rito, hindi tungkol sa pagbabahagi ng iyong data sa mga third-party na serbisyo ang pag-link sa mga serbisyo ng Google.

Pamahalaan ang iyong mga naka-link na serbisyo

Ikaw ang may kontrol. Mapipili mo kung alin sa mga serbisyo ng Google na nakalista sa itaas ang naka-link. Puwede mong suriin o palitan kahit kailan ang mga pinili mo sa iyong Google Account. Alamin kung paano pamahalaan ang iyong mga naka-link na serbisyo.

Tungkol sa iyong data

Matuto pa tungkol sa kung paano ginagamit ang iyong data sa mga naka-link na serbisyo ng Google.

Anong data ang ginagamit
Puwedeng ibahagi sa anumang naka-link na serbisyo ang personal na data na kinokolekta tungkol sa mga interaction mo sa mga naka-link na serbisyo ng Google. Kabilang dito ang mga paghahanap, mga video na pinapanood mo sa YouTube, mga app na ini-install mo mula sa Google Play, nauugnay na impormasyon tulad ng impormasyon ng device mo, at lahat ng iba pang uri ng impormasyong nakasaad sa aming Patakaran sa Privacy.
Paano ginagamit ng Google ang data na ito

Ginagamit ng Google ang data na ito na nakabahagi sa lahat ng naka-link na serbisyo para sa mga layuning nakasaad sa aming Patakaran sa Privacy:

  • Pagbibigay ng mga naka-personalize na serbisyo, kabilang ang content at mga ad, depende sa iyong mga setting
  • Pagpapanatili at pagpapahusay ng aming mga serbisyo
  • Pagbuo ng mga bagong serbisyo
  • Pag-unawa kung paano ginagamit ng mga tao ang aming mga serbisyo para matiyak at mapahusay ang performance ng aming mga serbisyo

Hindi babaguhin ng mga pipiliin mo tungkol sa mga naka-link na serbisyo ang iba mo pang setting, tulad ng mga ginawa mong pagpili tungkol sa pag-personalize ng mga serbisyo ng Google. Pinapalawak lang ng mga ito ang mga opsyong mayroon ka para kontrolin kung paano ibinabahagi ang iyong data.

Patuloy na magbabahagi ng data ang Google sa ilang sitwasyon

Posible pa ring ibahagi sa lahat ng serbisyo ang data mo mula sa lahat ng serbisyo ng Google, naka-link man ang mga ito o hindi, para sa ilang partikular na layunin, gaya ng pag-iwas sa panloloko, pagprotekta laban sa spam at pang-aabuso, at pagsunod sa batas.

Posible ring ibahagi ang data mo sa mga serbisyo ng Google para epektibo kang matulungang tumapos ng mga gawain kapag sabay na iniaalok ang dalawang serbisyo. 

Related resources 

true
Welcome sa Google Account!

Nalaman naming mayroon kang bagong Google Account! Alamin kung paano pahusayin ang iyong experience gamit ang checklist ng Google Account mo.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
8101622723506112186
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
70975
false
false