Para makatulong na protektahan ka mula sa pang-aabuso, kung minsan ay hihilingin naming patunayan mong hindi ka robot bago ka makagawa ng account o makapag-sign in sa iyong account. Sa karagdagang pagkumpirmang ito sa pamamagitan ng telepono, mapipigilan ang mga spammer na abusuhin ang aming mga system.
Tip: Para ma-verify ang iyong account, kailangan mo ng mobile device.
Bayad sa pag-verify sa pamamagitan ng text o boses
Nag-iiba ang bayad sa iyong mga text o voice message depende sa plan at provider mo, pero malamang ay pareho ito sa iyong mga karaniwang singil sa text message at tawag. Kapag pinili mo ang opsyong voice call, puwede mo ring gamitin ang iyong mga numero ng telepono sa bahay.
Para sa higit pang detalye, makipag-ugnayan sa iyong provider ng mobile phone.
Ayusin ang mga isyu sa pag-verify
Hindi natanggap ang text message
Kung nakatira ka sa lugar na maraming tao o kung hindi maayos na napapanatili ang imprastruktura ng iyong carrier, posibleng maantala ang pag-deliver ng text message. Kung ilang minuto ka nang naghihintay at hindi mo pa rin natatanggap ang aming text message, subukan ang opsyong voice call.
"Hindi puwedeng gamitin ang numerong ito ng telepono para sa pag-verify"
Kung matatanggap mo ang mensaheng ito ng error, kailangan mong gumamit ng ibang numero. Para protektahan ka laban sa pang-aabuso, nililimitahan namin ang bilang ng mga account na puwedeng gawin ng bawat numero ng telepono. Puwede kang gumamit na lang ng numero ng telepono ng miyembro ng pamilya o kaibigan. Puwede ring makatulong kung susubukan mong gumamit ng numero mula sa ibang carrier ng telepono.
"Ilang beses nang ginamit ang numerong ito ng telepono para sa pag-verify"
Kung matatanggap mo ang mensaheng ito ng error, kailangan mong gumamit ng ibang numero. Para protektahan ka laban sa pang-aabuso, nililimitahan namin ang bilang ng beses na puwedeng gamitin ang isang numero ng telepono para sa pag-verify. Puwede kang gumamit na lang ng numero ng telepono ng miyembro ng pamilya o kaibigan.