Hanapin ang username ng iyong Google Account

Kung hindi mo maalala ang username ng iyong Google Account, makakatulong ang tatlong hakbang na ito para mahanap mo ito.

Hanapin ang iyong account

  1. Pumunta sa tool sa pag-recover ng username.
  2. Sundin ang mga tagubilin. Kailangan mo ang mga sumusunod:
    • Numero ng telepono o email address sa pag-recover para sa account
    • Ang buong pangalang nakasaad sa account.
  3. Kumpirmahing account mo ito:
    • Kung naglagay ka ng numero ng telepono: Ilagay ang code na ipinadala sa teleponong iyon.
    • Kung naglagay ka ng email address sa pag-recover: Tingnan ang inbox nito at ilagay ang code mula sa email na ipinadala sa iyo ng Google.
  4. Sa lalabas na listahan ng mga username, hanapin ang username ng iyong account.

Kung hindi mo mahanap ang iyong username

  • Sumubok ng iba pang numero ng telepono o email address sa pag-recover na posibleng nagamit mo.
  • Posibleng may typo ang iyong username noong ginawa mo ang account. Para alamin kung ganito nga, subukang gumawa ng bagong account gamit ang username na iyon. Kung available pa ang username, ibig sabihin, may typo ang username ng iyong account.
  • Posibleng wala kang Google Account. Gumawa ng account.

Mayroon ding mga resource na makakatulong sa iyo ang iba pang produkto ng Google. Kung ginagamit mo ang mga serbisyong ito at hindi mo pa rin mahanap ang iyong username, subukan ang mga karagdagang resource na ito:

Tip: Kung hindi mo pa rin mahanap ang iyong username, puwede kang gumawa ng pamalit na Google Account.
true
Welcome sa Google Account!

Nalaman naming mayroon kang bagong Google Account! Alamin kung paano pahusayin ang iyong experience gamit ang checklist ng Google Account mo.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
521739489162665725
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
70975
false
false