Tungkol sa kung paano ginagamit ng Display Network ng Google ang lokasyon

Paano gumagamit ng impormasyon sa lokasyon ang Display Network ng Google

Ang Google Display Network ay isang koleksyon ng mahigit 2 milyong website, video, at app, kasama ang ilang property na pagmamay-ari ng Google tulad ng Gmail at YouTube. Nakikipag-partner ang mga publisher na ito sa Google para magpakita ng mga ad mula sa mga advertiser.

Mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng impormasyon sa lokasyon sa paggawa ng mas may kaugnayan at kapaki-pakinabang ng iyong experience sa ad.

Hindi ibinabahagi ng Google sa mga advertiser ang iyong History ng Lokasyon o anupamang impormasyong tumutukoy sa pagkakakilanlan mo.

Paano ginagamit ng Display Network ang lokasyon para magpakita sa iyo ng mga ad

Puwedeng ipakita sa iyo ang mga ad sa Display Network batay sa lokasyon mo. Puwedeng kasama rito ang lokasyong kinuha mula sa IP address ng device o iba pang signal na nakabalangkas sa Privacy at Mga Tuntunin ng Google.

Depende sa iyong mga setting sa Ang Aking Ad Center, puwede ka ring pakitaan ng mga ad sa Gmail at YouTube batay sa aktibidad mo habang naka-sign in sa iyong Google Account. Kasama rito ang aktibidad sa Display Network na naka-store sa iyong Aktibidad sa Web at App.

Makokontrol mo ang data na sino-store sa iyong Google account at puwede mong i-off ang mga naka-personalize na ad anumang oras. Kapag naka-off ang mga naka-personalize na ad, hindi ginagamit ng Google ang data na naka-store sa iyong Google account para pakitaan ka ng mga mas kaugnay na ad.

​Kung pinili mong mag-opt in sa History ng Lokasyon, gagamitin din ng Google ang impormasyon para tulungan ang mga advertiser na sukatin kung paano naiimpluwensyahan ng isang online na campaign ng ad ang mga pagbisita sa mga pisikal na lokasyon ng retail. Mga pinagsama-samang istatistika lang ang iniuulat ng Google sa mga advertiser sa pamamagitan ng pagsasama ng iyong data ng online na aktibidad, tulad ng mga pag-click sa ad, sa impormasyon ng History ng Lokasyon na tumutukoy sa mga tindahan ng isang advertiser. Ginagamit ang pinagsama-samang impormasyong ito para tantyahin kung gaano kadalas bumisita sa tindahan ng advertiser ang mga user na nakakita ng online na campaign ng ad. Hindi ibinabahagi ng Google sa mga advertiser ang iyong History ng Lokasyon o anupamang impormasyong tumutukoy sa pagkakakilanlan mo.


Paano tinutukoy ng Google ang iyong general na lokasyon sa Display Network

Puwedeng mabigyan ang Google ng iba't ibang uri ng impormasyon sa lokasyon depende kung aling mga produkto ang ginagamit mo. Sinusuportahan ng impormasyong ito ang functionality ng mga produkto ng Google at nakakatulong itong gawing mas kapaki-pakinabang para sa iyo ang mga ad na ipinapakita sa iyo.

Mga halimbawa ng kung paano posibleng malaman ng Google ang iyong lokasyon:

  • Mula sa IP address ng iyong koneksyon sa Internet: Ginagamit ang mga IP address para gumawa ng koneksyon sa pagitan ng iyong device at ng mga website at serbisyong ginagamit mo. Tinataya ang mga IP address batay sa geography, ibig sabihin, puwedeng makakuha ng ilang impormasyon tungkol sa iyong general area ang anumang website na ginagamit mo. Posibleng isaalang-alang ng Google ang IP address na itinalaga ng iyong Internet Service Provider sa device mo para matukoy ang iyong general na lokasyon.
  • Mula sa website na bina-browse mo o sa dating aktibidad: Kapag bumisita ka sa isang website o app sa Display Network, puwedeng gamitin ang metadata mula sa pagbisita, tulad ng timezone ng browser, domain, content ng page, uri ng browser, at wika ng page, para tantyahin ang bansa mo o ang isang general area kung saan ka interesado. Puwede kaming umasa sa metadata na ito bukod pa sa mga signal ng lokasyon na nakukuha namin mula sa iyong IP address, VPN, proxy service, o iba pang impormasyon ng network. Puwede rin kaming makatukoy ng lokasyon batay sa iyong dating aktibidad sa pag-browse o app.

Matuto pa tungkol sa patakaran sa privacy ng Google tungkol sa lokasyon.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
1762186565435492962
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false
false
false