Kung magse-set up ka ng 2-Step na Pag-verify, puwede mong gamitin ang Google Authenticator app para bumuo ng mga code. Makakabuo ka pa rin ng mga code nang walang koneksyon sa internet o serbisyo sa mobile. Matuto pa tungkol sa 2-Step na Pag-verify.
Panatilihing naka-synchronize ang iyong mga code ng Google Authenticator sa lahat ng device mo
Ipinakilala ng Google Authenticator 6.0 sa Android at 4.0 sa iOS ang opsyong panatilihing naka-synchronize ang lahat ng iyong code sa pag-verify sa lahat ng device mo, sa pamamagitan lang ng pag-sign in sa iyong Google Account.
Pag-encrypt ng dataMga kinakailangan sa app
Para magamit ang Google Authenticator sa iyong iPhone, iPod Touch, o iPad, kailangan ang mga sumusunod:
- Pinakabagong operating system para sa iyong device
- Naka-on ang 2-Step na Pag-verify
Tip: Kung mayroon kang iPhone 3G o mas bago, mag-scan ng QR code para magamit ang Authenticator.
I-download ang Authenticator
I-INSTALL ANG GOOGLE AUTHENTICATOR
I-set up ang Authenticator
- Sa iyong iPhone o iPad, pumunta sa Google Account mo.
- Sa itaas, i-tap ang Seguridad.
- Kung sa simula ay hindi mo mahanap ang tab ng Seguridad, mag-swipe sa lahat ng tab hanggang sa makita mo ito.
- Sa ilang device, makikita sa side menu ang Seguridad.
- Sa ilalim ng "Puwede kang magdagdag ng higit pang opsyon sa pag-sign in," i-tap ang Authenticator.
- Posibleng kailanganin mong mag-sign in.
- I-tap ang I-set up ang authenticator.
- Sundin ang mga hakbang sa screen.
Ilipat ang iyong mga code ng Google Authenticator
Kung naka-sign in ka sa Google Account niya sa Google Authenticator, awtomatikong iba-back up at ire-restore sa anumang bagong device na gagamitin mo ang iyong mga code.
Puwede mo ring manual na ilipat sa ibang device ang iyong mga code, kahit kung hindi ka naka-sign in sa Google Account:
Para manual na mailipat ang mga code ng Authenticator sa bagong telepono, kailangan mo ang:
- Iyong lumang device na may mga code ng Google Authenticator
- Naka-install na pinakabagong bersyon ng Google Authenticator app sa iyong lumang telepono
- Iyong bagong telepono
- Sa iyong bagong telepono, i-install ang Google Authenticator app.
- Sa Google Authenticator app, i-tap ang Magsimula at mag-sign in.
- I-tap ang Menu Maglipat ng mga account Mag-import ng mga account.
- Sa iyong lumang telepono, gumawa ng QR code:
- Sa Authenticator app, i-tap ang Menu Maglipat ng mga account Mag-export ng mga account.
- Piliin ang mga account na gusto mong ilipat sa bago mong telepono.
- I-tap ang Susunod.
- Kung maglilipat ka ng higit sa isang account, posibleng gumawa ng mahigit isang QR code ang iyong lumang telepono.
- Sa iyong bagong telepono, i-tap ang Mag-scan ng QR code.
Pagkatapos mong i-scan ang iyong mga QR code, makakatanggap ka ng kumpirmasyong nailipat na ang mga Authenticator account mo.
Tip: Kung hindi ma-scan ng iyong camera ang QR code, posibleng masyadong maraming impormasyon. Subukang mag-export ulit ng mas kaunting account.
Gamitin ang Authenticator sa maraming account
I-set up ang 2-Step na Pag-verify para sa maraming accountPuwedeng magbigay ang Google Authenticator ng mga code para sa maraming account mula sa iisang mobile device. Magkakaiba dapat ang lihim na key ng bawat Google Account.
Para mag-set up ng mga karagdagang account:
- I-on ang 2-Step na Pag-verify para sa bawat account. Matuto pa tungkol sa 2-Step na Pag-verify.
- Gamitin ang parehong Authenticator app para sa bawat account.
I-on ang privacy screen
Para sa higit pang lokal na proteksyon, puwede mong i-on ang Privacy Screen sa Google Authenticator. Nangangailangan ito ng pag-unlock gamit ang biometrics (FaceID o TouchID) bago pahintulutan ang paggamit ng application.
Para i-on ang privacy screen:
- Sa Authenticator app, i-tap ang Menu Mga Setting Privacy Screen.
- I-on ang toggle.