Paano nakakatulong ang on-device na pag-encrypt na protektahan ang iyong data
Ano ang ibig sabihin ng pag-encrypt?
Pag-encrypt ng password at passkey sa Google
Paano ito gumagana
Ang ibig sabihin nito
On-device na pag-encrypt at iyong data
Paano ito gumagana
Ang ibig sabihin nito
Mga dapat isaalang-alang
Ang pagkakaiba ng on-device na pag-encrypt at passphrase sa pag-sync
Pinapaigting ng on-device na pag-encrypt at passphrase sa pag-sync ang privacy ng data na sini-sync mo sa Google.
Nalalapat lang ang on-device na pag-encrypt sa iyong mga password at passkey. Nalalapat ang passphrase sa pag-sync sa lahat ng data na sini-sync mo sa Google sa pamamagitan ng Chrome.
Nagbibigay-daan sa iyo ang on-device na pag-encrypt na mag-set up ng maraming paraan para i-lock at i-unlock ang data, tulad ng iyong mga password o passkey, na nagpapaliit sa posibilidad na mawalan ka ng access sa data mo.
Sa passphrase sa pag-sync, pipili ka ng parirala para i-lock at i-unlock ang iyong data. Mawawalan ka ng access sa iyong data kung nakalimutan mo ang passphrase sa pag-sync mo. Matuto pa tungkol sa kung paano panatilihing pribado ang iyong impormasyon sa pamamagitan ng passphrase sa pag-sync.
Paano gumagana ang karaniwang pag-encrypt ng password
Ngayon, ine-encrypt ang iyong mga naka-save na password habang ipinapadala ang mga iyon sa pamamagitan ng anumang network at kapag sine-save ang mga iyon sa Google. Ang key sa pag-encrypt, na ginagamit para i-access ang iyong mga password, ay ligtas na naka-store sa Google Account mo. Pagkatapos ay ginagamit ng Google ang key na ito para i-access (i-decrypt) ang iyong mga password kapag:
- Ina-access mo ang mga iyon sa passwords.google.com, sa iyong mga kwalipikadong device, o sa mga setting ng Chrome.
- Sinusuri ang iyong mga password para sa mga isyu sa seguridad sa Password Checkup.
Paano gumagana ang on-device na pag-encrypt
Kapag naka-set up ang on-device na pag-encrypt, maa-unlock lang ang iyong mga password sa device mo gamit ang iyong password sa Google o ang lock ng screen para sa kwalipikadong device. Sa on-device na pag-encrypt, walang sinuman bukod sa iyo ang makaka-access sa iyong mga password.
Magsimula
Mahalaga:
- Kapag naka-set up na ang on-device na pag-encrypt, hindi na ito maaalis. Sa paglipas ng panahon, ise-set up ang pag-iingat sa seguridad na ito para sa lahat para makatulong na protektahan ang seguridad ng password.
- Kung maiwala mo ang iyong password sa Google, nanganganib kang mawalan ng access sa mga naka-save mong password. Kapag pinanatiling up to date ang iyong numero ng telepono at email sa pag-recover ng account, makakatulong ito para magkaroon ka ulit ng access sa account mo kung maiwala mo ang iyong password.
I-set up ang on-device na pag-encrypt para sa iyong mga password sa Web
- Pumunta sa passwords.google.com.
- I-click ang Mga Setting .
- I-click ang I-set up ang on-device na pag-encrypt.
I-set up ang on-device na pag-encrypt para sa iyong mga password sa Chrome
- Sa iyong Chrome browser, sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Mga Setting Mga Password I-set up ang on-device na pag-encrypt.
Paano i-access ang iyong mga password sa bagong device
- Mag-sign in sa iyong Google Account.
- I-on ang Pag-sync sa Chrome.
- Posibleng hilingin sa iyo ng Chrome ang mga karagdagang hakbang, gaya ng paglalagay ng password ng lock ng screen para ma-decrypt ng iyong kwalipikadong device ang mga naka-save mong password.
Mga opsyon sa pag-recover
Para matiyak na mare-recover mo anumang oras ang iyong mga naka-save na password (halimbawa, kung maiwala mo ang iyong telepono o computer), inirerekomenda ng Google ang pagdaragdag ng mga opsyon sa pag-recover ng password. Ngayon, magagamit mo ang iyong password sa Google at magagamit ng mga taong may kwalipikadong device ang kanilang lock ng screen para i-access ang mga naka-encrypt na password. Magdaragdag ng higit pang opsyon sa pag-recover sa paglipas ng panahon.
Gamitin ang iyong password sa GooglePagkawala ng access sa iyong data
Mawawala sa iyo ang lahat ng password mo kung:
- Maiwala mo ang lahat ng iyong opsyon sa pag-recover:
- Password sa Google
- Lock ng screen sa kwalipikadong device, kung nagdagdag ka nito
- Mawawalan ka rin ng access sa bawat device na:
- Naka-sign in sa iyong Google Account
- May mga naka-store na password mo
Dine-delete ng mga hakbang na ito ang iyong server-side na data ng Chrome Sync, na may data gaya ng mga bookmark at setting ng Chrome maliban pa sa listahan ng naka-save na password mo. Para sa higit pang impormasyon kung anong data ang sini-sync ng Chrome, pumunta sa data ng Chrome sa iyong account.
- Pumunta sa chrome.google.com/sync.
- Sa ibaba ng page, piliin ang I-clear ang Data.
- I-on ang Pag-sync sa Chrome sa iyong mga device.
- Opsyonal: Pumunta sa passwords.google.com/settings at i-set up ang on-device na pag-encrypt.