Mag-edit ng text gamit ang Switch Access

Makakapag-edit ka ng text gamit ang Switch Access.

Tandaan: Kasalukuyang hindi sinusuportahan ang pag-edit ng text sa Gmail at Google Docs.

Mag-type gamit ang on-screen na keyboard

Sundin ang mga hakbang na ito kung nakatakda ang iyong paraan ng pag-scan sa linear na pag-scan o row-column na pag-scan. 

  1. Pumili ng field ng text.
  2. Pindutin ang iyong switch na "Susunod" para simulang i-scan ang keyboard. Lumilipat ang pag-highlight sa keyboard nang paisa-isang row. 
  3. Kapag naabot ng pag-highlight ang row na may key na gusto mong pindutin, pindutin ang iyong switch na "Piliin." 
  4. Pindutin ang iyong switch na "Susunod" upang mag-scan sa mga key sa napiling row.
  5. Kapag naabot ng pag-highlight ang gusto mong key, pindutin ang iyong switch na "Piliin."

Tandaan: Kapag nakikita ang keyboard, nagbabago ang pagkakasunud-sunod ng pag-scan. Sa halip na lumipat mula sa itaas ng screen papunta sa ibaba, lumilipat ang pag-scan mula sa button ng Menu papunta sa keyboard. Pagkatapos ma-scan ang keyboard, magpapatuloy ang pag-scan sa mga natitirang item sa itaas ng screen.

Mag-edit ng text

Kapag nakatapat ang iyong cursor sa isang field ng nae-edit na text, maaari mong gamitin ang Menu ng mga pagkilos para mag-edit ng text.

Para mag-edit ng text:

  1. Tiyaking naka-off ang awtomatikong pagpili:
    1. Pumindot ng switch para masimulan ang pag-scan.
    2. Piliin ang button ng Menu sa itaas ng screen.
    3. Kung nakikita mo ang “I-enable ang awtomatikong pagpili" sa menu, naka-off ang awtomatikong pagpili. Piliin ang Isara para lumabas sa menu.
    4. Kung nakikita mo ang “I-disable ang awtomatikong pagpili" sa menu, piliin ang I-disable ang awtomatikong pagpili.
  2. Pumili ng field ng text. May lalabas na menu na may mga available na pagkilos para sa field ng text, kabilang ang Piliin, Pindutin nang matagal, Susunod, Nakaraan, I-delete, I-highlight, Kopyahin, I-cut, at I-undo.

Tandaan: Kung pipili ka ng pagkilos na may ellipsis, may magbubukas na panibagong menu. Halimbawa, kung pipiliin mo ang Nakaraan... magbibigay-daan sa iyo ang susunod na menu na makapili ng mga opsyon gaya ng Nakaraang character, Nakaraang salita, Nakaraang pangungusap, Nakaraang linya, Nakaraang talata, o Nakaraang page.

Ilipat ang cursor sa field ng text

Kapag nakatapat ang cursor sa isang field ng nae-edit na text, magagamit mo ang Menu ng mga pagkilos para ilipat ang cursor ayon sa character, salita, linya, talata, at page.

Para ilipat ang cursor:

  1. Tiyaking naka-off ang awtomatikong pagpili:
    1. Pumindot ng switch para masimulan ang pag-scan.
    2. Piliin ang button ng Menu sa itaas ng screen.
    3. Kung nakikita mo ang “I-enable ang awtomatikong pagpili" sa menu, naka-off ang awtomatikong pagpili. Piliin ang Isara para lumabas sa menu.
    4. Kung nakikita mo ang “I-disable ang awtomatikong pagpili" sa menu, piliin ang I-disable ang awtomatikong pagpili.
  2. Pumili ng field ng text.
  3. Sa menu, piliin ang Nakaraan o Susunod
  4. Sa susunod na menu, pumili ng pagkilos para ilipat ang cursor ayon sa character, salita, pangungusap, linya, talata, o page.

Mag-cut, kumopya, at mag-paste

Sa karamihan ng mga field ng nae-edit na text, maaari kang pumili, mag-cut, kumopya, at mag-paste ng text.

Para kumopya at mag-paste ng text sa pagitan ng dalawang magkaibang field:

  1. Tiyaking naka-off ang awtomatikong pagpili:
    1. Pumindot ng switch para masimulan ang pag-scan.
    2. Piliin ang button ng Menu sa itaas ng screen.
    3. Kung nakikita mo ang “I-enable ang awtomatikong pagpili" sa menu, naka-off ang awtomatikong pagpili. Piliin ang Isara para lumabas sa menu.
    4. Kung nakikita mo ang “I-disable ang awtomatikong pagpili" sa menu, piliin ang I-disable ang awtomatikong pagpili.
  2. Piliin ang field ng text na may text na gusto mong kopyahin. May lalabas na menu na may mga available na pagkilos. 
  3. Kopyahin ang lahat ng text o ang ilan: 
    • Para kopyahin ang lahat ng text, piliin ang Kopyahin ang lahat ng text.
    • Para kopyahin ang ilang text, piliin ang I-highlight pagkatapos ay piliin kung gaano karaming text ang iha-highlight (character, salita, linya, page, talata, o lahat ng text). Piliing muli ang parehong field ng text, pagkatapos ay piliin ang Kopyahin.
  4. Piliin ang field ng text kung saan mo gustong i-paste ang nakopyang text. May lalabas na menu na may mga available na pagkilos. 
  5. Piliin ang I-paste.
    • Kung hindi mo nakikita ang "I-paste" sa menu, pindutin ang Piliin upang piliin ang field ng text na ito. May lalabas dapat na keyboard. Piliing muli ang field ng text. May lalabas na menu na may mga available na pagkilos. Piliin ang I-paste para i-paste ang text.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
10143020007461881036
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
717068
false
false