Pamahalaan ang iyong online na reputasyon

Sa kasalukuyan, dumarami ang personal na impormasyong lumalabas sa web. Halimbawa, maaaring banggitin ng ilan sa iyong mga kaibigan ang pangalan mo sa isang social network o maaari ka nilang i-tag sa mga online na larawan, o maaaring lumabas ang iyong pangalan sa mga post sa blog o artikulo.

Ang Google Search ay kadalasang ang unang lugar kung saan naghahanap ang mga tao ng impormasyong naka-publish tungkol sa iyo. Narito ang ilang paraan para mapamahalaan ang iyong reputasyon online at makatulong na kontrolin ang nakikita ng mga tao kapag hinanap ka nila sa Google:

1. Hanapin ang iyong sarili

Hanapin ang iyong pangalan sa Google para makita kung anong impormasyon tungkol sa iyo ang lalabas.

2. Gumawa ng Google Account

Gamit ang isang Google Account, maaari mong pamahalaan ang impormasyon—tulad ng iyong bio, mga detalye sa pakikipag-ugnayan, at iba pang impormasyon tungkol sa iyo—na nakikita ng mga tao sa lahat ng Serbisyo ng Google.

3. Alisin ang hindi gustong content at ang mga nauugnay na resulta ng paghahanap

Kung nahanap mo ang content sa online—halimbawa, ang iyong numero ng telepono o isang hindi naaangkop na larawan mo—na ayaw mong lumabas online, alamin muna kung ikaw o ibang tao ang may kontrol sa content. Kung nasa isang site o page na hindi mo nakokontrol ang mga hindi mo gustong content, maaari mong sundin ang aming mga tip sa pag-aalis ng personal na impormasyon sa Google.

true
Welcome sa Google Account!

Nalaman naming mayroon kang bagong Google Account! Alamin kung paano pahusayin ang iyong experience gamit ang checklist ng Google Account mo.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11068359387719416680
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
70975
false
false