- Kung magdaragdag ka ng passkey sa iyong Google Account, hindi nito babaguhin o aalisin ang anumang salik ng pag-authenticate o pag-recover na kasalukuyang mayroon ka sa account mo.
- Kung may 2-Step na Pag-verify o naka-enroll sa Programang Advanced na Proteksyon ang iyong account, iba-bypass ng passkey mo ang ikalawang hakbang sa pag-authenticate, dahil vine-verify nito na ikaw ang may-ari ng device.
- Sa device mo lang nananatili at hindi sine-share sa Google ang iyong biometric data na ginagamit para sa pag-unlock gamit ang fingerprint o mukha.
Puwede mong gamitin ang mga passkey bilang simple at secure na alternatibo sa mga password. Puwede kang mag-sign in sa iyong Google Account gamit ang:
- Fingerprint
- Pag-scan sa mukha
- Screen lock ng telepono, tulad ng PIN
Hindi tulad ng mga password, hindi puwedeng ma-share, makopya, maisulat, o maibigay sa ibang tao nang hindi sinasadya ang mga passkey. Ginagawa nitong mas secure ang mga ito laban sa phishing.
Kapag gumamit ka ng passkey para mag-sign in sa iyong Google Account, nangangahulugan itong may access ka sa device mo at maa-unlock mo ito.
Alamin kung bakit ka dapat gumamit ng mga passkey
- Mas mahusay na seguridad: Gamit ang mga passkey, makakakuha ka ng mas malakas na proteksyon laban sa mga banta tulad ng phishing.
- Matuto pa sa Blog ng Seguridad ng Google tungkol sa mga passkey.
- Mas madaling pag-sign in: Para madaling makapag-sign in sa iyong Google Account, gamitin ang passkey mo. Gumagana rin ito para sa ilang third-party na app o serbisyo.
Tingnan ang mga requirement sa passkey
Mga sinusuportahang device:
- Computer na gumagamit ng Windows 10, macOS Ventura, ChromeOS 109, o mas bago pa
- Teleponong gumagamit ng Android 9, iOS 16, o mas bago
- Hardware na security key na sinusuportahan ang FIDO2 protocol
Tip: Puwede kang gumawa ng passkey sa isang FIDO2 na hardware na security key na idinagdag sa iyong Google Account bago ang Mayo 2023. Posibleng kailangan mo munang alisin ang security key na ito sa iyong account.
Mga sinusuportahang browser:
- Chrome 109 o mas bago
- Safari 16 o mas bago
- Edge 109 o mas bago
- Firefox 122 o mas bago
Bago ka gumawa at gumamit ng passkey:
- I-on ang screen lock ng iyong telepono.
- Para gumamit ng passkey sa telepono para mag-sign in sa ibang computer, i-on ang Bluetooth.
- Para sa mga iPhone, iPad, at macOS device, i-on ang iCloud Keychain.
- Kapag nag-set up ka ng passkey, ipo-prompt kang i-on ang iCloud Keychain kung hindi pa iyon naka-set up. Alamin kung paano i-set up ang iCloud Keychain.
Mga Tip:
- Para matiyak na gumagana ang iyong mga passkey, tingnan kung up to date ang operating system at browser mo.
- Sa ilang operating system at browser, posibleng hindi ka makagawa o makagamit ng mga passkey habang nasa Incognito mode.
Kung may Google Workspace account ka sa pamamagitan ng iyong paaralan o employer, posibleng hindi ka makapag-sign in gamit ang passkey lang. Puwede ka pa ring gumawa ng mga passkey sa iyong mga device bilang:
- Pangalawang factor sa 2-Step na Pag-verify
- Isang opsyon sa pag-recover ng account
- Isang opsyon para sa ilang sensitibong aksyon sa iyong account kung saan kakailanganin ng Google na i-verify ulit ang pagkakakilanlan mo
Sa page ng mga setting ng account na “Laktawan ang password kapag posible,” malalaman mo kung pinapayagan ka ng iyong admin na mag-sign in gamit ang passkey lang.
Kung isa kang admin ng Workspace, alamin kung paano payagan ang mga user na laktawan ang mga password sa pag-sign in.
Mag-set up ng mga passkey
Mahalaga: Kapag gumawa ka ng passkey, mag-o-opt in ka sa experience sa pag-sign in na passkey muna at walang password. Gumawa lang ng mga passkey sa mga device na personal mong pag-aari at ginagamit. Kahit na mag-sign out ka sa iyong Google Account, kapag nakagawa ka na ng passkey, maa-access ng sinumang makakapag-unlock sa device mo ang iyong Google Account.
Para mag-set up ng passkey, posibleng kailanganin mong mag-sign in sa iyong Google Account o i-verify ang pagkakakilanlan mo.
Gumawa ng passkey sa ginagamit mong telepono o computer- Pumunta sa myaccount.google.com/signinoptions/passkeys.
- I-tap ang Gumawa ng passkey
Gumawa ng passkey.
- Kakailanganin mong i-unlock ang iyong device.
Para gumawa ng mga passkey sa maraming device, ulitin ang mga hakbang na ito sa mga device na iyon.
- Pumunta sa myaccount.google.com/signinoptions/passkeys.
- I-tap ang Gumawa ng passkey
Gumamit ng ibang device.
- Sundin ang mga tagubilin sa screen.
- Kakailanganin mong isaksak ang iyong hardware na security key at ilagay ang PIN nito o pindutin ang sensor para sa fingerprint sa key.
Tip: Para gumawa ng passkey sa isang security key, kailangan mo ng hardware na security key na sumusuporta sa FIDO2 protocol.
Mga Tip:
- Kapag nagawa mo na ang una mong passkey, sa susunod na mag-sign in ka sa anumang device na magagamitan ng mga passkey, posible kang ma-prompt na gumawa ng passkey para sa device na iyon.
- Para protektahan ang iyong account mula sa ibang user, huwag gumawa ng passkey sa isang naka-share na device.
- Posibleng kailanganin mong maghintay nang 7 araw bago maging available ang isang kagagawa lang na passkey sa pag-sign in.
Mag-sign in gamit ang passkey
Sa iyong device:
- Buksan ang page sa pag-sign in sa Google.
- Ilagay ang iyong username.
- Kapag na-tap mo ang field ng username, posible kang makakita ng listahan ng mga passkey. Kung gayon, i-tap ang passkey na gusto mong gamitin.
- Kung gumawa ka dati ng passkey sa device, sundin ang mga prompt para i-verify ang iyong pagkakakilanlan.
- Para i-unlock ang device at i-verify ang iyong pagkakakilanlan, sundin ang mga tagubilin sa passkey sa screen na ibinigay ng iyong operating system at browser.
Mga Tip:
- Kapag nag-sign out ka sa isang Android device:
- Puwede kang mag-sign in ulit gamit ang iyong passkey sa Android device na ito nang hanggang 6 na oras pagkatapos mong mag-sign out.
- Pagkatapos ng 6 na oras, kailangan mong gumamit ng ibang paraan para mag-sign in ulit.
- Kapag nag-sign in ka ulit, awtomatikong bubuo ng bagong passkey ang Android device at mag-e-expire ang lumang passkey.
- Kapag nag-sign out ka sa isang hindi Android na device: Pagkatapos mong mag-sign out, puwede kang mag-sign in ulit gamit ang iyong passkey anumang oras.
Mag-sign in sa iyong computer gamit ang passkey ng telepono mo
Puwede kang gumamit ng passkey para mag-sign in sa isang computer na sumusuporta rito, kung may passkey ka sa:
- Isang Android device
- iPhone o iPad
- Hardware na security key
- Sa page sa pag-sign in sa Google ng iyong computer, ilagay ang username mo.
- I-click ang Sumubok ng ibang paraan
Gamitin ang iyong passkey.
- May lalabas na QR code sa screen ng iyong computer.
- Tip: Kung gusto mong gumamit ng passkey mula sa isang hardware na security key, magkakaroon ka ng opsyong piliin ito.
- I-scan ang QR code gamit ang camera ng iyong telepono o app na scanner ng QR code.
- Tip: Tingnan para matiyak na naka-on ang Bluetooth.
- Sa iyong telepono, i-tap ang Gamitin ang passkey para mag-sign in.
- Kung mayroon kang iPhone o iPad, i-tap ang Mag-sign in gamit ang passkey.
- I-verify ang iyong pagkakakilanlan sa telepono mo gamit ang iyong fingerprint, pag-unlock gamit ang mukha, o PIN.
Tip: Sa susunod na mag-sign in ka gamit ang kumbinasyong ito ng computer at telepono, awtomatiko kang makakatanggap ng notification sa telepono para ma-verify ang iyong pagkakakilanlan.
Mag-sign in gamit ang password sa halip na passkey
Bilang default, kapag gumawa ka ng passkey, mag-o-opt in ka sa experience ng pag-sign in na passkey muna at walang password. Gayunpaman, magkakaroon ka pa rin ng opsyong gamitin ang password mo para mag-sign in sa iyong account. Kung gusto mong palaging gamitin muna ang iyong password, puwede mong baguhin ang default na preference na ito sa mga setting ng iyong account.
Para mag-sign in gamit ang iyong password bilang default sa halip na passkey:
- Mag-sign in sa iyong Google Account.
- I-tap ang Seguridad at pag-sign in.
- Sa "Paano ka nagsa-sign in sa Google," i-off ang Laktawan ang password kapag posible.
Kapag na-off mo ang opsyong ito at nag-sign in ka, may matatanggap kang prompt na hihingi ng password mo. Kung naka-enroll ka sa 2-Step na Pag-verify, puwede mong gamitin ang alinman sa iyong mga passkey bilang ikalawang hakbang.
Suriin ang iyong mga passkey
Kung may mga passkey na ang iyong account, nakalista ang mga iyon sa mga opsyon sa pag-sign in sa Google Account mo.
- Pumunta sa myaccount.google.com/signinoptions/passkeys.
- I-verify ang iyong pagkakakilanlan, kung naaangkop.
- Kung naka-sign in ka sa maraming account, tiyaking i-verify ang iyong pagkakakilanlan para sa gusto mong account.
Tip: Kung may Android device ka na naka-sign in sa account na ito, posibleng may mga passkey kang awtomatikong nairehistro para sa iyo.
Mag-alis ng passkey
Kung may naiwala kang device na may passkey mo, o hindi mo sinasadyang gumawa ng passkey sa naka-share na device, alisin ang passkey sa iyong Google Account.
Mag-alis ng ginawa mong passkey- Pumunta sa iyong Google Account.
- I-tap ang Seguridad at pag-sign in.
- Sa "Paano ka nagsa-sign in sa Google," i-tap ang Mga passkey at security key.
- Piliin ang passkey na gusto mong alisin.
- I-tap ang Alisin
.
- Pumunta sa iyong Google Account.
- I-tap ang Seguridad at pag-sign in.
- Sa "Iyong mga device," i-tap ang Pamahalaan ang lahat ng device.
- I-tap ang device na gusto mong alisin
Mag-sign out.
Posibleng galing sa iisang device o maraming device ang maraming session na may parehong pangalan ng device. Para matiyak na walang access sa account mula sa ibang device, mag-sign out sa lahat ng session na may pangalan ng device na ito.
Mga Tip:
- Para suriin ang lahat ng device na may access sa iyong account, pumunta sa google.com/devices.
- Kung nag-alis ka ng passkey sa iyong Google Account, pero na-prompt ka pa ring gamitin ito kapag nag-sign in ka:
- Tingnan kung nasa anumang third-party na credential manager na ginagamit mo ang passkey.
- Alisin ang passkey sa credential manager.
- Para malaman kung paano alisin ang passkey, pumunta sa dokumentasyon ng suporta ng iyong credential manager.
Mag-ayos ng problema sa nawawalang passkey
Mag-alis ng passkey sa nawala o ninakaw na device- Sa device na naa-access mo, mag-sign in sa iyong Google Account.
- Alisin ang passkey sa nawala o ninakaw na device.
Kung may passkey ka sa iyong account na hindi lumalabas kapag nagsa-sign in ka:
- Tingnan kung naka-on ang screen lock sa device na may passkey.
- Kung naka-off ang screen lock ng iyong device, hindi mo magagamit ang passkey sa device na iyon hanggang sa i-on mo ito.
- Sa mga setting ng seguridad ng iyong account, tingnan kung na-on mo ang “Laktawan ang password kapag posible.”
- Para tingnan kung naka-on ang setting na ito, pumunta sa myaccount.google.com/security.
- Posibleng kailanganin mong maghintay nang 7 araw bago maging available ang isang kagagawa lang na passkey sa pag-sign in.
Para mag-sign in nang walang passkey, i-tap ang Sumubok ng ibang paraan. Nagbibigay-daan ito sa iyo na laktawan ang opsyong passkey at bumalik sa mga dati mong opsyon sa pag-sign in.
Tip: Kung madalas mong pipiliin ang “Sumubok ng ibang paraan,” isasaalang-alang ng Google ang iyong mga preference at mas madalang na iaalok ang opsyong passkey. Dalasan ang pag-sign in gamit ang mga passkey para mabago ito.