Blocked sign in notification

Kung makatanggap ka ng notification na may pinigilan kami na mag-sign sa iyong account, ibig sabihin nito na may hinarangan kaming pagtatangkang mag-access sa iyong account dahil hindi kami nakatitiyak na ikaw nga iyon. Tama ang password, ngunit hindi namin nakilala ang device o lokasyon. Upang makatulong na maprotektahan ang iyong account, hinihiling naming bisitahin mo ang page ng Mga kamakailang ginamit na device upang ipaalam sa amin kung ikaw iyon.

Suriin ang kahina-hinalang pag-sign in

Kapag nag-click ka sa link na ibinigay sa notification, dadalihn ka namin sa isang page na mayroong higit pang mga detalye tungkol sa kahina-hinalang pag-sign-in sa itaas. Narito ang ilang detalye na dapat suriin upang makatulong na matukoy kung sa iyo nga ba o hindi ang pag-sign in:

  • Device: Pag-aaari mo o nakikilala mo ba ang device na ito?
  • Oras: Naaalala mo ba na sinubukan mong mag-sign in sa device na ito sa petsa at oras na nakalista?
  • Lokasyon: Natatandaan mo ba na nag-sign in ka mula sa lugar na ito?
  • IP Address: Nakikilala mo ba ang IP address na ito?
  • Browser: Isa ba itong browser na madalas mong ginagamit?
Hindi ko nakikilala ang aktibidad na ito
Narito ang ilang dahilan kung bakit maaaring tila hindi pamilyar ang aktibidad, ngunit sa iyo pa rin ito:
  • Naglakbay ka sa lugar na ito, at nag-sign in sa iyong account habang naroroon ka.
  • Nagsimula kang gumamit ng bagong telepono.
  • Nag-sign in ka sa iyong account mula sa computer ng isang kaibigan.
  • Nag-sign in ka sa iyong account sa isang pampublikong computer sa isang Internet cafe, library o ibang lokasyon.

Kung wala sa mga sitwasyong ito ang naaangkop, maaaring ngang kahina-hinala ang aktibidad. I-click ang Hindi - I-secure ang iyong account at sundin ang mga hakbang upang i-reset ang iyong password.

Nakikilala ko na akin ang aktibidad na ito
Kung nasuri mo na ang impormasyong ito at nakikilaa na sa iyo ang aktibidad, i-click ang Oo - Ako nga iyon!

Bilang karagdagang pag-iingat, magpapakita kami ng pulang icon ng alerto sa tabi ng device kung saan namin natukoy ang hindi pangkaraniwang aktibidad na ito sa loob ng susunod na dalawang linggo. Sa ganitong paraan, kung may makakapasok sa iyong account at magdi-dismiss ng notification bago mo ito makita, malalaman mo pa rin ang tungkol dito sa pamamagitan ng pagbisita sa iyong page ng Mga kamakailang ginamit na device.

true
Welcome sa Google Account!

Nalaman naming mayroon kang bagong Google Account! Alamin kung paano pahusayin ang iyong experience gamit ang checklist ng Google Account mo.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
8232423823612875127
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
70975
false
false